PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ABS-CBN at GMA-7 stars, bongga ang drama showdown sa Gabi ng Himala

Tagisan ng aktingan sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jodi Sta. Maria, at Piolo Pascual sa "Gabi Ng Himala: Mga Kwento at Awit."
by PEP Troika
Published Apr 22, 2020
Bongga ang aktingan nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jodi Sta. Maria, at Piolo Pascual sa Gabi Ng Himala: Mga Kwento at Awit. Ito ay isang fundraising event para matulungan ang daily wage earners sa Philippine entertainment industry.
PHOTO/S: Screengrab from Gabi Ng Himala: Mga Awit At Kwento

NOEL FERRER

Isang himala talaga ang pagsasama-sama ng iba’t ibang artista, mang-aawit, at iba pang kasama natin sa industriya sa Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento.

Nakakakilabot ang pagsasanib-puwersa ng artists at directors—mapa-Kapuso man o Kapamilya.

At oo, may surprise guest!

Lumabas ang paborito natin na si John Lloyd Cruz with the cast of Servando Magdamag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang new film ng acclaimed director na si Lav Diaz, sa panulat ng award-winning ding si Ricky Lee.

Ang saya lang!!!

Walang malaki o maliit na artista.

Iisa ang layunin: ang matulungan ang mga kasama natin sa industriya na daily wage earners, pero natigil ang kita dahil sa malawakang quarantine.

Ang pagtutulungang ito ay isang himala talaga.

JERRY OLEA

"Ang mga huling kataga ni Elsa sa Himala ay mga katotohanang tumutudla sa ating mundong patuloy na nagdarahop sa katotohanan.”

Iyan ang panghuling pahayag ni Direk Lav Diaz sa kanyang Himala dialectic.

Tampok dito sina John Lloyd Cruz, Raymond Bagatsing, Shaina Magdayao, Pinky Amador, Agot Isidro, Nanding Josef, at marami pang ibang artista.

Tumatagos sa puso ang pag-awit ni Lea Salonga ng “Gawin Mo Akong Sining.”

Itim ang kanyang suot, madilim at subdued ang background, at naka-focus ang video sa kanyang awit.

Na-impress din ako sa confrontation nina Elsa (Maja Salvador) at Nimia (Angelica Panganiban) sa direksiyon ni Olive Lamasan; maging sa confrontation nina Elsa (Jodi Sta. Maria) at Orly (Piolo Pascual), sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kapuri-puri ang kanilang homage sa obra maestra ni Ishmael Bernal, kung saan minimal ang akting ng mga artista maging ang background.

Pinairal nina Jodi, Piolo, Maja, at Angelica ang kanilang mga mata upang maipadama ang emosyon na hinihingi ng eksena. Bravo!


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Na-distract ako sa sumbrerong pula ni Tom Rodriguez habang nagsesermon.

Reminiscent of his performance in the horror movie Maledicto ang akting niya rito.

Na-distract din ako sa background at interpretation nina Marian Rivera, Iyah Mina, at Jericho Rosales sa “Walang Himala” monologue.

Magaslaw si Jericho na may hawak pang lapis.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mga kawayan na maraming berdeng dahon ang background ni Marian. Samantalang sa pelikula ay nasa burol si Elsa at tagtuyot sa mala-disyertong baryo ng Cupang.

May pa-frame pa sa likod si Iyah.

Okey ang background ni Nadine, pero kagaya kay Jericho, mas naalala ko ang akting ni Vilma Santos sa Relasyon sa kanyang pagganap.

Alalahanin nating naka-grand slam si Ate Vi sa awards night noong 1983 para sa Relasyon.

Kaya sa 1982 Metro Manila Film Festival lang nag-best actress si Nora para sa Himala.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wish ko lang na matunghayan ang interpretasyon ng mga pinagpipitaganang direktor na sina Laurice Guillen, Jose Javier Reyes, Chito Roño, Carlitos Siguion-Reyna, at Joel Lamangan.

Gayundin nina Peque Gallaga at Lore Reyes, Elwood Perez, Jeffrey Jeturian, at Brillante Mendoza sa alin mang eksena sa Himala.

Bet ko ring mag-Elsa sina Kathryn Bernardo, Sarah Geronimo, Mylene Dizon, at Aiko Melendez.

O kaya naman ay sina Carmina Villarroel, Judy Ann Santos, Angeli Bayani, Joanna Ampil, at Mercedes Cabral.

GORGY RULA

Maganda itong sinimulan ng ABS-CBN.

Kaya lang, tila malayo pa rin ito sa millennials dahil karamihan ay wala na sa kanilang kamalayan ang classic film na ito.

Kaya maganda yung binigyan ng isang version ang classic lines ito ni Ate Guy ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Maganda ang pagka-deliver ni Marian sa unang “walang himala...” lines niya.

Lalo niya itong dinamdam sa pangalawang version ng isang OFW gamit ang linyang iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malamang, naka-relate si Marian dahil sa regular program niyang Tadhana, na tumatalakay sa kuwento ng buhay ng ating OFWs.

Sana masundan pa ito, at marami na ngang titulo ng mga pelikula ang itini-text sa amin ng aming listeners sa radio program namin sa DZRH.

Sana raw ay gawin din daw ang mga ito ng ating magagaling na artista.

Ang proceeds ng nalikom na donasyon mula sa Gabi ng Himala ay para raw sa displaced workers ng film industry.

Sino kaya ang hahawak nito at mag-aasikaso ng pamamahagi ng mga donasyon?

May partisipasyon ba rito ang Film Development Council of the Philippines?

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bongga ang aktingan nina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jodi Sta. Maria, at Piolo Pascual sa Gabi Ng Himala: Mga Kwento at Awit. Ito ay isang fundraising event para matulungan ang daily wage earners sa Philippine entertainment industry.
PHOTO/S: Screengrab from Gabi Ng Himala: Mga Awit At Kwento
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results