PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Video scandals, biglang nag-resurrect ngayong may krisis

Ilang male models, nagbebenta ng video scandal nila kapalit ng bigas o pera.
by PEP Troika
Published Apr 22, 2020
blind item, two men
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

“Nitong mga nakaraang araw, sa loob lamang ng napakaikling panahon, parang naranasan natin ang pinaghalong langit at impyerno.

“Maraming sakit ang gumaling. Maraming tao ang bumuti at nagkaroon ng pananampalataya.

“Pero nakakita rin tayo ng kamatayan, ng epidemya, ng pagpuputa, ng krimen at panloloko!”

Ikinumpisal iyan ni Elsa (Nora Aunor) sa pelikulang Himala (1982, sa direksyon ni Ishmael Bernal, panulat ni Ricky Lee).

In-interpret naman ito nina Marian Rivera, Iyah Mina, Jericho Rosales, at Nadine Lustre sa Gabi ng Himala: Mga Awit at Kwento nitong Abril 21, Martes.

Hanash ng isang kaibigan sa panulat: “Ang prostitusyon ay kakambal talaga ng epidemya.”

Nitong Semana Santa, medyo nagpahinga ang mahahalay na video sa social media.

Ngunit pagsapit ng Easter Sunday, na-resurrect online ang malalaswang video, partikular sa Twitter at Messenger.

Merong libre, merong ibinebenta.

Lumutang maging ang mapangahas na video clips ng dalawang indie actor na namayapa last year, gayon din ng isang beteranong aktor na siyam na taon nang namayapa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Andiyan din ang dickfie ng isang guwapong aktor, na nakarelasyon ng isang yayamaning bading.

May dickfie rin ang isang yummylicious young actor na “boyfriend sa dilim” ng isang kontrobersiyal na young actress.

Bago sa aking paningin ang mga video ng pagpapaligaya sa sarili ng isang Ultimate Housemate ng PBB Otso, ng isang grand finalist sa Mr. Pogi 2012 ng Eat Bulaga, ng isang kalahok sa "Miss Q & A InterTALAKtik 2019" ng It’s Showtime, at banyagang contestant sa Mr. Supranational 2017.

Na-shookt AF ako sa pinaggagawa ng isang gandarang vlogger at pogilicious BF niya sa loob ng kotse; gayon din sa pogilicious member ng isang local hip-hop group kasama ang kanyang ka-partner sa kama.

Nakakawindang din ang mga litrato ng sikat na hunk actor kasama ang power bottom na alter na lumalahok sa mga bikini pageant, kung saan ipinapahiwatig na nagsisiping sila sa ilalim ng fuchsia na buwan.

Kumalat din ang Patreon video clips na walang saplot ang mga lalaking Pinoy—paminta man o straight, solo, dalawahan o grupo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil sa pagkainip sa quarantine kaya ba lumaganap ang mga ito?

Ang iba ay tahasang nagbebenta ng mga bago nilang scandal video.

Wala ba silang ayuda sa gobyerno, kaya ganito ang kanilang diskarte upang kumita sila ng pera?

NOEL FERRER

Mental health is real.

Habang tumatagal itong quarantine natin, malamang na dumami pa ang mga ganito.

Karamihan ng mga nagkakaganito ay maaaring walang ibang creative outlet.

At nang matanong ko ang mga kinauukulan, karamihan sa kanila ay mga Da Who.

Dahil diyan, na-resurrect pa tuloy ang ibang videos—alleged man o totoo—ng mga aktor at kung sinu-sino pang starlet, atleta at modelo.

Tulad ng isang pelikula ni Ishmael Bernal noon, “Ito Ba Ang Ating Mga Anak?”

GORGY RULA

Kagabi lang ay may nag-message sa aking isang model-modelan na humihiling kung puwedeng padalhan ko siya ng pera through G Cash.

Kapalit nito, papadalhan daw niya ako ng mahalay niyang video.

Meron ding isang nagmu-model na ipinadala sa akin ang lagayan ng bigas niyang wala nang laman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakikiusap siyang kahit limandaang piso lang ay padalhan ko siya, dahil nahihiya na raw siya sa kauutang sa katabing tindahan.

Paano natin maha-handle ang ganitong sitwasyon?

Ang pinakamatinding krisis na naalala ko noong kabataan ko ay ang pumila para sa NFA rice.

Sinubukan din namin minsan ang magsaing ng mais sa halip na bigas.

Akala ko, yun na ang pinakamatindi.

Ito pala ang pinakamasaklap, na nararanasan na ng mga kabataan ngayon.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results