PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ara Mina, walang sama ng loob sa nurse na tumanggi sa kanyang cosmetics pack

Ara Mina, natuwa sa frontliners na na-appreciate ang kanyang munting regalo.
by PEP Troika
Published Apr 23, 2020
Patuloy daw si Ara Mina sa pagbahagi ng kanyang blessings, lalo na dahil sa magandang takbo ng kanyang negosyo kahit may quarantine.
PHOTO/S: @therealaramina Instagram

GORGY RULA

Ipinagkibit-balikat na lang ni Ara Mina ang pagtanggi ng isang nurse sa cosmetics na ipinamimigay niya kasama ng relief goods.

Nag-sorry na raw sa kanya ang nurse.

Naipaliwanag na rin daw niya na ang pamimigay ng make-up mula sa kanyang Ara’s Secret ay bonus lang sa food packs na ipinapadala niya sa frontliners.

"It’s just a gift. Kumbaga, parang bonus lang yun kasama nung pagkain.

"Hindi yata niya alam na nagpapakain kami ng frontliners, kasama ng gift na yun. Baka akala niya, yun lang ang ibinigay.

"Actually, ang daming natuwa na nurses na gustong makatanggap ng ganoon.

"Kasi nga, every day na naka-PPE sila, naka-surgical mask, nagkaka-rashes na sila, hindi na maganda ang hitsura nila."

Maaari pa rin daw gamitin ang beauty products na ipinamigay niya sa ibang pagkakataon.

“Hindi ko naman sinabi sa kanila na mag-makeup ka habang naka-wear ka ng PPE.

"Siyempre, may mga off duty rin naman kayo. So, magagamit niyo 'yan pag hindi kayo naka-duty.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ko naman po sinabi na mag-lipstick ka habang naka-mask,” pakli ni Ara.

Nakapanayam namin si Ara sa DZRH nitong Abril 22, Miyerkules ng gabi.

Kasama ang kanyang Super Klenk team, patuloy si Ara sa pamumudmod ng relief goods.

Hindi lang sa frontliners at mga apektado ng COVID-19, kundi pati sa mga nasunugan gaya ng pinuntahan niya sa Caloocan kamakailan.

Gusto lang daw ibalik ni Ara ang blessings na dumarating sa kanya dahil lalo raw lumakas ang negosyo niya ngayong naka-enforced quarantine pa tayo.

Ani Ara tungkol sa kanyang restaurant business: "Nag-triple yung order compared doon sa naka-open yung store ko.

"Nag-lockdown nga, akala ko, napapahinga kami at walang mangyayari sa business.

"Mahigit 300 orders ang nadi-deliver namin sa loob ng isang araw.

"Nakapag-deliver na kami hanggang Cavite, sa Laguna, pati sa Antipolo.

"Pero medyo limited na ngayon dahil mas humigpit kasi sa checkpoints.

"Ang dami na nga naming hindi natatanggap na orders, kasi hindi na namin kaya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Kaya nag-share naman ako ng blessings,” pahayag ni Ara.

Pati ang kanyang beauty products ay mabenta na rin daw online dahil may donation drive na siya roon.

Sa halagang P350 na make-up kit, part ng proceeds niyon ay donation para raw sa relief goods na ipinapadala niya sa iba’t ibang barangay at pati sa frontliners.

Ang isa pang nakakatuwa ay nakakasama pa raw niya ang kanyang anak dahil sa bahay lang siya nagtatrabaho.

JERRY OLEA

Saludo tayo sa lahat ng nagsi-share ng blessings nang bukal sa puso, at salat sa pag-iimbot.

Kung ayaw ninyo sa makeup na ipinamimigay ni Ara, ibigay niyo na lang sa may gusto.

Huwag na kayong magmaganda at gawin iyong big deal.

NOEL FERRER

Okey naman ang intensyon ni Ara na makatulong. Kilala natin siya na talagang may mabuting puso.

Pero given the gravity of the current situation and the worldwide panic surrounding it, it’s easy for mga negosyante, advertisers, even artista/endorsers to make blunders na hindi man sinasadya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dapat may sensitivity talaga.

Sabi nga ng isang advertising talk na nadaanan ko, first and foremost, you need to know where people are coming from and what they are focused on, because their needs have understandably changed.

Iba yung pangangailangan ng health workers na frontliners sa ating mga homeliners.

No offense meant to Ara—but this is a good guide to us all—for the time being.

People are rightly concerned about their survival and the health of their families.

EVERYTHING ELSE SHOULD TAKE A BACK SEAT (sadly, pati pagme-makeup).

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy daw si Ara Mina sa pagbahagi ng kanyang blessings, lalo na dahil sa magandang takbo ng kanyang negosyo kahit may quarantine.
PHOTO/S: @therealaramina Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results