NOEL FERRER
In a few hours, ipapalabas na ang 50th birthday concert ni Regine Velasquez na One Night With Regine for Bantay Bata na pangako niya noon pa.
Ang sabi ni Regine sa panayam namin sa Level Up Exclusive radio program kahapon, “Kapag tumatanda ka na, your celebrations become less and less about you.
“Instead, it’s a thank you to God for blessing you with a life that can be meaningful when shared to other people.”
Kung noon, talagang hands on siya sa kaliit-liitang detalye ng concert niya, ngayon Regine is enjoying collaborating with Cacai and Raul Mitra, Paolo Valenciano, and other people.
“Siyempre, I’m in charge pa rin of my repertoire, but I enjoy working with really creative minds.
"Marami akong natututunan, lalo na sa asawa kong si Ogie." banggit pa ni Regine sa asawang si Ogie Alcasid.
“I am still very much a work in progress, pero I try my best to glorify God in the things I do,” ani Regine.
Mas relaxed na sa kanyang concerts lately si Regine.
Ang pinagtuunan na niya ng pansin ay ang anak na si Nate at kung ano ang kakakantahin at susuotin nito mamaya.
Masuwerte rin at pumayag si Lea Salonga na mag-guest, dahil aminin natin, sila ang top singers ng ating panahon.
“More than being singers, maganda nga yung sabihing storyteller ka, kaya tina-try ko iyang ma-achieve,” sambit ni Regine.
Kaya maganda yung isang artcard na nakita ko na nagsasabing “Regine. Istorya. Soon.”
Good luck, Songbird! You will always have our love and support!

GORGY RULA
Sinasabi noon ni Regine na rest muna siya sa pagku-concert dahil nakakapagod na rin. Pero hindi naman niya tuluyang tatalikuran.
Pero kakaiba itong pinagdadaanan natin ngayon, at para nga sa Bantay Bata itong selebrasyon ng kanyang kaarawan.
Kaya sana, marami ang tumutok ngayong Abril 25, Sabado, 8:00 PM sa Facebook page na ABSCBNnetwork, at YouTube channel na ABS-CBNonline.
Matagal-tagal pa itong ganitong klaseng concert ang mapapanood natin.

JERRY OLEA
Sandamukal ang local singers na nagpa-fund raising concert, pero marami sa kanila ay konti lang ang nalilikom.
Event ang pagsasanib-puwersa nina Regine at Lea, kaya inaasahan nating aarangkada ito.
Halina’t makipag-jamming kay Asia’s Songbird!
