Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pirated copy ng Fuccbois, pinagpipistahan na sa YouTube

by PEP Troika
Apr 29, 2020
Nakiusap ang direktor at ang stars ng Cinemalaya 2019 movie na Fuccbois na itigil ang pamimirata ng pelikulang pinaghirapan nila. Bida sa pelikula sina Royce Cabrera, Ricky Davao, at Kokoy de Santos.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Pinirata sa YouTube ang Cinemalaya 2019 film na F#@*bois, na pinagbidahan nina Ricky Davao, Kokoy de Santos, at Royce Cabrera, sa direksyon ni Eduardo Roy Jr.

I-search mo lang ang “fuccbois” sa YT ay lalabas na ang link.

Tatlong YT channel na ang nakita naming nag-post ng movie nitong Abril 29, Miyerkules.

Iyong isang channel na may 309 subscribers, naka-24.3K views sa loob ng siyam na oras na pagka-post.


Continue reading below ↓

“Nagulat ako sa biglang naglabasan ng copy ng F#@*bois. Pinaiimbestigahan namin paano ito kumalat,” sabi ni Direk Edong nang maka-chat namin via Messenger.

“For now, ni-report na namin sa YouTube and Twitter ang mga nagkalat na copy.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Naglipana sa Twitter at Messenger ang maseselang eksena sa F#@*bois, partikular ang pagpu-frontal nina Kokoy at Royce.

Pahayag ni Kokoy via Messenger, “Unang-una po sa lahat, naiintindihan ko po na marami sa atin ang gustong mapanood ang pelikulang ito.

"Pero sana po, huwag nating suportahan ang ganitong klaseng paraan. Dahil pamimirata po ito.

“Sana po ay bigyang respeto ang mga taong naghirap para gawin ang pelikula ito. Hindi po biro ang paggawa nito.

"Dugo at pawis ang inalay ng bawat isa rito, sa harap at likod ng camera."

Pahayag naman ni Royce via Messenger, “Bale nagpapasalamat ako, kasi maraming sumuporta sa F#@*bois movie namin nitong Cinemalaya 2019.

"Pero sana, sa tamang paraan din natin suportahan ang pelikulang ito.

Continue reading below ↓

“Hangga’t maari, huwag na sana panoorin pa at i-report na lang ang lahat ng movie or link na makikita nila.

“Kasi may tamang proseso naman para sa lahat, huwag na lang sanang ipirata pa.

"Kasi, kahit sa anong aspeto pa, mali talaga ang magnakaw ng pelikula na pinagpaguran ng mga taong nagtrabaho para doon.

“Yun lang po! Patuloy sana nilang suportahan ang pelikulang Pilipino.

"Stay safe sa lahat!"

Nakausap din namin via landline si Ricky, na itinanghal na best supporting actor sa Cinemalaya para sa F#@*bois.

Aniya, “May tumawag sa akin kagabi, trending daw ako sa Twitter.

Siyempre, natuwa ako na pinag-uusapan iyong pelikula.

“Pero huwag sanang ipirata.

"Iiikot pa sana iyan ni Direk Edong sa mga international film festival, pero dahil sa COVID-19 pandemic, hindi natin alam kung ano ang mangyayari.

"Lahat, naka-hold."

NOEL FERRER

Hindi lang ang F#@*bois ang napiratang pelikula online recently.

Kaya dobleng ingat ng mga producers ng pelikula, dahil bagama’t gusto nilang tumulong sa fundraising para sa frontliners, meron namang masasamang loob na mananamantala pa rin talaga!

Continue reading below ↓

Hayyy naku, pandemic na nga, mang-aabuso pa... Sana, sila ang makatuos ng Corona!!!

GORGY RULA

Asahan na natin ang talamak na pamimirata ngayon dahil walang bukas na mga sinehan.

Baka next year pa magiging maayos ang lahat kapag bumaba na ang kaso ng COVID-19 bandang Mayo o Hunyo.

Hindi pa ma-normalize ang lahat at takot pa ang mga taong lumabas at pumasok sa mga sinehan.

Kaya mamamayagpag ngayon ang digital films, at mahirap nang kontrolin ang pamimirata na lumalabas sa YouTube at ilan pang platforms.

Hindi ko alam kung ano ang mabuting gawin.

Pero para kahit paano, gumagalaw o masasabing active pa rin ang ating movie industry, siguro mag-focus na muna tayo sa mga digital films na lumalabas sa iba’t ibang format.

Isa na rito ang iWant TV na ang dinig ko ay maganda ang bayaran at magaganda ang mga pelikulang napili nila.

Malamang na ito na ang isa sa bagong normal sa ating industriya.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Naunang pinirata ang best picture sa Cinemalaya 2019 na John Denver Trending.


Hinaing ng direktor nitong si Arden Rod Condez noong Abril 27, Lunes ng gabi, sa Facebook, “Let me tell you about piracy, my friends. IT IS A CRIME. Pag namirata ka, magnanakaw ka.

“Someone from my hometown who I think is currently abroad screenrecorded John Denver Trending and posted it online like it's the most ordinary thing to do.

Continue reading below ↓

“Yes, someone from my hometown. That is even more criminal.

“Let me remind her that the film was not made by a big production company. Pinagtulungan iyan ng buong bayan.

“For her to just pirate it qualifies her as persona non grata. Or maybe, maybe marami pang may hindi nakakaalam na krimen ang pagpapakalat ng pelikula.

“Kasi she invited me pa to like her page! Tigas, ‘no?!

“We really need some serious anti-piracy campaign. For the meantime, I already reported her to iWant and the ABSCBN anti-piracy team.”

May UPDATE kapagkuwan si Direk tungkol dito.

“It has been taken down but she still deserves this. And this is also a warning to those who will attempt.

“Yes, #trendkindness but things like this we take even more seriously.

“Good night and please help us #ProtectJohnDenver.”

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓
Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakiusap ang direktor at ang stars ng Cinemalaya 2019 movie na Fuccbois na itigil ang pamimirata ng pelikulang pinaghirapan nila. Bida sa pelikula sina Royce Cabrera, Ricky Davao, at Kokoy de Santos.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results