PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Aktor at model, nag-aalok ng video scandals sa gay clients abroad

Aktor at model, nag-aalok ng video scandal nila kapalit ng cash remittance.
by PEP Troika
Published Apr 30, 2020
blind item, two men
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Naglipana ang video scandals ngayong naka-ECQ pa rin tayo.

Totoong may ilang nagmo-model o sumasali sa bikini contests na nag-aalok ng mahahalay na video nila kapalit ang salapi through remittance center.

Kung hindi umepek dito sa atin, bentang-benta naman sila sa mga kabadingang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Ayaw lang ng kaibigan naming nasa ibang bansa na i-share ang video ng isang hunk actor na kalilipat lang ng TV network.

Nang hinihingi ko ang kopya ng video, itinanggi ng kaibigan naming may video scandal itong si hunk actor.

Hindi na namin siya kinulit para matahimik na raw ang aktor dahil masaya na ito ngayon kapiling ang kanyang asawa at anak.

Pero ang latest ngayong involved sa pagbebenta ng mahahalay na video ay itong guwapo at matipunong finalist sa isang panlalaking pakontes ng isang noontime show.

Meron na raw itong pinadalhang bading noon, pero ewan ko lang kung kumalat dahil hindi pa siya sikat.

Ang latest, mero siyang kinukulit na bading na nagtatrabaho sa isang bansa.

Papadalhan daw niya ng video scandal ang bading, kapalit ang isang pares na mamahaling sapatos.

Natuloy na siguro ang pagpapadala ng video, dahil nakita ko na ang post nitong bading na may biniling mamahaling sapatos.

NOEL FERRER

Iyan ang kanilang napiling reinvention.

Nag-isip, nag-reassess, at nag-level up na sila—online na ang ganyang “service.”

Well, sex sells indeed!

And it doesn’t only reflect on the commodity, it also reads the consumers.

Tingnan natin kung saan hahantong ito sa "new normal."

JERRY OLEA

Desperate times call for desperate measures.

Kaya hindi ako nagulat sa paglaganap ng “flesh in the pan(demic).”

Si hunk actor, may mag-ina na kailangang buhayin.

Matitiis ba ng isang ama na ang kanyang panganay ay magutom? Bawal judgmental?!

Si matipunong finalist, anong malay natin kung ang mamahaling sapatos ang kailangan niya upang hindi siya mabuwang sa panahon ng COVID-19.

May alam akong mga menor de edad na nagpapadala ng mahalay nilang video para lang makapaglaro sila ng Mobile Legend.

Naalala ko tuloy ang pelikulang Oro Plata Mata (1982).

Sa panahon ng giyera, gagawin mo ang lahat upang maka-survive ka.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results