PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion, magkaroon kaya ng special participation sa online concert ni Sharon Cuneta?

Posible kayang magkaroon ng "reunion" ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa online concert ng Megastar?
by PEP Troika
Published Apr 30, 2020
Posible kayang magkaroon ng "reunion" ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa online concert ng Megastar?
PHOTO/S: @jotlosa / @itskcconcepcion Instagram

NOEL FERRER:

First read in PEP Troika last week, lumabas na ang official announcement!

Magkakaroon ng online fundraising concert si Megastar Sharon Cuneta with Maestro Louie Ocampo.

Pinamagatang Sharon Love and Music, gaganapin ang concert sa May 10, 8 p.m., sa Facebook at YouTube sites ng ABS-CBN.

She will get to sing her hits and at the same time help people in need ngayong may pandemic.

This is also a Mothers’ Day offering, kaya tribute ito sa mga mapagkalingang ina natin.

Dahil sa kanyang clout, mabilis na mahihimok ni Shawie ang kanyang friends and advertisers to donate to this cause.

Aabangan natin ito. Teka, sino kaya ang kanyang special guests? We’ll see.

GORGY RULA:

Inaasahan ang suporta at partisipasyon diyan ng mga malalapit sa Megastar.

Tiyak na hindi tatanggi riyan si Regine Velasquez kung mahilingan siyang mag-guest.

Pero bilang Mother’s Day celebration naman ito, sana ay magkakaroon ng espesyal number sina KC Concepcion at mga kapatid niyang sina Frankie, Miel, at Miguel bilang pagpupugay sa kanilang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa concert ng Megastar, asahan din natin ang iba pang programang mapapanood online para sa Mother’s Day.

Nang nakausap ko si Regal Entertainment matriarch Mother Lily Monteverde, nag-suggest na ako sa kanya na magpa-piano concert siya uli sa Mother’s Day.

Madalas, may pang-Mother’s Day siyang pelikulang ipinapalabas sa mga sinehan.

Puwede na muna siyang magpa-piano concert dahil wala pa siyang pelikulang maipalabas sa selebrasyong iyun.

JERRY OLEA:

Bilang isang Sharonian, inasam ko na makasali si KC Concepcion sa online concert na iyan.

Hopia na, asado pa ako na maggi-guest din diyan si Gabby Concepcion.

Sana!

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Posible kayang magkaroon ng "reunion" ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion sa online concert ng Megastar?
PHOTO/S: @jotlosa / @itskcconcepcion Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results