PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Atom Araullo, naka-video call sina Ben Stiller at Cate Blanchett para sa isang good cause

Atom Araullo, nakibahagi sa programa ng UNCHR para matulungan ang displaced communities sa panahon ng COVID-19 pandemic.
by PEP Troika
Published Apr 30, 2020
Atom Araullo, nakiisa sa pulong ng Goodwill Ambassadors ng UNCHR kabilang ang Hollywood celebs na sina Cate Blanchett at Ben Stiller. Pinag-usapan nila kung paano matutulungan ang displaced communities sa iba-ibang bahagi ng mundo sa panahon ng COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: Atom Araullo Facebook / @refugees / @benstiller Instagram

NOEL FERRER

Nakaka-proud ang aking talent na si Atom Araullo nang makasama siya sa video call para sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR).

Kasama sa meeting ang Goodwill Ambassadors ng UNHCR at ibang high-profile supporters ng organisasyon.


They talked about how they can support forcibly displaced communities during the coronavirus pandemic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang social media account, nanawagan pa rin si Atom for donations sa mga most vulnerable people sa ating lipunan.

At sa proseso ng meeting, hindi mo mapigilang kiligin sa international celebs, like Cate Blanchett and Ben Stiller, na kasama sa virtual meeting.

Ipinapakita lang nito na ang usaping COVID-19 ay pandaigdigan at dapat magtulungan tayong lahat kahit anong lahi.

JERRY OLEA

Sadyang nakaka-proud na maging kinatawan ng Pilipinas si Atom kaugnay sa pandaigdigang usapan tungkol sa COVID-19.

Mas mapapalawak ang ating perspective sa isyu kung susuriin natin ang mga kaganapan sa buong mundo.

Kumbaga, we have to look also at the big picture.

Kaya makabuluhan ang three-part documentary series na Coronavirus, Explained sa Netflix.

Sa first episode na pinamagatang "This Pandemic," inilahad na mistulang karamihan ng may COVID-19 ay lalaki.

Bakit? Dahil daw siguro mas maraming lalaki ang mahilig manigarilyo, habang ang mga kababaihan ay mas madalas maghugas ng kamay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang unang epicenter ng nasabing pandemic ay China. Sumunod ang Italya at pangatlo ang Amerika.

Ang total running time ng documentary episode ay 26 minutes.

GORGY RULA

Sa totoo lang, nakakapanlumo ang napapanood natin sa mga balita, na ilan doon ay ibinabahagi ni Atom Araullo sa 24 Oras.

Bukod sa nakakalungkot na balita dito sa atin tungkol sa pagtaas ng kaso ng COVID-19, nakakadurog ng puso ang ilang kababayan nating may kanya-kanyang kuwento sa kakulangan ng makain.

Ngayong Huwebes ng gabi, April 30, naibalita ang tungkol sa isang lola na pinapatahan ang nine-year-old granddaughter niyang umiiyak dahil gutom na gutom na ito.

Isang tatlong-buwang buntis na ina ay pinadede na lang ang isang taong gulang na sanggol ng tubig na hinaluan ng asukal.

Naubusan na raw kasi siya ng gatas na ipapasuso sa anak.

Ang dami pa nating mga kababayang kailangan tulungan dahil sa gutom at may matinding pangangailangan.

Itong pinagdadaanan nilang buhay ay kasinsaklap ng refugees sa sariling bayan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Atom Araullo, nakiisa sa pulong ng Goodwill Ambassadors ng UNCHR kabilang ang Hollywood celebs na sina Cate Blanchett at Ben Stiller. Pinag-usapan nila kung paano matutulungan ang displaced communities sa iba-ibang bahagi ng mundo sa panahon ng COVID-19 pandemic.
PHOTO/S: Atom Araullo Facebook / @refugees / @benstiller Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results