PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-actress, hindi nadala ang mga damit at gamit nang umalis sa dating bahay

Singer-actress, kulang man sa damit at gamit pero busog naman sa pagmamahal.
by PEP Troika
Published May 1, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Kung napapansin ninyo sa TV appearances ng isang top singer-actress, sobrang simple ng mga suot niya.

At dahil sa ECQ, maaari nating maiintindihan 'yon.

Mahal natin siya at hinahangaan dahil sa kanyang kasimplehan at kabaitan.

Pero hindi pala basta ganoon lang ang kuwento. Bigla akong naawa sa kanya sa nasagap kong kuwento.

Kaya pala wala siyang mahusay-husay na damit ay dahil hindi pa ipinapadala sa bago niyang tirahan ang mga damit at gamit niya mula sa dating tinitirhan.

Hayyy, mukhang paninikis ito sa kanya. Ayaw ko nang dagdagan pa ang detalye, but our heart goes out to this royalty na hangad na lang natin ang kaligayahan ngayon.

Sabi nga ni Maricel Soriano sa pelikulang Saan Darating Ang Umaga? (1983): “Wala sa damit, wala sa kulay ang pagmamahal. Nasa puso! Nasa utak!”

GORGY RULA

Nakakaawa naman kung ganoon.

Pero, di ba, nakita pa natin sa social media na namili siya ng gamit para sa bahay?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana isinabay na rin ng asawa niya ang pamimili ng ilang damit para sa kanya.

Mabuti na lang at naka-ECQ tayo ngayon, kaya wala munang mga live shows na nangangailangan talaga ng ma-showbiz na damit.

Kunsabagay, puwedeng magawan iyan ng paraan ng glam team niya.

Naiisip ko nga, mukhang kasya sa nanay niya ang mga damit nito.

Hindi kaya isa sa mga araw na ito ay suot-suot na ng nanay niya ang mga nakatagong damit nitong singer-actress?

JERRY OLEA

Hindi ako naaawa sa singer-actress na iyan. Masaya ako para sa kanya.

Nasumpungan niya ang pagmamahal at pag-aaruga ng isang pamilya.

Konti man at simple ang mga damit niya, pakiwari ko’y napakaligaya niya ngayon bilang isang bituing walang ningning sa panahon ng ECQ.

Hindi siya kailangang kumayod-kalabaw pagka’t kaya siyang buhayin ng kanyang mister na lubos ang pag-ibig sa kanya.

Ngayon niya nae-enjoy ang pagkakaroon ng pamilyang tunay at wagas ang malasakit sa kanya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results