JERRY OLEA
Ang saya ng tsikahan nina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino sa unang session ng Actors’ Cue nitong Mayo 1, Biyernes ng gabi, sa Facebook page ng Extend the Love.
Nakakaintriga lang ang pa-blind item ng 2016 Cannes best actress na si Jacyln kaugnay ng isang artistang inamin niyang tinalakan niya sa set.
Kuwento ni Jaclyn, “Ako talaga, bilang laki ako kay Tita Chato [Charito Solis], di ba?
"Sa kanya ko natutunan yung, ‘You have to discipline the next generation. If not, walang mangyayari sa industriyang ito.’
“Meron na akong nasabihan na aktor ngayon na gano'n, e.
"Sabi ko, ‘This is not because of my winning. This is my personality as an actor.’
“Sabi ko, ‘Kaya walang nangyayari sa industriyang ito, dahil sa mga artistang kagaya mo!’ Ha! Ha! Ha!
“Ang sa akin... lalo tayong magtatagal dito, imbes na maaga tayong makauwi nang sabay-sabay, makasama natin ang pamilya natin...”
Nagpasubali si Jaclyn na hindi niya gawaing tumalak sa co-actor, at madalas ay naghihintay lang siya sa set.
Nilinaw ng beteranang aktres ang scenario kung bakit nagawa niya iyon.
“Dumating siya, lasing,” paliwanag ni Jaclyn.
“Nagte-take na kami, in the middle of the take, sumuka. Sumusuka.
“Tapos, tapos... we have to stop. Ibig kong sabihin, tapos, kailangang... bigyan ng kape, punasan.
“Iyon yung range ko lang naman ng intensity.
"Baka kasi isipin ng iba, terror ako. Hindi naman...”
Napahagalpak ng tawa sina Gina at Elizabeth.
Siyanga pala, ang ikalawang session ng Actors’ Cue ay ngayong Mayo 3, Linggo, 8:00 p.m., sa FB page pa rin ng Extend The Love.
Tampok dito sina Raymond Bagatsing, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Alan Paule, at Bembol Roco.
Ang ikatlong session ay sa Mayo 4, Lunes ng 8:00 p.m.
Panelists naman dito sina Piolo Pascual (Philippines), Ananda Everingham (Thailand), Nicholas Saputra (Indonesia), at Rhydian Vaughan (Taiwan).
Ang moderator ng Actors’ Cue ay si Direk Adolf Alix Jr.
GORGY RULA
Ang ganda nga ng balitaktakan ng magagaling na aktres na ito.
Hanggang doon lang muna ang entertainment natin ngayong naka-quarantine pa tayo.
Sana mapanood ito ng mga kabataang artista natin.
Mas bongga rin sana kung magawa sa Actors’ Cue sina Nora Aunor at Vilma Santos. Ang saya niyan!
Hindi nga lang nabanggit kung magkano ang nalikom ni Direk Adolf sa live chat na iyun via Zoom.
NOEL FERRER
Yun ang maganda ring malaman, Tito Gorgy.
Kasi, maganda yung ganitong content, pero kailangang malaman ng mga tao na kaya pumapayag ang mga artistang maging part sa ganitong activities ay para makalikom ng funds.
At ito ay para sa ating mga kasama sa industriya na displaced.
Maganda rin itong guide kung sa ganitong fundraising activity ba magre-respond ang mga tao nang lubusan.
Kasi, kung forum, okay naman iyan... but there is really a greater task at hand—at iyan ay survival!
At kailangang maging transparent sa reporting kung saan mapupunta ang mga funds.
Hindi lang dito sa Actors’ Cue kundi sa lahat ng mga nagpa-fundraise.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
