JERRY OLEA
P157,015.58 na ang nalikom na cash donations ng “Extend The Love” initiative.
Ito ay mula sa streaming ng tatlong pelikula ni Direk Adolf Alix Jr. (4 Days, Kinabukasan, at Porno) at sa unang live session ng Actors’ Cue series noong Mayo 1, Biyernes, na tinampukan nina Gina Alajar, Sandy Andolong, Jaclyn Jose, Elizabeth Oropesa, at Lorna Tolentino.
Sa second session ng Actors’ Cue ngayong Mayo 3, Linggo, 8 p.m., sa Facebook page ng Extendthelove, sina Raymond Bagatsing, Nonie Buencamino, Ricky Davao, Alan Paule, at Bembol Roco naman ang magdidiskusyon.
Pawang batikan ang limang aktor.
One thing they have in common, lahat sila’y gumanap na ng gay role.
Si Raymond sa mga pelikulang Love is Love (2019) at Burlesk King (1999).
Si Nonie sa mga pelikulang Family History (2019), Hanggang Dito Na Lamang At Maraming Salamat (2007), at Sibak: Midnight Dancers (1994).
Si Ricky sa mga pelikulang Fuccbois (2019), Kasal (2018), American Adobo (2001), at Ang Lalaki Sa Buhay Ni Selya (1998).
Si Alan sa mga pelikulang Masahista (2005), Sa Paraiso Ni Efren (1999), at Bawal Na Halik (1997).
Si Bembol sa teledramang Beauty Queen (2010).
Ang organizer at moderator ng Actors’ Cue series ay si Direk Adolf Alix Jr.
GORGY RULA
Curious lang ako kung paano ang sistema ng pamamahagi ng tulong sa mga displaced workers ng industriya ng TV at pelikula.
Malaki rin ang nalikom sa Gabi ng Himala, at meron din itong sa Actors’ Cue.
Sana magkaroon din ng report na naipamigay ito sa mga maliliit na film and TV workers, at kung natulungan ba silang lahat.
Hindi ba ito dapat ayusin ng Film Development Council of the Philippines?
Hindi ba ito puwedeng isama sa kanilang DEAR Project?
NOEL FERRER
Meron ding fundraising para sa mga displaced live artists ang PhilStage group ng theater artists tonight with the cast of the digital series Call Me Tita with Cherry Pie Picache, Agot Isidro, Angelica Panganiban, Mylene Dizon, at ang talent kong si Joanna Ampil.
With Marlon Rivera and Andoy Ranay, their act will be cross-posted mamayang 8 p.m. sa FB accounts ng PhilStage and iWant.
And magtatapos ang unang season ng Bayanihan Musikahan with a special TV presentation sa ABS-CBN at 11:00 p.m.
Tampok dito sina Ryan Cayabyab, Louie Ocampo, Martin Nievera, Gary Valenciano, and Lea Salonga plus a lot more collabs including a reunion of Smokey Mountain.
Maganda rin itong prelude sa birthday celebration ng ating National Artist for Music na si Mr C (Ryan Cayabyab) as this ushers in the new season of Bayanihan Musikahan.
Tuluy-tuloy lang ang ayuda dahil sa huli, tayo-tayo lang naman ang magtutulungan!
