NOEL FERRER
Isang newcomer ang nagbabakasakaling pumasok sa mundo ng showbusiness.
His name is Quiel Andrew Quiwa, a newest addition to my roster of talents.
Quiel is a Philippine Science High School and a BS Electronic Engineering graduate ng Ateneo de Manila University.
He dabbled with being an actor in theater and a student leader.
And as he leaves his post as the president of the Ateneo Student Council, babalikan niya ang mundo ng acting.
Presidente rin si Quiel ng kanyang college theater group na Entablado, and he was part of Inquirer’s list of outstanding performers after he starred in noteworthy school plays.
Pero kinailangan niyang isantabi ito nang iboto siya sa Student Council.
And his first professional assignment—a brave and challenging role in the Virgin Labfest entry Dapithapon of Direk Sig Pecho.
Mula roon, we shall navigate his way in the entertainment business na challenging din ngayon because of the pandemic we are undergoing.
Welcome to the professional world, Quiel!
JERRY OLEA
Looking forward ako sa "revisited" section (kung meron!!!) ng Virgin Lab Fest this year, kung saan itatanghal sana muli ang Wanted: Male Boarders na tinampukan nina Ross Pesigan at Lance Reblando.
Mapangahas ang kanilang pagganap sa nasabing dula, pero hindi sila nag-frontal sa entablado.
Nawa’y mapantayan man lang ni QQ (Quiel Quiwa) ang ipinakita ni Ross na katotohanan sa aktingan, pagiging disiplinado, at pagiging committed na artist!
GORGY RULA
Malaking challenge ito ngayon sa bagong normal dahil hindi natin alam kung ano na ang gustong panoorin ng mga tao.
Interesado pa kaya silang manood ng sine? Anong tipo ng mga programa ang gusto nilang panoorin sa TV?
Ang mahalaga, may talent ka.
Baka mabigyan ng magandang break si Quiel na may kakaibang pangalang ipapakilala sa showbiz.
May konek kaya siya sa dating sexy star na ipinakilala noon na si Janet Quiwa?
Super yaman na ngayon si Janet Quiwa na maganda ang takbo ng negosyong beauty clinic.
Pero sa totoo lang, dahil sa magandang educational background ni Quiel Quiwa, puwede kaya niyang pasukin ang hosting?
