JERRY OLEA
Rated 18+ ang seven-episode miniseries na Hollywood dahil sa Language, Sex, Nudity at Substance.
Sa Episode 3 nito ay may frontal nudity ang ilang lalaking ekstra sa party scene.
Meron ding mga eksena ng pagtatalik na ang babae ay may breast exposure, bagama’t ilang segundo lamang ang mga iyon.
Noong Mayo 1, Biyernes, nagsimulang mag-streaming sa Netflix ang Hollywood, na nilikha nina Ryan Murphy at Ian Brennan.
Ang setting ng miniseries ay ang Hollywood Golden Age matapos ang World War II.
Isa sa mga pangunahing karakter dito ay ang budding film director na si Raymond Ainsley, na ginampanan ni Darren Criss.
Sa Episode 2 ng Hollywood, sinabi ni Raymond na half-Asian siya.
“Half-Filipino, yes,” aniya.
Sa isa pang eksena ay sinabi ni Raymond na ang kanyang ina ay “from the Philippines.”
Sa tunay na buhay, totoong ang ina ni Darren ay tubong-Cebu.
SPOILER ALERT! Sa istorya ng Hollywood, ang unang idinirek na movie ni Raymond na Meg ay nagwaging best picture, best director, best actress (Camille Washington, ginampanan ni Laura Harrier), best supporting actress (Anna May Wong, ginampanan ni Michelle Krusiec), at best original screenplay (Archie Coleman, ginampanan ni Jeremy Pope) sa 20th Academy Awards o Oscars.
Sa totoong buhay, ang 20th Oscars ay ginanap noong Marso 20, 1948 sa Shrine Auditorium ng Los Angeles, California.
Tigtatlo ng tropeo ang Gentleman’s Agreement at Miracle on 34th St.
Tigdadalawa naman ang Black Narcissus, A Double Life, at Great Expectations.
Best picture ang Gentleman’s Agreement, na prinodyus ni Darryl F. Zanuck para sa 20th Century Fox.
Best director si Elia Kazan para sa Gentleman’s Agreement.
Best actress si Loretta Young para sa The Farmer’s Daughter.
Best supporting actress si Celeste Holm para sa Gentleman’s Agreement.
At best original screenplay ang obra ni Sidney Sheldon na The Bachelor and the Bobby-Soxer.
GORGY RULA
Artistic license iyong pagkapanalo ng pelikulang Meg ng limang awards sa 20th Oscars.
May FICTIONALIZED version sa istorya sina Rock Hudson, Eleanor Roosevelt, Anna May Wong, Hattie McDaniel, Tallulah Bankhead, George Cukor, Vivien Leigh, Noel Coward, at Henry Willson.
Marami-rami man ang mga eksena ng harutan at landian sa Hollywood, kumukurot at humahaplos sa puso ay ang kissing scenes ng mga gurang na karakter—ang mag-asawang Ace at Avis Amberg na ginampanan nina Rob Reiner at Patti LuPone, at ang bagong magkasintahang sina Ellen Kincaid (ginampanan ni Holland Taylor) at Ernie West (ginampanan ni Dylan McDermott).
Sumikat si Darren Criss sa pagganap bilang Blaine Anderson sa TV series na Glee (2010-15).
Nagwagi si Darren ng acting awards sa Emmy at Golden Globe sa pagganap niya bilang Andrew Cunanan sa The Assassination of Gianni Versace: American Crime Story (2018).
Fil-Am ang ama ni Andrew na si Modesto “Pete” Cunanan.
Si Darren ang unang Asian-American actor na nagwagi ng acting award sa Emmy.
NOEL FERRER
I wonder kung paano ang mga ganitong sexy at sizzling scenes ngayon sa panahon ng social distancing!
Are these all a thing of the past?
So, sa streaming platforms na lang ba natin mapapanood ito at hindi na sa TV o sa movies?
Hayyyy, nakakalungkot namang realidad ito ngayon!!!
