PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jimmy Bondoc on ABS-CBN shutdown: "Maganda rin siguro paminsan-minsang masaktan."

Jimmy Bondoc, may pasaring sa "higante."
by PEP Troika
Published May 6, 2020
Jimmy Bondoc: “Bihira ang may nagbabagong higante, dahil bihira masaktan ang higante. Ang pagbabago pa naman ay madalas resulta ng sakit. Because pain is humbling. Maganda rin siguro paminsan-minsang masaktan."
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Mayo 22, 2019 nang mag-post si Jimmy Bondoc sa Facebook kaugnay sa excitement niyang makita ang pagsasara ng aniya’y "biggest TV network."

"This company is a snake pit, where success is based on politics and sexual favors,” sabi ni Jimmy.

Hindi binanggit ni Jimmy kung anong TV network ang tinutukoy niya roon.

Matapos mag-shutdown ang ABS-CBN nitong Mayo 5, Martes ng gabi, may mahaba at matalinhagang Facebook post si Jimmy.

May titulo itong "CLOSURE."

Bahagi ng kanyang FB post, “Ipinagdadasal ko pa rin ang mga apektado sa mga kasalukuyang kaganapan.

"At sa totoo lang, palagay ko ay di magtatagal, magbubukas ulit ang palasyo ng higante.

“Ang panalangin ko lang talaga ay pagbabago. Sa sarili ko. At sa higante.

“Lahat tayo, hindi perpekto. At may kasalanan.

“Pero naniniwala akong BUONG-BUO na ang Diyos ay punung-puno ng pagpapatawad.

“Lahat ng sugat ay naghihilom. Pero kailangan, gamutin natin ang sarili.

"Bago natin sisihin ang sumugat sa atin, tingnan din natin ang ating mga nasugatan. Lalo na kung malawakan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Madami sila, mga habambuhay nang sinugatan at isinantabi, trinabaho, propesyonal na pinaslang.

“Bihira ang may nagbabagong higante, dahil bihira masaktan ang higante.

"Ang pagbabago pa naman ay madalas resulta ng sakit. Because pain is humbling.

“Maganda rin siguro paminsan-minsang masaktan.

“Maniwala man kayo o hindi, hindi ako masaya.

"Ang gusto ko lang gawin ngayon ay magdasal at humingi ng tawad para sa mga sarili kong pagkukulang.

“At sana, maturuan ko ang sarili ko na magpatawad. Yung tunay na pagpapatawad.

“At kumalimot.”

NOEL FERRER

Umiiral sana ang plurality of ideas sa ating bansa, kaya puwedeng marinig ang nasasaisip ni Jimmy o kung sinupaman.

And a healthy democracy accommodates all views.

Ang nakakalungkot din lang ay ang timing ng pag-shutdown ng ABS-CBN.

Panahon ng pandemya na kailangang magtulungan at magbayanihan tayo, at panahon ng anxiety dahil marami ang nawawalan ng trabaho.

Dadagdag pa ba tayo roon ngayong may health emergency tayo?

GORGY RULA

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinag-usapan din namin ito sa radio program namin sa DZRH nitong Tuesday night, May 5.

May mangilan-ngilang nagkomento ng hindi maganda sa ABS-CBN.

Sana, nakakarating sa kanila ang text sa akin ng ibang nagtatrabaho sa ABS-CBN kung paano sila nasaktan at paano nila iniyakan ang kinasapitan nila, lalo na sa panahon ng pandemyang ito.

Ramdam ko ang sakit.

Kaya di ko ine-entertain ang pananaw ng ilang nagdunung-dunungang tila maraming alam sa nangyayari sa naturang network.

Hindi ko na binabasa sa programa ang mga komento nila.

"Don't kick the dying dog," 'ika nga.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jimmy Bondoc: “Bihira ang may nagbabagong higante, dahil bihira masaktan ang higante. Ang pagbabago pa naman ay madalas resulta ng sakit. Because pain is humbling. Maganda rin siguro paminsan-minsang masaktan."
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results