JERRY OLEA
Sino si Alyas Calla Lily?
Siya ba ay bayani ng makabagong panahon? O traydor sa sambayanang Pilipino?
Nitong Cinco de Mayo, Martes, ika-158 anibersaryo ng Battle of Puebla, nabulabog ang Pinoy bekizens sa pamumukadkad ni Alyas Calla Lily sa social media.
Kumalat sa iba’t ibang platform ang talastasan umano ng tatlong pogilicious hunk actors kaugnay sa hiwaga ni Alyas Calla Lily.
Ang scenario... Iniugnay ni Hunk #1 si Alyas Calla Lily sa tatlong guwapong aktor na gumanap bilang magkakadugo sa isang teleserye.
Pagbubunyag ni Hunk #1, hindi naka-score si Alyas Calla Lily kay Guwapong Aktor kaya nagwala ito.
Pasabog pa ni Hunk #1, may video ang indiscretion ni Alyas Calla Lily.
Hirit ni Hunk #2, hiniwalayan si Alyas Calla Lily ng asawa nito dahil umano sa kababalaghan nito.
Sansala ni Hunk #3, “Isaalang-alang natin ang pamilya ni Alyas Calla Lily. Huwag tayong bumaba below the belt, please!”
May bahid ba ito ng katotohanan? O pakana lang ito ng trolls at spin doctors?
Ipinaglalaban ni Alyas Calla Lily ang kanyang prinsipyo at paninindigan.
Ipagtatanggol niya ang republika sa abot ng kanyang kakayahan.
Handa siya sa mga bira at tira, above the belt man o below, may salawal o wala.
Bakit siya tinaguriang Alyas Calla Lily?
Ang calla lily ay magandang bulaklak. Kaakit-akit.
Sa salitang Griyego, ang ibig sabihin ng calla ay maganda.
Iba’t iba ang kulay ng calla lily, at bawat kulay ay may katumbas na kahulugan.
Ang puti ay simbolo ng busilak, inosente, sagrado, tapat. Madalas na kasama ito sa imahe ni Birheng Maria.
Ang kulay-rosas ay palatandaan ng paghanga at pagbibigay-halaga.
Ang lila ay nangangahulugan ng panghalina o alindog, at simbulo ng damdamin.
Ang dilaw ay sagisag ng pasasalamat at pagtanaw ng utang na loob.
Hindi ko batid kung ano ang ipinahihiwatig ng itim na calla lily.
Ewan ko rin kung si Alyas Calla Lily ay biktima ng smear campaign o black propaganda.
Panahon ang makapagsasabi. Kasaysayan ang huhusga.
GORGY RULA
Nasilayan ko ang ilang post ng isang hunk actor na pakiwari ko, gawa-gawa lang at hindi galing sa mismong aktor.
Ang maganda at makapangyarihang Lily ng FPJ’s Ang Probinsyano lang ang kilala ko, at inaabangan kung mapapanood pa ba siya muli sa telebisyon.
Kathang-isip lang siguro ang Alyas Calla Lily na ‘yan dala ng bagot sa magdadalawang-buwang ECQ.
NOEL FERRER
Naku, hindi ako aware sa kanya!
At siguro, ayaw ng naturalesa kong papasukin pa ang Alyas Calla Lily na iyan sa aking consciousness dahil hindi siya makakatulong sa ating mental health at well-being.
Baka tama ang kaisipan... we are defined by the things we say NO to.
