PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Contests para male models, beki, macho dancers, nagsulputan online

Yung male pageant, PHP200K ang prize!
by PEP Troika
Published May 9, 2020
Dahil sa ECQ, naging online-based ang mga pageants na gaya ng Man of GQ 2020: Ginoong Quarantino 2020, The Philippines Most Beautiful bECQi, at iba pa.
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Malamang sa malamang ay mai-extend ang community quarantine sa Metro Manila—enhanced man, general, modified, enriched o kung ano pa man.

Kaya asahan ang kung anu-ano pang ganap at kababalaghan online. Tuluy-tuloy ang mga Tiktok contest, tournament ng Mobile Legends, at sari-saring challenge.

Nagpasimuno si Laguna Congressman Dan Fernandez ng Labanan ng Talento sa Unang Distrito. Siyempre, ito ay para lamang sa mga taga-Sta. Rosa City at San Pedro City sa Laguna.

Ia-announce ang 20 winners ngayong Mayo 9, Sabado. Ang premyo ng bawat winner ay PHP5,000.

“May final showdown pa iyong Top 2. Sa Wednesday [May 13], ia-upload iyon sa FB page ko,” text sa akin ni Congressman Dan nitong Sabado, May 9, ng tanghali.

Na-shookt AF ako sa pasiklaban ng macho dancers sa Facebook. Paramihan ng likes. Siyempre, hindi ito all the way dahil bawal iyon sa FB. Ang premyo ay tumataginting na PHP5,000 (five thousand pesos).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinakasa na ang Man of GQ 2020: Ginoong Quarantino 2020. Ang online pageant na ito ay para sa straight male models sa Pilipinas. PHP200K ang grand prize, PHP50K ang nakalaan para sa 1st runner-up, PHP30K para sa 2nd runner-up, PHP20K para sa 3rd runner-up, at PHP10K para sa 4th runner-up.

Ang post ng negosyanteng si Wilbert Tolentino noong Mayo 5, Martes, sa Facebook: ”We are looking for an exceptional good-looking man, of legal age, with a great muscular or toned body physique.

“Any nationality, 5’5” minimum, any skin tone, any race or descent. Novice, experienced and professional male models are welcome to participate from prints, TVC, Pageants, Ramp, Bikini shows, and Entertainment Male model...

“Gentlemen, don’t waste this opportunity and expand your horizons to explore your modeling potentials with us.”

NOEL FERRER

Nasa online na talaga ang mga kumpetisyon, aabangan natin lahat iyan!

Tito Jerry, puwede tayong maging judge, ha—kasi may time! LOL Pero aabangan natin, meron isang bubulagang talent search... malaking-malaki, promise!!! Coming soon!!! Abangan!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sino ang tatanghaling kauna-unahang The Queen of bECQi 2020?

Ihahayag ang winner ng The Philippine Most Beautiful bECQi online pageant bukas, Mayo 10, Linggo, at 7:00 p.m. sa official fan page ng negosyanteng si Wilbert Tolentino, na kinatawan ng Pilipinas sa Mr. Gay World 2009 sa Whistler, Canada.

Mula sa 120 beki na lumahok, na-trim down ang lineup sa tatlumpo (30), hanggang sa naging labinlima (15), then Final Five (5) at dalawang (2) Wild Cards.

Ang cash prize ay PHP100,000 para sa grand winner, PHP50K ang nakalaan sa 1st runner-up, PHP20K para sa 2nd runner-up, PHP10K para sa 3rd runner-up, at PHP5K para sa 4th runner-up.

“Spread the news not the virus and we will find out whose queen will reign supreme!” bahagi ng post ni Wilbert sa FB.

Ang dagdag pa niya ay it's “The only CORONA you would want to have."

GORGY RULA

At least, may mapagkakaabalahan pa rin pala ang mga matitikas na kalalakihang ito. Aware naman siguro ang karamihang kabadingan kung ano na ang inaalok online ng ilang kalalakihan para lang may mapagkakitaan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Kaya bentang-benta ang remittances pati iyang mga Gcash at Smart Padala na iyan? Knows na ng mga kabadingan!

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa ECQ, naging online-based ang mga pageants na gaya ng Man of GQ 2020: Ginoong Quarantino 2020, The Philippines Most Beautiful bECQi, at iba pa.
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results