JERRY OLEA:
"Congress providing ABS-CBN provisional franchise is illegal... Abolish Congress!"
Shoutout iyan ng premyadong aktres na si Vivian Velez sa Facebook nitong Mayo 13, Miyerkules ng hapon.
Malinaw na hindi siya pabor na pansamantalang magbukas ang ABS-CBN habang hinihintay kung ire-renew ng Kongreso o hindi ang prankisa ng network.
Matagal na ring alam ng publiko na si VV ay DDS, o Diehard Duterte Supporter.
VIVIAN'S STINT ON ABS-CBN
Apat na taon na ang lumipas mula nang mag-resign si Vivian sa ABS-CBN teleseryeng Tubig at Langis dahil sa hidwaan nila ng lead actress nito na si Cristine Reyes.
Umere ang serye mula February 1 hanggang September 2, 2016.
Noong Marso 11, 2016, nag-post si VV sa Instagram ng mensahe sa mga nakatrabaho sa Kapamilya network na napamahal na raw sa kanya.
"My sincerest love to the staff of ABS-CBN show Tubig at Langis for your heartfelt send-off on my last taping day.
“I was deeply moved by your actions, kind words, and encouragement. I truly believe that everything happens for a reason and I am very confident that this is no exception.
"In an imperfect world, we must often pause once in a while to enjoy the small things in life that give us joy, happiness, and contentment in life. This will be a brief pause, until we meet again. With love, VV."
FURIOUS AT CONGRESS
Si Vivian ang pumalit kay Leo Martinez bilang director general ng Film Academy of the Philippines (FAP) noong Nobyembre 2019.
Base sa kanyang magkakasunod na Facebook posts, hindi niya nagustuhan ang pagkilos ng Kongreso para magkaroon ng provisional franchise ang ABS-CBN.
Si House Speaker Alan Peter Cayetano ang sponsor ng House Bill 6732, kunsaan pinayagan ang Kapamilya network na umere hanggang October 31, 2020.
Malaman ang isa pang post ni Vivian na nagpapakita ng litrato ng prutas na balimbing.
"Need I say more... Sino siya?" ang mala-blind item pang hirit ni Vivian sa kanyang Facebook, Miyerkules ng gabi, March 13.
Shoutout muli ni Vivian nitong Mayo 14, Huwebes ng umaga:
"You don't give a pep talk to rally people behind you, then buckle down in the end. Keep your word! #yes2shutdown #no2oligarchs"
HOUSE RESOLUTION SEEKING TO INVESTIGATE ABS-CBN
Nag-post din si Vivian ng kopya ng House Resolution No. 853 na isinumite ng mga kongresistang sina Paolo Duterte, Abraham Tolentino, at Erik Yap.
Sabi ni Vivian patungkol sa mga kongresistang nag-apruba ng provisional franchise ng ABS-CBN, "To those morons yesterday... baka nakakalimutan nyo na meron din nito."
Ang House Resolution No. 853 ay naglalayong paimbestigahan ang mga "probable violations" ng ABS-CBN.
Kuwinestiyon dito ang umano'y maanomalyang paggamit ng pay-per-view channel na Kapamilya Box Office ng ABS-CBN.
Gayundin ang pag-isyu ng ABS-CBN ng Philippine Depository Receipts (PDRs) sa "non-Filipino citizens."
Ang PDR ay isang dokumento na nagbibigay sa "holder" nito ng karapatang magmay-ari ng "stocks" na binayaran o binili nito sa isang kumpanya.
Maaari itong maging investment, pero ang titulo ng stocks na iyon ay nananatiling pag-aari ng kumpanya at hindi maituturing na pag-aari ng holder o nakabili rito.
Sa parte ng ABS-CBN, una na nilang sinagot sa Senado ang mga isyung may kinalaman sa KBO at sa PDRs.
Panangga ng ABS-CBN ang pahayag ni Department of Justice Secretary Menardo Gueverra na saklaw sa prankisa ng ABS-CBN ang pay-per-view option na KBO.
Nanindigan din ang ABS-CBN na aprubado ang kanilang PDRs ng Security and Exchange Commission, ang government regulatory agency na nangangasiwa sa securities o tradable financial assets ng mga korporasyon sa bansa.
GORGY RULA:
Ano ang legal basis ng shoutout niyang ‘yan? Sana kasi, ipaliwanag niya ‘yan.
Hindi ganoon kadali na sabihing, “Abolish Congress!!” Binoto ng taumbayan iyan.
Bilang FAP director general, si Vivian ay appointed ni President Rodrigo Duterte.
Personal na isyu ba itong ipinu-post niya laban sa ABS-CBN?
NOEL FERRER:
Dapat nag-iingat si VV sa kanyang pronouncements.
Bukod sa kilala siyang DDS, may pinanghahawakan siyang posisyon—ang pagiging lider ng Film Academy of the Philippines!
Kailangang tumatak ito sa isip ng mga tao ang tapang na nasa lugar at rason.
Mga Kapamilya, makamit man o hindi ang bagong franchise... makita sanang tuloy ang laban sa mga ganito!
