PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Congressman Dan Fernandez, umalma sa "deception" ng NTC hinggil sa permit ng ABS-CBN

Congressman Dan Fernandez, dismayado sa umano'y kawalan ng abiso ng NTC sa pagpapasara ng ABS-CBN.
by PEP Troika
Published May 14, 2020
Congressman Dan Fernandez, dismayado sa umano'y kawalan ng abiso ng NTC sa pagpapasara ng ABS-CBN noong May 5.
PHOTO/S: Mark Atienza / ABS-CBN

GORGY RULA:

Marami ang hopiang-hopia na agad-agad mabubuksan muli ang ABS-CBN.

Pero mukhang maaantala pa dahil marami pang pagdaraanang proseso kahit binibilisan na ito ng Kongreso.

Nakausap namin ang isa sa co-sponsors ng House Bill 6732 na si Congressman Dan Fernandez ng first district ng Laguna.

Sa pagpapaliwanag ni Dan ng proseso, sinabi nitong naaprubahan na sa first at second hearing ang panukala.

At ang third at final reading ay gagawin nila sa Lunes, Mayo 18.

Pahayag ni Congressman Dan sa DZRH program namin kagabi, May 13:

“By Monday we will be discussing the bill sa third and final reading.

“Pagkatapos nun, ipapadala namin iyun sa Senado.

“So, the Senate will have, like, 6 days to discuss about this franchise.

“After that, kapag naaprubahan nila, the same process na ginawa sa amin, ganundin ang ginawa nilang proseso."

Mula sa Senado ay ipapasa naman ang panukala kay Presidente Rodrigo Duterte.

Patuloy ni Dan, “Then, this will be submitted to Malacañang for the signature of the President.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag napirmahan na ng presidente iyan, magiging isang ganap na batas na iyan."

Ikinuwento na rin ni Dan—base sa kanilang hearing kahapon—ay tila nalinlang ang Kongreso ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa pagkakaalam daw kasi ng Kongreso ay nangako ang NTC na bibigyan nito ng provisional authority ang ABS-CBN na patuloy umere ang TV at radio programs ng istasyon.

Ito ay habang hinihintay na maharap ng Kongreso ang mga panukala hinggil sa franchise renewal ng Kapamilya network.

“Kasi nga, sa Kongreso, we’re very much preoccupied.

“Yung mga bills na ginagawa namin, for COVID Pandemic. Kasi nga, we have to prioritize the needs of our people by giving them laws that will equip the executive to fight the COVID Pandemic.

“Nandoon sila bago kami nag-adjourn.

“Hanggang May 4 pa ang franchise ng Channel 2. Meron pa tayong how many weeks para pag-usapan sana iyun."

Pero lumalabas na hindi raw tumupad ang NTC sa usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But ang problem nga, we wanted to focus on the bill that were filed sa amin about sa COVID Pandemic.

“Ang napag-usapan sa hearing, okay, mag-isyu muna ng provisional franchise ang NTC nang sa ganoon, maka-focus kami sa mas kailangan ng Malacañang.

“Sinabi nila under oath na mag-iisyu sila, kaya kampante na kami.

“Naniwala kami doon, so iyun ang isa sa naging problem namin."

Wala raw kaalam-alam ang Kongreso sa desisyon ng NTC na biglang patigilin ang operasyon ng ABS-CBN noong May 5.

"Iyun pala, nagkaroon ng backstabbing… nagkaroon ng deception.

"Ano ba naman iyun, sana bago nag-expire ang franchise nung May 4, ano ba naman iyung one week, sinabi sa amin na, ‘Ay! Hindi kami puwedeng mag-isyu ng provisional franchise. Kaya mag-oorder na kami ng Cease and Desist.’

“So, kung ganun, e, di sana, kaming mga congressman, nag-hear na agad kami para at least, makita na iyung ano… na-set aside na muna namin iyung ginagawa naming other important bills also.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At least, we’ll be given a time to act on this franchise. Kasi nga knowingly, noong nandun sila sa Committee hearing, mag-iisyu sila ng provisional."

Binanggit din ni Dan na nang magkaroon ng hearing sa Senado noong Pebrero tungkol sa prankisa ng ABS-CBN, sinabi ng NTC na maaaring patuloy na umere ang ABS-CBN kahit wala pa ang prankisa nito.

Bukas ang PEP Troika sa sagot mula sa NTC kaugnay sa pahayag ni Cong. Dan Fernandez.

JERRY OLEA:

Asado na, hopia pa at expectorant ang Kapamilya supporters sa pagbabalik ng ABS-CBN sa lalong madaling panahon.

Kung mabigyan na ang ABS-CBN ng provisional franchise, didinggin na rin sa Kongreso ang 25-year franchise renewal.

Marami pang pag-uusapan na mga isyung kinasangkutan ng Kapamilya network.

Paliwanag pa rin ni Dan, “During that time, mahi-hear na rin properly ng ating mga mambabatas kung dapat bang i-extend for 25 years ang dapat na franchise na ibigay sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi, we also want to hear ang mga pros and cons, di ba?

“Siyempre, maraming issues din ang ABS-CBN sa kanilang employees—iyung mga lumulutang na tax evasion...

"Iyung sa labor laws, with regards to their existing na mga regular employees.

"Iyon ang mga bagay na dapat namin pong pag-usapan.”

Sinabi rin ni Dan na, more or less, may six sessions pa ang Kongreso bago sila mag-recess sa Hunyo 4.

Kaya dapat, next week ay matapos na ang hearing sa House Bill 6732 para maipadala nila agad sa Senado, at mapirmahan ni Presidente Duterte.

NOEL FERRER:

Marami akong tanong sa usaping ito.

Una, bakit pinili ng ABS-CBN na mag-shutdown imbes na magpatuloy ng operations despite the Cease and Desist Order?

Kasi, kung pagpapatuloy ng serbisyo publiko ang punto, e, nakaere pa sana sila ngayon.

Naging pending sana kung ipapasara sila ng NTC.

Nang sa gayon ay naresbakan sila ng Kongreso na nagsabing "nalinlang" sila ng NTC nang hindi ito tumupad sa sinumpaang salita na iisyuhan ng provisional permit to operate ang ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Narinig ko ang panayam kay Congressman Dan.

Hindi nga ganoon kasimple at kabilis ang proseso ng pagbabalik sa ere ng ABS-CBN dahil kakailanganin pang ma-publish ang batas bago ito maipatupad.

Isa pa, huwag nating asahan na pagkatanggap ng Office of the President sa papeles kaugnay ng provisional franchise ng ABS-CBN ay agad pipirmahan ito ng Pangulo.

May clause pa rin sa batas na puwedeng i-invoke ng Pangulo para ma-delay at pag-aralan pang lalo ang pagpapayag sa Kapamilya network na pansamantalang umere kahit wala pang prankisa.

“Laban, Kapamilya!” sabi ng mga kaibigan natin sa ABS-CBN.

Pero hanggang saan lalaban ang mga Kapamilya?

Sana, hindi tumigil ang laban kapag nakuha na nila ang kanilang provisional franchise, at kung saka-sakali ay pati mismong prankisa na 25 years ang bisa.

Katulad ng ginagawa nila ngayon, at iyung gusto nilang mangyari sa mga kapanalig nila sa industriya, patuloy tayong maghahayag ng ating boses nang malaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At hindi sana ito mapalitan ng halleluya sa Kongreso o sa lideratong dati nilang tinutuligsa! Tuloy ang Laban, Kapamilya!

JERRY OLEA:

Nitong Mayo 13, Miyerkules ng gabi, naglabas ng opisyal na pahayag ng Kapamilya Network sa pag-aprub ng House Committee sa HB 6732.

Nagpasalamat ang ABS-CBN sa pagpayag ng Kongreso na mabigyan sila ng permit habang hinihintay ang longterm franchise na hiling ng kumpanya.

Sabi ng pamunuan ng network: "ABS-CBN welcomes the approval of House Bill 6732 by the House of Representatives Committee of the Whole that grants ABS-CBN a provisional franchise to operate until October 2020.

"We thank the leaders of the House of Representatives and the sponsors of the bill led by Speaker Alan Cayetano and Majority Leader Martin Romualdez for recognizing the role we play in providing for the needs of the people in terms of access to news, information, entertainment, and public service at this crucial time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siniguro rin ng ABS-CBN management na makikilahok ang network sa anumang requirements ng Kongreso sa pagdinig para sa franchise renewal.

"We look forward to participating in the process of our franchise renewal and stand ready to respond to the issues that have been raised against the network, its owners, management and employees.

"We remain open to opinions and constructive suggestions on how to improve the organization and better serve the Filipino people. “

"We are most grateful to the people and groups who have expressed their love and support.

"You inspire us. Maraming salamat po."

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Congressman Dan Fernandez, dismayado sa umano'y kawalan ng abiso ng NTC sa pagpapasara ng ABS-CBN noong May 5.
PHOTO/S: Mark Atienza / ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results