Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Full version ni Kim Chiu ng "Bawal Lumabas" song, naka-1M views na sa YouTube

by PEP Troika
May 19, 2020
Kim Chiu, tagumpay ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" collab nila nina DJ Squammy at Adrian Cristanto. Dagdag pa, tinawag na "classmates" ni Kim ang mga netizens na nanghamak sa kanyang blooper.
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram / Youtube

JERRY OLEA

Lumampas na sa 1M views ang music video ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" ni Kim Chiu.

Fourteen hours pa lang mula nang in-upload ito sa YouTube Channel ni Kim.

Collab ito ni Kimmy with DJ Squammy and Adrian Cristanto.

Nag-viral ang “Law ng Classroom” ni Chinita Princess at ginawan ito ng iba’t ibang covers at remixes—acoustic, reggae, jazz, punk, rock, operatic, piano, ukulele at kung anu-ano pa.

Nangibabaw ang beats ni DJ Squammy sa “Law ng Classroom” at ang daming gumawa ng TikTok videos base roon.

Kani-kanya ng dance moves ang netizens—mula sa mga bata hanggang matatanda, mula sa mga little people hanggang sa mga borta.

Pumukaw sa pansin ng singer-songwriter na si Adrian Crisanto ang #BawalLumabas fiasco.

Nag-post si Adrian ng open letter para kay Kim noong Mayo 14, Huwebes.

Nag-share si Adrian ng marketing ideas kay Kim: Unang-una, i-record ang kanta.

Nag-comply ang mga tala, planeta, comets, at meteors sa panawagan ng universe. Pinagtagpu-tagpo ang mga itinadhana.

Continue reading below ↓

Nakipag-Zoom meeting si Kim kina Adrian at DJ Squammy, at nabuo nila ang full version ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song). "

In-upload ito bago maghatinggabi ng Mayo 18, Lunes.

Kapansin-pansing naka-incorporate sa music video ang iba-ibang bersyon ng "Bawal Lumabas" mula sa netizens na tinawag ni Kim na "classmates."

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ginawa nila itong dance challenge, na naging viral sa lahat ng social media platforms.

Kailangan pa bang gumawa si Kim ng music video na nagtatampok ng official dance moves or choreography?

Hindi na siguro, ‘no?! "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" is in a class of its own!

NOEL FERRER

This is a classic case of turning something negative into something positive—and productive.

Okay naman na nagagawang novelty song at napagtatawanan ang nangyari.

Basta, lessons must have been learned at hindi na mauulit muli.

GORGY RULA

Tinalbugan ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" ang dating pinaglaruan ding sagot ni Janina San Miguel sa Q&A portion ng Binibining Pilipinas 2008.

Continue reading below ↓

Isa lang ang nabuong kanta noon, unlike kay Kim na may iba-ibang covers at remixes, bago lumabas itong full version.

Nag-resign kapagkuwan si Janina bilang Bb. Pilipinas-World, at inilipat ang kanyang korona kay Danielle Castaño.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic ay umalagwa ang novelty song ni Vice Ganda na "Corona Ba Bye Na."

Mahigit 7M views na ang music video nito sa YouTube channels ni Vice Ganda at ng ABS-CBN Entertainment mula nang i-upload iyon noong Marso 22.

Kabugin kaya ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" itong "Corona Ba Bye Na"?

Sa YouTube channel ni Kim, may mensahe siya sa kanyang "classmates."

Ani Kim, “Things may put you down pero tayong mga Pilipino, hindi natin nakakalimutan tumawa sa gitna ng pinagdadaanan natin.

“Mahilig tayong tumambay pero hindi sa problema.

“Nandito lang ako. Nadurog man pero hindi susuko.”

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu, tagumpay ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" collab nila nina DJ Squammy at Adrian Cristanto. Dagdag pa, tinawag na "classmates" ni Kim ang mga netizens na nanghamak sa kanyang blooper.
PHOTO/S: @chinitaprincess Instagram / Youtube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results