Kim Chiu on ABS-CBN online petition: "Sana ay tulungan ninyo kami upang kami ay PWEDE NANG LUMABAS"

by PEP Troika
May 23, 2020
Kim Chiu: “Hihingi sana ako ng tulong sa inyo na mag-sign ng petition upang makabalik sa pamamahayag ang aming tahanan. Ang tahanan na hindi magdadalawang-isip na tumulong sa kapwa. Magbigay ng saya at inspirasyon sa kapwa."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagkakapit-bisig ng mga Kapamilya.

As of May 22, Friday, 2:30 P.M, ang Pantawid ng Pag-ibig program ng ABS-CBN ay nakalikom na ng P409.7M.

Post ni Ogie Diaz sa Facebook nitong Mayo 23, Sabado ng hapon, “Nakakatuwa ang ABS-CBN sa kabila ng di nito pag-ere. Pero mas marami pang maaabot ng tulong kung nasa himpapawid pa rin ang Kapamilya Network.

“Hangga’t may nangangailangan, nandiyan ang ABS-CBN...”

Si Kim Chiu, nanawagan sa kanyang "classmates" nito ring Sabado ng hapon via FB at Instagram.

Pakiusap ni Kim, “Hihingi sana ako ng tulong sa inyo na mag-sign ng petition upang makabalik sa pamamahayag ang aming tahanan.

“Ang tahanan na hindi magdadalawang-isip na tumulong sa kapwa. Magbigay ng saya at inspirasyon sa kapwa.

“Wala naman perpektong tao sa mundo, maaring nagkakamali man pero inaayos din at naayos naman.

“Sana ay tulungan ninyo kami upang kami ay PWEDE NANG LUMABAS.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos
Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Hanggang ngayon, ramdam ko ang pagkasadlak natin bilang mga Pilipino.

May health crisis na tayo, nandiyan pa ang kawalan ng trabaho, ang kahirapan sa pagtustos sa mga basic na pangangailangan.

At ngayon, pati ang tila pagsikil sa free speech o malayang pamamahayag.

As we are left on our own, tayo-tayo na rin lang ang tutulong sa ating sarili at sa isa’t isa, tulad ng ginagawa ni Kim Chiu at ng marami pang celebrities na may boses sa ating lipunan.

Nakakalungkot, di ba?

Kailan kaya tayo uusad tungo sa pagkilos para sa pagbabago?

Sana, kahapon pa.

HOT STORIES

GORGY RULA

Ang sa aking pananaw, doon na muna tayo mag-focus sa talagang pangangailangan ng mga mamamayang gutom na talaga.

Ang ilang milyong pirma sa petisyong hinihingi ng ABS-CBN ay hindi sagot sa kumakalam na sikmura.

Mas gusto ko pang pagtuunan ng pansin ang patas na pamamahagi ng financial assistance.

Ang sabi sa akin ng ilang napagtanungan ko, ang susunod na wave ng pamamahagi ay titiyaking mabibigyan ang lahat.

Continue reading below ↓

Kung napalagpas ang ilan sa unang pamamahagi, dapat dito ay nabigyan na lahat.

Natitiyak ko namang may makakain pa rin ang mga nawalan ng trabaho sa ABS-CBN at posible pang makahanap ng paraan ng pagkakakitaan.

Ang ilang mamamayan nating nasa laylayan ng lipunan ay literal na wala na talagang makain.

Nasaksihan iyan mismo ng kasamahan namin sa bahay, kung saan isang nanay ang nagnakaw ng tatlong itlog para imay ipakain sa tatlo niyang anak.

Iyan na muna ang pagtuunan natin ng pansin.

Sa ating maliit na paraan, kahit isang ulam lang na maibabahagi sa kanila ay may maitutulong tayo.

Kesa sa i-post sa social media ang bagong luto o na-order na ulam, bakit hindi natin ipatikim ang kaunting bahagi nito sa ilang nalipasan na ng gutom?

Ang hinihinging pirma ng mga taga-Kapamilya network ay walang magagawa sa pagkamit nila ng franchise para mabuksan muli.

Isang pirma lang ang kailangan—ang pirma ng Presidente.

Continue reading below ↓

Na sana, totoong humupa na ang galit niya sa naturang network.

Kilala ninyo ang Pangulo na hindi nadadala sa mga ganoong pagkilos.

Kung ano ang nasa isip at pinaniniwalaan niya, iyon ang nasusunod.

Hindi siya natitinag kahit may mali siyang nagawa.

NOEL FERRER

Napapanahon at makabuluhan ang inilabas na bagong areglo ng kanta ng National Artist Ryan Cayabyab with the ABS-CBN Orchestra at ng Ateneo Chamber Singers sa YouTube.

Ito ay ang "O Bayan Ko," na itinapat sa Pambansang Awit natin.

Nanunuot ito sa aking puso.

Narito ang lyrics at video nito:

"O BAYAN KO" by Ryan Cayabyab

O bayan ko, kailan ka mamumulat?

Ang totoo'y nakikita na, pumipikit ka pa

Kailan pa?

Kapag wala ka nang magagawa? Kapag wala ka nang ibubuga?

O bayan ko, kailan ka matututo?

Sadyang ikaw ang kalaban mo, ikaw rin ang susugpo

Ngunit kailan?

Kapag wala ka nang magagawa? Kapag wala ka nang ibubuga?

Continue reading below ↓

O bayan ko, kailan ka tatayo?

Kayrami nang dugong inalay sa ‘yo

O bayan ko, ang oras ay malapit nang maubos

Bangon na, bumangon, bayan ko!

O bayan ko, kailan ka mamumulat?

Ang totoo'y nakikita na, pumipikit ka pa

Ngunit kailan?

Kapag wala ka nang magagawa? Kapag wala ka nang ibubuga?

O bayan ko, kailan ka tatayo?

Kayrami nang dugong inalay sa ‘yo

O bayan ko, ang oras ay malapit nang maubos

Bangon na, bumangon na, o bayan ko!

Kung magkasama-sama, tinig na sabay-sabay

Susulong ka! Sugod na!

O bayan ko, kailan ka tatayo? (Bayang magiliw, perlas ng silanganan)

Kayrami nang dugo inalay sa ‘yo (Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay)

O bayan ko, ang oras ay malapit nang maubos (Lupang hinirang, duyan ka ng magiting)

Bayan ko, bayan ko! (Sa manlulupig, di ka pasisiil)

Sa dagat at bundok, sa simoy at sa langit mong bughaw

May dilag ang tula, at awit sa paglayang minamahal

Continue reading below ↓

Ang kislap ng watawat mo’y tagumpay na nagniningning

Ang bituin at araw niya'y kailan pa ma’y di magdidilim

Lupa ng araw, ng luwalhati't pagsinta

Buhay ay langit sa piling mo

Aming ligaya na pag may mang-aapi

Ang mamatay nang dahil sa ‘yo

Bayan ko… Bayan ko!

RECOMMENDED ARTICLES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Chiu: “Hihingi sana ako ng tulong sa inyo na mag-sign ng petition upang makabalik sa pamamahayag ang aming tahanan. Ang tahanan na hindi magdadalawang-isip na tumulong sa kapwa. Magbigay ng saya at inspirasyon sa kapwa."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results