JERRY OLEA
Nanggagalaiti si Ormoc City Mayor Richard Gomez sa ilang ahensiya ng gobyerno, sa Facebook post niya nitong Mayo 25, Lunes ng umaga.
“DILG, NHA, OWWA, what happened to all the protocols that you guys are trying to formulate for returning residents?!!!” tanong ni Mayor Goma.
Ibinahagi ni Mayor Goma kung ano ang nagaganap sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa program ng national government.
Kuwento ni Mayor Goma sa FB, “This morning the DILG regional office and OWWA texted, ‘texted’, us informing us that there are 3 planes arriving in Tacloban and telling us to receive them without following Covid protocols, undocumented and untested.
“We have kept our city Covid-free for more than 70 days bec of strict border controls and implementation of health protocols.
“Then here comes a TEXT from the National government agencies telling us that there are repatriates coming in our city and telling us to accept them?!
“What happened to all the protocols that we’ve been working on?
"What happened to the protocols that they have been telling us to do if they themselves are not doing the right thing?!
“It only takes one infected person to get to our city to infect a hundred innocent people bec of carelessness from the national government agencies.
“Where is the National Task Force Covid Shield and the IATF in all of these?!!!”
NOEL FERRER
Nakakagalit naman kasi na habang ginagawa mo ang lahat—proteksyong medikal at ayuda sa mga tao at iba pang safeguards—para mapanatiling COVID-free ang lugar mo ay salungat ang nangyayari buhat mismo sa leaders na nagpapatupad ng batas.
Akala ko ba, “The law is the law”?
Bakit exempted ang ibang nasa kapangyarihan na sila ang dapat nangunguna sa pagtupad ng mga batas?
Hindi ba’t noong nagsisimula pa lang ang "pisting veerus" na ito, naghahanap na tayo ng leadership by example?
Paano na tayo uusad dito?
Kaya naman nasa likod kami at mataas ang respeto namin sa mga katulad ni Mayor Richard Gomez na hindi natatakot sabihin at gawin ang tama—kahit sino pa man ang mabangga!
GORGY RULA
Mahirap magbigay ng opinyon dito dahil wala pa tayong nakuhang pahayag mula sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) at sa ilang ahensya kaugnay rito.
Baka kasi na-test at na-quarantine na ang mga tao bago pinalipad pabalik ng probinsya. Hindi pa natin alam.
Mabuting na-shout out na ‘yan ni Mayor Goma sa kanyang Facebook account para mabigyan nila ng aksyon.
Pero sa totoo lang, hindi malinaw ang proseso nitong Balik-Probinsya program.
Ewan kung ano ang gagawin sa mga nagbabalik-probinsya.
Binigyan sila ng limang libong pabaon, at pagkatapos, ano na?
Ang sabi nila, tutulungan na makabalik sa pagsasaka. May ibang bibigyan ng pananim.
Kagaya nitong tatlong eroplanong naghatid ng magbabalik-probinsya sa Leyte, kung lahat sila ay magtatanim at magsasaka, tama na ba yun?
Ano ang gagawin ng iba?
Sa nangyayari, hindi pa natin naayos ang problema sa lungsod, nagdala pa ngayon ng dagdag na problema sa probinsya.
Pero bigyan pa rin natin ng pagkakataon ang mga nasa gobyerno. Baka naman effective ito at makakatulong.
Sana mapanindigan nila itong mga nasimulan nilang proyekto na mapakikinabangan ng mas nakararami.
Gusto kong purihin si Mayor Goma na napapanatili niyang COVID-free ang lungsod ng Ormoc.
(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)
