Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

"Bawal Lumabas" ni Kim Chiu, may merchandise at dance steps na

by PEP Troika
May 27, 2020
Pagkatapos gawing kanta ang "Bawal Lumabas" blunder ni Kim Chiu, mayroon na rin itong ngayong T-shirt merchandise (kaliwa) at dance step na mismong si DJ Loonyo (kanan) ang nag-choreograph.
PHOTO/S: Instagram / YouTube

JERRY OLEA

Inilunsad ni Kim Chiu ang Bawal Lumabas merchandise and dance steps nitong Mayo 25, Lunes ng 8:00 P.M., sa kanyang eponymous YouTube channel.

T-shirt muna ang merchandise, na bale pagtalima pa rin sa unsolicited advice ng singer-songwriter na si Adrian Crisanto.

Si Adrian ang bumuo ng liriko ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)," saliw sa beats ni DJ Squammy, at pag-awit ni Classmate Kim.

Limang kulay at tatlong disenyo ang Bawal Lumabas T-shirts, na P295 ang halaga ng bawa't isa.

Continue reading below ↓

Ang instructions sa pag-order nito ay nasa Instagram account ng Bawal Lumabas Merch.

Limited edition lamang ito, at ang malilikom na pondo ay ipapambili ng food packs para sa apektadong quarantined families, at sa mass testing project ni Angel Locsin.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Kumasa si DJ Loonyo sa Galaw Challenge ni Kim, at ang nabuo niyang choreography ay sabay na sinayaw nila.

So far, ang vlog ni Kim tungkol sa Bawal Lumabas Galaw Challenge featuring DJ Loonyo (17 minutes 17 seconds ang running time) ay lumampas sa 403K views matapos ang 24 oras.

Inihayag ni Kim Chiu na ang tutorial sa Bawal Lumabas Galaw Challenge ay nasa eponymous YouTube channel ni DJ Loonyo.

Nasa YT channel kung paano binuo ni DJ Loonyo ang dance steps o choreography base sa galaw ng mga kamay ni Kim.

Fourteen minutes and 24 seconds ang running time ng nasabing vlog tutorial ni DJ Loonyo, titled "Pano Gumawa ng Dance Challenge (Classroom Song)."

Continue reading below ↓

Within 24 hours ay halos 344K views ang hinamig nito.

GORGY RULA

Basura man para sa iba ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)," patotoo itong may pera sa basura.

Nag-follow ako sa IG account ng Bawal Lumabas Merch kahapon ng umaga, May 26, na 1K+ pa lang ang followers.

As of March 27, Wednesday, 7:30 A.M., mahigit 4.6K na ang classmates dito.

Ang payment sa merchandise ay sa pamamagitan lamang ng BDO, Paypal, at Palawan Express.

Mahigpit ang “No Return, No Exchange” policy rito.

Sinisiguro nila na ang Bawal Lumabas T-shirts ay de kalidad at gawa sa premium cotton.

After T-shirts, ano pa kayang Bawal Lumabas merchandise ang lalabas?

Magkaroon kaya ito ng notebook cover, manika, tumbler, kapote, payong, bags, sumbrero, tasa, pinggan, sinelas, pin, relo, punda, kumot, tuwalya o keychain?

NOEL FERRER

Hanggang kanina sa Congressional hearing kahapon, ginamit na anchor ng presentation against ABS-CBN ang paglabag ng batas at bawal lumabas na clip ni Kim Chiu.

Continue reading below ↓

OK na may positive at artistic campaign na by product niyon.

Pero sana, sana talaga... huwag nang maulit pa ang ganoong blunder.

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pagkatapos gawing kanta ang "Bawal Lumabas" blunder ni Kim Chiu, mayroon na rin itong ngayong T-shirt merchandise (kaliwa) at dance step na mismong si DJ Loonyo (kanan) ang nag-choreograph.
PHOTO/S: Instagram / YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results