PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Male celebrity, namumroblema sa pera at sa lihim na pagbubuntis ng girlfriend

Male celebrity, itinatago ang pagbubuntis ng kanyang non-showbiz girlfriend.
by PEP Troika
Published May 27, 2020
Male celebrity, ubos na ang ipon at buntis pa ang non-showbiz girlfriend.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Ramdam na talaga natin ang hirap ng buhay, lalo na ang mga nasa entertainment industry.

Marami ang atat na atat nang magtrabaho dahil nanganganib na ang naitabing kadatungan.

Ito ang hinaharap na malaking problema ngayon ng isang kilalang male celebrity dahil hindi siya nakapag-ipon nang sapat noong kainitan pa ng kanyang career.

Ang dinig ko kasi, noon pa man ay marami siyang tinutustusan, lalo na sa kanyang pamilya.

Ang laki rin ng gastos, kaya hindi siya nakapag-ipon nang malaki-laki kahit may regular TV shows siya at marami pa siyang mga nararaket.

Kaya nitong tatlong buwan na natigil sa trabaho, ilang beses siyang nagka-cash advance sa assistance plan ng kanilang production.

Medyo nili-limit din siya sa kababale at baka wala na itong matanggap na suweldo kapag magbalik-trabaho na.

Pero medyo hirap na raw talaga—na ultimo load nito ay pinu-provide na lang daw ng kanyang manager.

Araw-araw kasing iniisip kung saan siya kukuha ng panghulog sa kotse, pati ang tinutuluyang condo unit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero ang malaking problemang hinaharap ngayon ni male celebrity—na ayaw niyang kumpirmahin—ay buntis daw ang non-showbiz girlfriend at nakatakda nang manganak.

Saan siya kukuha ng panggastos sa panganganak ng girlfriend kung hindi pa siya makabalik sa trabaho?

Isa lamang ito sa mga problema ng entertainment industry kapag harapin na natin ang bagong normal na wala pang linaw kung makakabalik ang live entertainment.

HOT STORIES

NOEL FERRER

Hindi naman siguro epekto ng lockdown itong pagkakabuo nila ng baby?

Medyo kailangang magdoble-kayod talaga itong kilalang male celebrity.

Sana ay makahanap ng ibang venue at platform na pagtatanghalan ang artists in general dahil talented sila.

On another note, ang theaters at iba pang performing venues, pati bars, ay nagsasara o nagda-downsize dahil sa pandemya.

Mahirap ang panahon, kaya kailangan tayong magtulungan at maghanap ng pagkakabuhayan sa “new normal.”

JERRY OLEA

Sa panahon ng pandemya at community quarantine, kailangang matuto kang dumiskarte.

Hindi puwedeng nakatulala ka lang at nakanganga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May hangganan ang ayuda.

Hindi sapat na dasal ka lang nang dasal, at panay-panay ang hinaing sa social media. Kumilos ka!

Marami ang nagtitinda ng iba’t ibang pagkain na ipinapa-deliver.

Merong mga nagsusubasta ng koleksyon nila ng bag, sapatos, sumbrero, at art works.

Sangkatutak ang nagbebenta ng washable face masks na samu't sari ang disenyo. Kanya-kanya ng gimik.

May mga desperado at kapit sa patalim—gumagawa ng mahahalay na video, kinakalakal ang kanilang laman.

Sa isyu naman ng mga nagbubuntis, malapit-lapit nang iluwal ni Max Collins ang panganay nila ni Pancho Magno.

Home birth ito, dahil nakakatakot na sa ospital magsilang ang aktres.

Kung nagawan ito ng paraan nina Pancho at Max, dapat madiskartehan din ng male celebrity ang panganganak ng kanyang non-showbiz girlfriend.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Male celebrity, ubos na ang ipon at buntis pa ang non-showbiz girlfriend.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results