GORGY RULA
Nakatanggap ang PEP Troika ng statement mula kay Senator Bong Revilla Jr. kaugnay sa kalagayan ng kanyang ama—ang dating aktor at senador na si Ramon Revilla Sr., 93.
Ani Bong, “Thank you for your continuous prayers. Daddy is still in critical condition and will be under strict observation for the next 48 hours.
“Hiling po namin ang inyong patuloy na panalangin para kay Daddy at sa aming pamilya [three praying emojis.”
Kagabi, Mayo 31, ay nag-post si Bong sa kanyang Facebook account na isinugod nila sa St. Dominic Medical Center ang kanilang ama dahil nahirapan ito sa paghinga.
Binigyan ito ng first aid at emergency medical services.
Pagkatapos ay inilipat sa St. Luke’s Global na kung saan doon kinabitan ng ventilator.
“Thank God he is now conscious and responsive,” bahagi ng ipinadala niyang statement kagabi.
Humihingi ang buong pamilya Revilla ng patuloy na pagdarasal na malagpasan ito ng kanilang ama.
NOEL FERRER
Kagabi ko pa kinulit ang Ka-Troika nating si Tito Gorgy tungkol kay Mang Ramon.
Buti na lang, paggising ko kanina ay sinabi sa news na stable pero under obeservation ang dating senador.
Ipagpapatuloy natin ang pagdadasal kay Mang Ramon at para sa kanyang pamilya.
JERRY OLEA
Kaisa ng Pamilya Revilla (Bautista) ang PEP Troika sa panalangin upang maka-recover ang kanilang patriarch.
Dasal ang pinakamabisang agimat sa panahon ngayon!
Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika
