Dalawang miyembro ng all-male group, nagpalibre ng grocery sa mayamang gay

by PEP Troika
Jun 2, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Di ba, Sir Jerry, kapag may nag-message sa ‘yo na “Kumusta, Tito?” ay natatakot ka na?

Kahit unti-unti na tayong humaharap sa bagong normal, ang daming mga artista na wala pa ring trabaho.

Kabilang dito ang isang grupo ng mga guwapong artista at performer.

Wala silang trabaho at walang raket, kaya literally ay gutom.

Kaya ang ilan sa kanila ay nagti-text o kaya'y nagpi-private message sa ilang kaibigang bading.

Pagkatapos ng kumustahan, magsisentimyento na ang mga guwapong artista na ito wala nang pambayad sa condo, kotse, o kahit pang-grocery man lang.

Isang kaibigang bading na may kaya at hindi nawawalan ng raket ang malapit sa mga artista—super sikat man o di sikat.

Malapit din siya sa ilang all-male group, kaya kampante ang ilang miyembro na nagpapalibre sa kanya ng grocery.

Dalawang guwapong miyembro ng all-male group ang naipag-grocery na ng aking kaibigan.

Naaawa raw kasi siya dahil ang tagal nang walang trabaho ng mga ito.

Continue reading below ↓

Alam mo naman ang karamihang kabadingan, kapag guwapo ang nangangailangan, ang daling maawa.

Hindi lang ako sure kung ano ang kapalit sa grocery items na ihinahatid ni kaibigang bading sa condo unit ng mga guwapong miyembro ng all-male group.

Pero giit ng kaibigang bading, gusto lang niyang tumulong dahil wala pang linaw kung magkaka-show pa ang dalawang miyembro ng all-male group.

Sa totoo lang, ito ang bagong normal natin ngayon sa showbiz—ang dami talagang mawawalan ng trabaho.

Nabalitaan ko nga kamakailan lang na mahigit 50 percent ng mga staff at crew ang tinanggal sa isang show dahil kailangan nang magtipid.

Nakita kasing kaya nang tumayo ng isang show na iilan lang ang staff.

Kaya sinabihan na ang karamihan sa mga staff na huwag na silang pumasok kapag bumalik na sa taping ang programa.

Kaya masuwerte ang mga may mga gagawin pa sa TV o pelikula dahil iilan na lang ang makakabalik.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Ang mapagbigay na bading ay deboto ng Ina ng Laging Saklolo.

Palagi iyang may dalang cash sa ngalan ni Aya Ayuda—Philippine pesos man o US dollars.

Sadyang malambot ang puso ni GG (as in Grocery Gay) sa mga guwapong modelo, atleta, at bida-bidahang male starlets.

Pero oras na pagnakawan mo siya, ingat ka!

Marami siyang koneksiyon, at kaya ka niyang ipadampot sa awtoridad!

NOEL FERRER

Survival ang isyu ng mga tao ngayon.

At kahit hindi pa tayo lubusang safe, kailangang mag-GCQ na dahil ibinubukas na ang ekonomiya.

At heto pa, wala nang ayuda kapag nasa GCQ na. Kaya hindi kataka-taka kung humihingi na ng tulong ang mga tao.

At sa kasong ito, medyo matatagalan pa bago maibalik ang programang pinagmulan nitong mga aktor-aktoran na ito.

Paano na sila? Manghihiram o magpapalibre muna?

Ang mahiwagang tanong... ano ang kapalit?

RECOMMENDED ARTICLES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results