Anim na ABS-CBN entertainment shows, magbabalik-taping na!

by PEP Troika
Jun 3, 2020
Coco Martin, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Vice Ganda, mapapanood ulit sa TV? Kung hindi man sa ABS-CBN Channel 2, sinasabing posible raw iere ang mga programa nila sa DZMM Teleradyo.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Habang dinidinig pa rin ang franchise ng ABS-CBN sa Kongreso, tuloy ang trabaho ng mga Kapamilya people at ikinakasa na raw ang pag-resume ng taping.

Napabalitang sa June 15 na raw mag-resume ang taping ng primetime series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Dalawa raw ang magiging location nito: sa Batangas at sa Fairview, Quezon City.

Bukod sa teleserye ni Coco Martin, ang latest na nasagap namin ay itutuloy na rin ng Kapamilya network ang mga teleseryeng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson at Love Thy Woman ni Kim Chiu.

Kabilang din sa magre-resume ay ang daily morning show na Magandang Buhay, daily noontime show na It’s Showtime, at weekly musical-variety show na ASAP Natin 'To.

Wala pang balita sa ibang bagong projects kung itutuloy o hindi, pero maingat lang daw talaga dahil sa guidelines na ginawa nila mismo para iyon ang sundin ng lahat ng magtatrabaho.

Hindi pa ito kinumpirma ng taga-ABS-CBN, pero ang mga shows na nabanggit ang matunog na pinag-uusapang hindi matitigbak.

Continue reading below ↓

At kahit naka-shutdown pa ang naturang network, posibleng sa Teleradyo muna mapapanood ang mga ito.

So far, wala pa kaming nasagap tungkol sa mga entertainment programs na sisimulan ng GMA-7.

Ang nabalitaan lang namin ay maganda ang feedback sa Wowowin ni Willie Revillame.

Pero dahil hindi pa puwedeng magpapasok ng audience, iyon munang "Tutok to Win" ang umeere.

Kaya okay na muna sa Will Tower ni Kuya Wil, at gagamitin muna ang studio nila sa ibang programa ng Kapuso network.

Gustung-gusto nang magtrabaho ng lahat, at ginagawa naman ng paraan.

Pero para lang ito sa mga masuwerteng staff na mare-retain.

Ang dami raw kasing matatanggal dahil limitado na ang mga tao sa loob ng set.

Iyan ang isa sa malaking pagbabago sa bagong normal na haharapin natin.

JERRY OLEA

Ipinahiwatig ng isang insider na shelved na muna ang teleseryeng Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.

"For the meantime, I think," sabi ng insider nitong Hunyo 3, Miyerkules ng hapon.

Continue reading below ↓

Pahinga rin muna ang Pamilya Ko ni Sylvia Sanchez.

Noong nasa ere pa ang ABS-CBN, wagi sa Kantar Media ratings ang mga programa nito kung weekdays.

Pero sa weekends ay mas ariba ang Kapuso shows.

Okay nang ipagpatuloy ang pang-umagang Magandang Buhay nina Karla Estrada, Melai Cantiveros, at Jolina Magdangal; ang pantanghaling It’s Showtime ng magsing-irog na Vice Ganda at Ion Perez; at ang Love Thy Woman nina Kim Chiu at Xian Lim.

Gayundin ang maaaksyong teleserye sa gabi na FPJ’s Ang Probinsyano, ang A Soldier’s Heart, at Sunday musical variety show na ASAP Natin ‘To.

Sa kabilang banda, nagpaalam naman si Angelica Panganiban sa Banana Sundae. Kaya pala?!

Pahinga na rin muna ang Maalaala Mo Kaya, Ipaglaban Mo, at Home Sweetie Home.

Kailan pa kaya natin mapapanood ang pilot episode ng Everybody, Sing!? Ito ang kapalit ng Gandang Gabi, Vice.

Paano na ang ibang nakapilang mga programa tulad ng Tanging Mahal (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), Ang Sa Iyo Ay Akin (Iza Calzado at Jodi Sta. Maria), Heart to Heart (Maymay Entrata at Edward Barber), Ang Lihim ni Ligaya (Ivana Alawi at Kit Thompson), at Kahit Minsan Lang (Bea Alonzo at Richard Gutierrez)?

Continue reading below ↓

At kailan pa lilipad ang bagong Darna (Jane de Leon) ng Star Cinema?

NOEL FERRER

At the rate things are going, parang matatagalan pa ang Congressional hearing sa ABS-CBN.

Paulit-ulit talaga ang mga isyu na tinatalakay.

At ang bottomline, ano mang pruweba o statement ang sasabihin, kung may sarili nang pasya ang mga nasa Kongreso, doon na nila itutuon ang naratibo.

Oo, excited na ang mga tao na magtrabaho ulit!

Pero sa nangyayari sa testing, hindi ako magtataka kung magbalik-ECQ tayo kapag tinamaan tayo ng matinding second wave.

Huwag naman sana.

RECOMMENDED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Coco Martin, Kim Chiu, Gerald Anderson, at Vice Ganda, mapapanood ulit sa TV? Kung hindi man sa ABS-CBN Channel 2, sinasabing posible raw iere ang mga programa nila sa DZMM Teleradyo.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results