Kokoy de Santos at Elijah Canlas, tuloy ang pagpapakilig sa Episode 2 ng Gameboys

by PEP Troika
Jun 3, 2020
Ayon sa executive producer ng Gameboys na si Direk Perci Intalan, mas ibibigay nila ang kahilingan ng mga taong mas maging intimate ang pagkakakilala ng dalawang characters (Kokoy de Santos at Eliejah Canlas) na naka-lockdown.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

Pakikiligin na naman nina Elijah Canlas at Kokoy de Santos ang followers at supporters ng Gameboys mamayang 8:00 P.M. sa YouTube channel ng The Idea First Company.

Kahit may mga pasaring sa kanila ang ibang kampo tungkol sa iba pang LGBT online outputs ay hindi na lang nila pinapansin.

Mas mahalaga ang feedback na natatanggap nila sa kanilang viewers, pati na ang mga kasama sa komunidad ng filmmakers.

Sabi ng executive producer nila na si Direk Perci Intalan, sa Episode 2 ng Gameboys ay mas ibibigay nila ang kahilingan ng mga tao na mas maging intimate ang pagkakakilala ng dalawang characters na naka-lockdown.

Continue reading below ↓

Ano ba ang iba pang nasabi ni Direk Perci sa panayam mo sa kanya kagabi sa DZRH, Tito Gorgy?

At bago ang episode mamaya, makakausap ko sa aking Level UpDates IG Live sina Elijah at Kokoy habang naka-dinner break dahil nataong shooting day nila ngayon.

Sari-saring requests na ang natanggap namin para sa kanilang IG Live mamaya.

May nagtanong kung kakayanin ba nilang tapatan ang pagta-topless ni Royce Cabrera sa isang YouTube kumustahan daw?

Hindi yata problema sa dalawa ang mag-topless dahil mas higit pa roon ang ginawa nila sa kanilang pelikula.

Tingnan natin kung nasa mood sila mamaya.

Ikaw, Tito Jerry, ano ang daring questions mo para sa Gameboys?

Or mas bet mo ba ang mga Sakristan?

GORGY RULA

Kung napanood ninyo ang first episode ng Gameboys na "Pass or Play," akala mo ay madali lang gawin, pero mahirap pala.

Base sa paliwanag ni Direk Perci sa amin, mahaba ang proseso—mula sa rehearsal, pagpapadala ng props, production design, hanggang sound.

Continue reading below ↓

Nabuo nila ang episode na online lang lahat ginawa at hindi sila nagkaharap-harap.

Kaya nasunod nila ang guidelines at protocols sa ilalim ng GCQ.

JERRY OLEA

Gameboys vs Sakristan. CaiReel vs ZaChristian.

Mas exciting kung may rivalry sa pagitan ng mga Pinoy Boys’ Love series.

Mayo 22, Biyernes, nang in-upload ang first episode ng Gameboys, na love story nina Cairo (Elijah Canlas) at Gavreel (Kokoy de Santos).

At this writing, naka-401K views na ito.

Mayo 31, Linggo in-upload ang first episode ng Sakristan, ang kuwento ng pagmamahalan nina Zach (Clifford Pusling) at Christian (Henry Villanueva).

Lampas-435K views na ito.


Continue reading below ↓

Ngayong Hunyo 3, Miyerkules ng gabi, mapapanood ang second episode ng Gameboys, samantalang sa Hunyo 7, Linggo, matutunghayan ang second episode ng Sakristan.

Ayon sa writer-director ng Sakristan na si Darryl Yap, walo ang episodes ng BL series na ito.

Sabi naman ni Direk Perci Intalan, executive producer ng Gameboys, dapat ay apat na episodes lang ito, pero mukhang humahaba ang kuwento.

Ang 22-anyos na si Kokoy, nag-frontal na sa Cinemalaya 2019 film na Fuccbois.

Ang 19-anyos na si Elijah, tunay na aktor. Game!

Si Clifford, 16-anyos pa lang, kaya may limitasyon.

Ang 20-anyos na si Henry, hmmnn...

Basta, ang sabi ni Direk Darryl nitong Hunyo 3, Miyerkules ng hapon, walang frontal sa Sakristan.

“Hindi po namin kaya yun,” pahayag ni Direk Darryl.

Kaya ba ni Henry na mag-butt exposure?

“Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa executive producer ng Gameboys na si Direk Perci Intalan, mas ibibigay nila ang kahilingan ng mga taong mas maging intimate ang pagkakakilala ng dalawang characters (Kokoy de Santos at Eliejah Canlas) na naka-lockdown.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results