Liza Soberano, ipagpapatuloy ang pag-aaral habang wala pang Make It With You

by PEP Troika
Jun 4, 2020
Lingid sa kaalaman ng marami, tahimik na tumutulong si Liza Soberano sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Sabi nga ng manager niyang si Ogie Diaz, “Akala ng ibang tao, wala siyang ginagawa, pero nahihiya lang kasi si Liza na mag-post sa social media."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Ipagpapatuloy ni Liza Soberano ang kanyang online studies habang hindi pa nagre-resume ang taping ng Kapamilya teleseryeng Make It With You, kung saan bida sila ng kasintahang si Enrique Gil.

First year college na ang 22-anyos na aktres sa kursong Psychology sa Southville International School ng Las Piñas City.

Matatapos na siya sa first year.

Naputol ang online schooling niya dahil four times a week taping niya sa Make It With You, na nag-umpisang umere noong Enero 13 bilang kapalit ng Starla.

Mapapanood si Liza sa third episode ng Caldero Files ngayong Hunyo 4, Huwebes, 12:00 NN, sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, Facebook page ng ABS-CBN Network, at sa website ng OKS.

Magse-share si Liza ng baking secret, tips, at paborito niyang recipe.

Continue reading below ↓

Kalahok si Liza sa Shop & Share 2020 auction, na pinangunahan nina Angel Locsin, Anne Curtis, Bea Alonzo at Dimples Romana.

Ang malilikom na pondo rito ay ipambibili ng COVID-19 test kits para sa mahihirap na Pilipino.

Kabahagi rin sa subastang ito sina Vice Ganda, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Pia Wurtzbach, Dingdong Dantes, Marian Rivera, Karla Estrada, Sam Versoza ng Frontrow, Vhong Navarro, Dr. Hayden Kho Jr., Dra. Vicki Belo, Sarah Lahbati, Sylvia Sanchez, Aivee Aguilar-Teo, Mariel Padilla, Robert Seña, at Raymond Gutierrez.

Continue reading below ↓

Habang may community quarantine ay nagkaroon si Liza ng panahon na maglutu-luto ng mga ulam.

Ano pa ba ang pinagkaabalahan niya?

“Naging busy siya sa pagre-repack ng bags of groceries pam-frontliners and sa ilang barangay,” sabi ng manager ni Liza na si Ogie Diaz nang maka-chat namin nitong Hunyo 3, Miyerkules ng gabi, via Messenger.

“Akala ng ibang tao, wala siyang ginagawa, pero nahihiya lang kasi si Liza na mag-post sa social media.

“Sa pa-tent ni Angel Locsin para sa mga frontliners, naging bahagi rin no’n si Liza!”

Palagi pa ring masisilayan si Liza ng kanyang fans and supporters. Enjoy siya sa pagti-TikTok!

Inaayos na ni Liza ang kanyang YouTube channel. Mag-uumpisa na siya ng vlogging.

HOT STORIES

GORGY RULA

Dito mo mapapatunayan ang strength ng character ng isang tao kapag dumadaan sa isang mabigat ng pagsubok.

Sa halip na magmukmok at magpaka-depress, mag-aral at magtapos ng kurso.

Diyan mo sasaluduhan si Liza dahil tama ang naiisip niyang fallback.

Continue reading below ↓

Sana, ituluy-tuloy ni Liza hanggang sa makapagtapos siya dahil marami pa siyang puwedeng gawin, kahit matagal-tagal pa siyang mawawala at hindi mapapanood sa screen.

Wala na siyang kailangang patunayan pa. Liza Soberano na siya!

Mabuti at hindi na niya nagawa ang Darna, at baka makadagdag-stress pa ito sa kanya.

Paano na ba itong Darna? Tuluyan na nga bang naudlot ang napaka-promising sanang career ni Jane de Leon?

NOEL FERRER

Isa pang ikinabilib ko kay Liza ay nang sumama siya sa Not For Sale forum noong Mayo 22, Biyernes, 10:00 A.M., sa Facebook page ni Senator Risa Hontiveros.

Advocate si Liza sa pagprotekta sa mga bata laban sa online sexual exploitation.

Continue reading below ↓

Doon ko natanto na hindi lang siya pang-dole out ng relief goods (na there’s actually nothing wrong about it) — but she went an extra step sa kanyang adhikain at naging vocal siya sa pagtutol sa pang-aabuso sa mga bata.

Nami-miss ko siya bilang makabagong Darna, in a way.

But truly, Liza has more to offer aside from being a celebrity!

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lingid sa kaalaman ng marami, tahimik na tumutulong si Liza Soberano sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic. Sabi nga ng manager niyang si Ogie Diaz, “Akala ng ibang tao, wala siyang ginagawa, pero nahihiya lang kasi si Liza na mag-post sa social media."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results