FPJ's Ang Probinsyano cast and crew, parang papasok sa Big Brother house sa pagbabalik-taping

by PEP Troika
Jun 4, 2020
Mark Manicad (in police uniform), aka Edwin Salonga ng FPJ's Ang Probinsyano, ibinahagi na "50 percent" lang ng cast at crew ang balik-taping dahil sa limited number of people na kailangan sa set.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram / FPJ's Ang Probinsyano

NOEL FERRER

Gusto na ba ninyong magbalik ang FPJ’s Ang Probinsyano?

Kung sa lead stars ng teleserye katulad ni Coco Martin, puwede na lang silang maghintay for conditions to be better.

Pero kung isasaalang-alang mo ang mga nagtatrabaho para sa successful na Kapamilya teleseryeng ito, malaking tulong ang pagbabalik-trabaho.

Lalo na sa staff, crew, at ibang supporting stars na wala masyadong naipon dahil sa biglang pagtigil at pagkawala sa trabaho.

Ito na ang oportunidad para mas makatulong sila sa pantustos sa sarili, sa pamilya, at sa iba pang nangangailangan ngayong palasak ang nganga at nawalan ng trabaho.

Nag-meeting na ang grupo ng FPJ’s Ang Probinsiyano, at mukhang sila ang magiging test case sa pag-implement ng health protocols sa mga magbabalik-taping na serye.

May dalawang sets sila, locked-in ang mga tao, at controlled ang bilang ng mga nagtatrabaho alinsunod sa post-ECQ guidelines.

Naka-strict home quarantine na ang ibang artista at inihahanda na sila para mag-Rapid Test bago sumalang sa mahabaang trabaho na pinagkasunduan nilang lahat.

Continue reading below ↓

Sa tanong kung saan sila ipalalabas, ang sagot lang ay “Basta!”

Mas magandang handa tayo anytime para mabalik sa pang-aaliw sa mga manonood, kahit nasa ibang kundisyon tayo ngayon.

Matatandaang pati ang lead star ng Ang Probisyano na si Coco ay kinailangang mag-quarantine after mag-shoot abroad para sa pelikula nila ni Angelica Panganiban na Love or Money.

Kaya ibayong pag-iingat ang gagawin ng lahat.

Bawal muna ang segue-segue o lagareng taping at shooting.

Ito ay para maiwasan ang makasalamuha ang ibang tao sa ibang produksyon.

Kung ganito at pinaghihirapan talaga nila ang pagbuo ng programang nakasanayan ninyong kasalo sa bahay, handa na ba kayong manood muli?

JERRY OLEA

“Super-higpit nila. Bawal kaming lumabas now. Pati mga kasama namin sa bahay, bawal din.”

Pahayag iyan ni Mark Manicad nang maka-chat namin nitong Hunyo 4, Huwebes ng hapon, via Messenger.

Si Mark ang gumaganap bilang P/Capt. Edwin Salonga, na aide-de-camp ni President Oscar Hidalgo (Rowell Santiago) sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Continue reading below ↓

Hindi alintana ni Mark ang strict quarantine dahil batid niyang para iyon sa kanilang kaligtasan.

"Bawal pagupit. Bawal magpa-derma. Bawal pumunta sa dentist. Basta, bawal lumabas. Ha ha ha!" dagdag ni Mark.

Inamin ng aktor na dalawa ang unit ng FPJ’s Ang Probinsyano sa pagbabalik-taping nila sa kalagitnaan ng Hunyo.

Kasama si Mark sa unit na magte-taping sa Quezon City.

"Para kaming papasok ng PBB,” pakli ng 30-anyos na aktor.

Ang Pinoy Big Brother ang reality show ng ABS-CBN kunsaan locked-in sa Big Brother house ang mapipiling housemates sa loob ng ilang buwan.

"Bawal magsama ng P.A or driver. Kani-kanyang sikap," sabi pa ni Mark.

Excited siyempre si Mark na mag-taping muli at bumalik sa trabaho.

Aniya, "Nakapagpahinga si Direk Coco kaya siguradong may mga bagong pasabog siya para sa show!"

Nakaramdam din siya ng lungkot dahil may mga co-stars silang hindi kasali sa magbabalik-taping.

Paliwanag ni Mark: "Masakit man sa loob namin lahat, pero hindi lahat po sa amin ay makakabalik sa taping.

Continue reading below ↓

"Halos nabawasan po kami ng 50 percent sa cast and crew bilang pagsunod ni Direk Coco at ABS-CBN sa guidelines at protocols.

"Sabi ng aming boss na si Sir Deo Endrinal, nagpapasalamat siya sa amin dahil tatanggapin namin ang hamon na ito, dahil nga delikado ang paglabas ng bahay ngayon.

"Kumbaga, para na din daw po kaming frontliners."

Si Deo Endrinal ang head ng Dreamscape Entertainment, ang content provider division ng ABS-CBN.

Patuloy ni Mark, "Lalo itong nagpalakas ng loob namin dahil alam namin sa dami ng nagre-request na bumalik ang FPJ’s Ang Probinsyano.

"At kahit papaano, mababawasan ang lungkot ng ating mga kababayan dahil gabi-gabi na nila ulit kami makakasama."

GORGY RULA

Matipid ang mga pahayag ng ilang artistang involved sa teleseryeng ito dahil wala pang ibinibigay na exact date kung kailan sila magbabalik-taping.

Hindi pa raw naayos lahat, dahil meron pang kailangang plantsahin.

Ang maganda lang dito, kasado na ang ibang Kapamilya shows na nakatakda na ring simulan.

Continue reading below ↓

Bukod sa mga dating shows na magbabalik, meron din daw mga bagong programang nakatakda na ring simulan ng ABS-CBN.

Nandiyan ang teleseryeng pagbibidahan daw nina Arci Muñoz at Zanjoe Marudo, at meron din daw gagawin si Judy Ann Santos.

Kaya tuloy ang trabaho ng mga Kapamilya staff, kahit may mga matatanggal.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Manicad (in police uniform), aka Edwin Salonga ng FPJ's Ang Probinsyano, ibinahagi na "50 percent" lang ng cast at crew ang balik-taping dahil sa limited number of people na kailangan sa set.
PHOTO/S: @cocomartin_ph Instagram / FPJ's Ang Probinsyano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results