Magkaagaw ng GMA-7, balik-telebisyon; dalawang Kapamilya teleserye, sinibak

by PEP Troika
Jun 5, 2020
Klea Pineda at Sheryl Cruz, balik-taping na sa GMA-7 afternoon series na Magkaagaw. Sina Barbie Forteza at Kate Valdez, may online paandar para sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Ibang online shows, inilunsad sa GMA Network Facebook at Youtube channels.
PHOTO/S: Screengrab from Magkaagaw / Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday

JERRY OLE:

Mayo 25, Lunes, in-upload sa YouTube channel ng GMA Network ang teaser sa pagbabalik ng teledramang Magkaagaw.

Alam na ni Clarisse (Klea Pineda) na si Veron (Sheryl Cruz) ang kulasisi ng mister niyang si Jio (Jeric Gonzales).

Ano ang mangyayari sa muling paghaharap-harap nila?

Bonggacious ang vocal reenactment nila ng mga huling eksena ng Magkaagaw na napanood sa TV, huh?!

Hunyo 1, Lunes, nag-apology vlog si Ginalyn (Barbie Forteza).

Sa Hunyo 8, Lunes ang reaksyon dito ni Caitlyn (Kate Valdez).

Sina Ginalyn at Caitlyn ang half-sisters na mga pangunahing karakter sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday.

Inusisa namin si Direk Laurice Guillen kung naghahanda na ba silang magbalik-taping para sa Bilangin Ang Bituin sa Langit.

"Preparations lang lahat ang ginagawa namin ngayon until management is satisfied that protocols and guidelines are safe.

"Pre-prod pa lang ang ginagawa namin," lahad ni Direk Laurice nitong Hunyo 4, Huwebes ng gabi, via Messenger.

Continue reading below ↓

Bida sa Bilangin Ang Bituin sina Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Kyline Alcantara, Yasser Marta, at Nora Aunor.

Inurirat din namin si Aiko Melendez kung nagre-ready na silang mag-taping muli para sa Prima Donnas.

"Wala pa kaming schedule for taping. Nag-meeting kami last week, wala pa kaming guidelines," pahayag ni Aiko.

"So, wala akong idea kung kailan kami magbabalik. Magpo-promote muna kami online.

"In-ask kami isa-isa kung OK lang na mag-role playing kami online to promote Prima Donnas. Sabi ko, OK lang.

"Kaya lang, ang hirap pala ng isang ipapagawa sa amin. Paano ako gagalaw sa loob ng bahay namin as Kendra?

"Sabi ko, baka hindi ko kering mag-Kendra sa bahay namin. Baka hindi ko mapanindigan at matawa ako.

"Kasi, aakting ako, andoon ang mga anak ko. Ha ha ha ha ha!"

Ngayong Hunyo 5, Biyernes, bandang 3:00 p.m., sa Facebook page ng GMA Network at YouTube channel ng GMA Artist Center, may online reunion ang Prima Donna stars.

Continue reading below ↓

Time out muna sa tarayan sina Althea Ablan, Sofia Pablo, Jillian Ward, at Elijah Alejo, dahil makikigulo at makikihula sila sa #QuizBeh, hosted by Betong Sumaya.

NOEL FERRER

Magkakaroon na ng airing ng fresh episodes ang FPJ’s Ang Probinsyano at iba pang ABS-CBN shows sa bagong Kapamilya Channel.

Kasabay nito ay pinaghahandaan na rin ang mga bagong shows nina Judy Ann Santos-Agoncillo at Angel Locsin.

Maganda ring malaman kung anu-ano naman ang bagong offerings ng Kapuso network.

Lalo pa’t mukhang mauunahan pa yata sila ng mga katapat nilang mag-taping muli (that is, even without a sure new franchise for ABS-CBN yet).

Are the YouTube efforts of GMA-7 like #SpreadTheLove na fund-raising effort din?

Maganda ring malaman kung masu-sustain ang mga ganitong lofty efforts sa kabila ng may donation fatigue na rin sa ating mga kababayan.

Patuloy tayong mag-aabang ng magagandang content from everyone! Good luck!

HOT STORIES

GORGY RULA

Mukhang pinapalakas muna ng Kapuso network ang ilang online shows nila.

Continue reading below ↓

Bukod sa mga nabanggit ay tuluy-tuloy pa rin ang Facebook live ng mga taga-All-Out Sundays tuwing Linggo ng tanghali.

May pinaghahandaan na ring Boys’ Room sa YouTube channel ng GMA Network.

Tampok dito sina Ruru Madrid, Andre Paras, Jak Roberto, Mikoy Morales, Buboy Villar, at Rocco Nacino.

May mga pasabog silang dapat abangan ng fans nila. Pati ang ilang Kapuso stars ay nagsimula na ring mag-vlog.

Isa na rito si Kim Domingo na nagsimula na ng kanyang vlog kamakailan.

Doon niya sinagot ang iba pang tanong ng kanyang followers na nabitin noong nag-Instagram Live siya.

Napansin na rin ang ilang Kapuso stars na umariba sa online shows nila.

Kagaya ni Paolo Contis, na bentang-benta ang mga patawa niya sa ilang hosting niya sa Facebook Live chat.

Ang dami ring nagulantang sa kaseksihan ni Faye Lorenzo, na lalong dumami ang followers sa Instagram dahil sa kaseksihang ipinu-post niya.

Sa ngayon ay pinag-aaralan muna ng GMA-7 ang lahat ng guidelines at protocols na dapat sundin bago sila sumalang sa taping.

Continue reading below ↓

Ang dinig ko, may ilang stars na ayaw mag-taping na naka-lock-in nang ilang linggo, kaya inaayos pa muna talaga nila.

JERRY OLEA

Kinumpirma naman ni Ogie Diaz, talent manager ni Liza Soberano, na hindi na eere ang teleseryeng Make It With You.

Post ni Ogie Diaz nitong Hunyo 5, Biyernes:

"Sa mga nagtatanong kumbakit hindi nakasama ang ‘Make It With You’ sa magbabalik sa telebisyon ngayong June...

"Ikinalulungkot ko pong ibalita sa inyo bilang manager ng isa sa bida (si Liza Soberano) na hindi na po ito mapapanood pa.

"Alam na po ito ng lahat ng cast, lalo na ng LizQuen."

Abangan na lang daw ang susunod na proyekto ng reel-and-real-life sweethearts na sina Liza at Enrique Gil (LizQuen).

"Alam kong nabitin kayo sa love story nina Billie at Gabo, kaya hintayin na lamang po ang pagbabalik ng loveteam sa isa pang bagong teleserye.

"Salamat po, mga Kapamilya!"

Ratsada sa ratings ang Make It With You, pero tinigbak ito ng Kapamilya Network.

Continue reading below ↓

Sibak na rin ba ang Pamilya Ko na pinangungunahan ni Sylvia Sanchez?

Today ang first monthsary ng ABS-CBN shutdown. Napakalabo pang ma-renew ang franchise nito.

Hindi kailangang magmadali ang GMA-7 na magbalik-taping ng kanilang mga programa.

Wagi ang Kapuso Network sa TV ratings. Walang kalaban.

Why fix something that is not broken? Better safe than sorry, kaya online na lang muna ang mga pasiklab ng Siyete.

Pangungunahan ng Kapuso Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas ang 13th session ng Actors’ Cue, 7:00 p.m. ng Sabado, Hunyo 6, sa Facebook page ng ExtendTheLove.

Panelists din dito sina Kakai Bautista, Jerald Napoles, at Kim Molina. Si Direk Adolf Alix Jr. ang moderator.

Pilot episode naman ng How Do You Feel: Usapang Artista, 8:00 p.m. ng Sabado, Hunyo 6, sa Facebook page ng GMA Artist Center at YouTube channel ng GMA Network.

Iho-host ito ni Ana Feleo. Panelists sina Gabby Eigenmann, Chynna Ortaleza, Benjamin Alves, Sophia Senoron, Psalms David, at Elle Villanueva.

Continue reading below ↓

‘Triple Treat' ang hatid nina Jeremiah Tiangco, Hannah Precillas, at Garrett Bolden sa Playlist Live sa Hunyo 7, Linggo.

Streaming ito sa pages ng GMA Network at GMA Playlist, maging sa YouTube channel ng GMA Playlist.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Klea Pineda at Sheryl Cruz, balik-taping na sa GMA-7 afternoon series na Magkaagaw. Sina Barbie Forteza at Kate Valdez, may online paandar para sa Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday. Ibang online shows, inilunsad sa GMA Network Facebook at Youtube channels.
PHOTO/S: Screengrab from Magkaagaw / Anak Ni Waray Vs. Anak Ni Biday
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results