Kim Chiu's "Bawal Lumabas" ang daming dislike sa isang YouTube channel

by PEP Troika
Jun 6, 2020
kim chiu in wish 107.5
Si Kim Chiu ang "undisputed Quarantine Superstar." Agree?
PHOTO/S: Screengrab Wish 107.5 Facebook

JERRY OLEA

Most Disliked Song sa YouTube channel ng Wish 107.5 (8.58M subscribers) ang "Bawal Lumabas: The Classroom Song" ni Kim Chiu.

In-upload ito nitong Hunyo 5, Biyernes nang 9:00 PM, na nataong monthsary ng ABS-CBN Shutdown.

Kim Chiu YOuTube

Sa loob ng 14 oras, naka-1.9M views ito sa nasabing YT channel — 78K likes (thumbs up), 404K dislikes (thumbs down).

Continue reading below ↓

Sabi ng Wish 107.5 Bus, “With the release of this pop track, the multi-hyphenate shows a thing or two about how a seemingly unfortunate experience in life can be turned into something positive.”

As of this writing, naka-117,279 comments na sa Wish 107.5 ang music video na tumakbo ng 3-minute-27 seconds, karamihan ay negatibo.

Sabi ng ilang comment (published as is):

"Ano na nangyari sa OPM? Ito naba standards ngayon dahil nagtrending sa kawalang kakwenta kwentang topic na sinabi nya live?"

"Di ko na maintindihan anong nangyayari sa music industry ng pinas dami underrated na performer and singer bat ito pa yung nasa wish jusko"

"Woah. Ganito na lang ba ang OPM? Sobrang baba na rin ba ng standards nating mga pinoy, kahit sa musika? Anong nangyari sa WISH?"

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Siyempre, meron ding mga nagtatanggol kay Kim.

"ANG DAMING PERFECT DITO. KALA MO NAMAN. NAGKAKAPERA BA KAYO SA PANGBABASH AT PANGBABABA KAY MS. KIM? HAHAHAHAHA MAS NAKAKATAWA KAYO."

"you did great kim! we stan a positive queen! despite the freaks that kept on laughing at youuu, u took their MEM and positively. indeed, tao lang tayo nagkakamali. go kim [hearts emojis]"


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kahit Most Disliked pa iyan, ibig sabihin, pinapanood at marami ang nagre-react sa kanya niya.

Tuloy, naglitawan ang iba pa niyang video, kagaya ng 2014 interview sa kanya ni Kris Aquino para sa defunct Kris TV show, at napapaglaruan ng netizens.

Kaya si Kim Chiu ang undisputed Quarantine Superstar!

Continue reading below ↓

Iyan din kaya ang isa sa mga dahilan kung bakit na-retain ang Love Thy Woman na mapapanood na sa Kapamilya Channel?

Pati ang "Bawal Lumabas" merchandise niya ay napakalakas.

Limited edition lang daw kasi, kaya nagkaubusan na at ilang designs na lang ang available, pati ang sizes ang natira.

Puwede ninyong ma-check iyan sa Instagram account ng @bawallumabas_merch.

JERRY OLEA

Nag-premiere ang "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" noong Mayo 18 nang gabi sa vlog ni Kim kaugnay sa collab niya with Adrian Crisanto and DJ Squammy.

Naka-2.3M views na ito sa YouTube channel ni Kim — 123K likes, 9.2K dislikes.

Yung lyrics video ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" sa YouTube channel ng ABS-CBN Star Music ay naka-4.3M views na — 179K likes, 40K dislikes. In-upload ito noong Mayo 19.

Yung vlog ni Kim sa Galaw Challenge kay DJ Loonyo, na-publish noong Mayo 25 sa kanya pa ring YT channel.

Continue reading below ↓

Naka-804.K views na ito — 43K likes, 3K dislikes.

Noong Mayo 25 din in-upload ni DJ Loonyo sa kanyang YouTube channel ang tutorial sa dance steps o choreography ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)."

Nagkamit ito ng 739K views — 56K likes, malapit nang mag-1K ang dislikes.

NOEL FERRER

Hayyyy... The best weapon always is a good work.

With the song, the music video at ang merchandise, 'tapos, ipapalabas na ulit ang teleseryeng Love Thy Woman, si Kim pa rin ang wagi sa huli!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Kim Chiu ang "undisputed Quarantine Superstar." Agree?
PHOTO/S: Screengrab Wish 107.5 Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results