Pogilicious actor, nangisi na lang sa diskarte ng dalawang bida-bidahang jobless actors

by PEP Troika
Jun 6, 2020
Pamilyar si Pogilicious Actor sa kalakaran, kaya nangisi na lang siya sa diskarte ng dalawang bida-bidahang jobless actors.

JERRY OLEA

Napangisi ang isang pogilicious actor nang mabalitaan ang diskarte ng dalawang bida-bidahang aktor na nawalan ng pinagkakakitaan sa panahon ng pandemya.

Members ang dalawang bida-bidahang aktor sa isang all-male group.

Kung sinu-sinong yayamaning bading ang kinukumusta ng mga ito via text, Messenger, Viber, o DM, at tumatawag pa minsan, para makalambing ng ayuda.

Aba! Kung pagsama-samahin mo ang mga nagpadala ng pera kahit P3K lang ang iba, makakaipon ka na para sa buwanang hulog sa condo unit, inclusive ng home owners’ association due, at pambayad sa kuryente, tubig, wifi at linya ng cellphone.

Kesa mag-send ng video habang pinapaligaya ang sarili, nagpapabisita ang dalawang bida-bidahang aktor sa kani-kanyang condo unit para madalhan ng grocery ng mga yayamaning bading.

Itong pogilicious actor na kasama ng dalawang bida-bidahang aktor sa isang TV network, relaxed lang.

Ngayong GCQ na sa Kamaynilaan at mga kalapit-lalawigan, magbabalik-trabaho na siya.

Batid ng pogilicious actor ang katuturan ng isang traditional Jamaican folk song, na pinasikat ni Harry Belafonte noong 1950s.

Continue reading below ↓

Awit iyon ng mga manggagawa sa pier kung gabi, habang nagkakarga ng mga saging sa barko.

Inilalarawan sa lyrics ng kanta kung paano sumapit ang pamimitak ng araw, na pagtatapos ng kanilang trabaho, at gusto nilang mabilang ang kanilang trinabaho para makauwi na sila sa kani-kanyang tahanan.

Andaming nag-TikTok sa saliw ng kanta, kabilang sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Mark Herras, Ryle Santiago, Joao Constancia, EA Guzman, at sandahutay na lalaking topless.

Continue reading below ↓

Napaka-symbolic ng saging sa magdamag, lalo pa’t ang lyrics ng folk song ay pinalitan.

“Pumasok ka sa kuwarto, bukas ay meron ka nang show...”

GORGY RULA

Nabuhay na naman ang kuwentong yan na ilang beses nang napapag-usapan sa mga umpukan sa showbiz.

Kasi, ang dami nang artistang mawawalan ng trabaho, kaya itong mga guwapitong aktor na ito ay masasabing ‘kapit na sa patalim’ kesa gutom at nganga!

Sa totoo lang, ang dami namang hindi kumakagat sa ganitong sistema.

Masaya sila sa buhay nila kahit hindi sila sikat at hindi nagbida sa ilang programa.

Meron kaming nakilalang aktor na napakaguwapo noong kabataan niya, kaya nadiskartehan din nitong gay TV executive.

Pero hindi bumigay ang aktor kaya hindi nagka-show at minsan ay parang bit player na lang siya sa ilang programa.

Pero masaya na siya sa kanyang buhay, lalo na ang kanyang married life kasama ang asawa niyang kilala at magaling na aktres.

Continue reading below ↓

Kung masaya ka na sa simpleng buhay na hindi nagugutom, mapapanindigan mo ang prinsipyong kinakapitan mo sa iyong buhay.

Hindi ko naman sinasabing walang paninindigan itong mga artistang pumatol.

“It’s a matter of choice,” ika nga.

NOEL FERRER

Kung kalakaran ito, bakit walang nagsasalita?

Devil’s advocate... Hindi ba’t may mutual consent ang mga sangkot dito?

Ang tagal na itong usap-usapan at bulung-bulungan, pero bakit walang aksyong nangyayari?

Kailangan bang umabot pa sa Congressional hearing ang mga ganito?

Let he who has not sinned cast the first stone!

We’ll stay here in the sidelights kung hanggang saan ang magiging paglilinaw sa mga ganitong usapin!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pamilyar si Pogilicious Actor sa kalakaran, kaya nangisi na lang siya sa diskarte ng dalawang bida-bidahang jobless actors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results