Worth it bang magkumahog sa balik-taping ang GMA-7?

by PEP Troika
Jun 6, 2020
Isa si Aiko Melendez sa mga artistang magbabalik-trabaho na sa GMA-7, pero aminado ang aktres na may mga pag-aalala siya at separation anxiety na nararamdaman.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Separation anxiety ang naramdaman ng ilang artistang nakatakda nang bumalik sa trabaho ngayong nasa GCQ na tayo.

Iyan na ang tinitiyak na mararamdaman ni Aiko Melendez kapag bumalik na siya sa taping ng Kapuso drama series na Prima Donnas.

Inaayos pa raw ang guidelines and protocols na dapat sundin, pero nakipag-meeting na raw siya sa production staff via Zoom at meron na raw silang napag-usapan.

“There is no definite yet na guidelines for our show that’s why I cannot divulge anything yet now.

“Ang alam lang namin, we’re cooking up on something which I cannot announce it yet.

“Pero come July, magti-taping kami two to three weeks tuluy-tuloy. Walang uwian. Naka-lock in kami. Magpopondo kami ng taping namin, 'tapos hihinto, uuwi, 'tapos ratsada uli.

“Iyun lang muna ang puwede kong i-share sa lahat,” pahayag ni Aiko nang nakapanayam namin sa DZRH nitong Hunyo 5, Biyernes nang gabi.

Kapag iniisip niya ito, tiyak na hahanapin niya ang mga bonding nilang pamilya kasama ang dalawa niyang anak na nakasama niya lahat ng oras nitong panahon ng ECQ.

Continue reading below ↓

“Sanay ako na every day kasama ko sila. Sanay ako na lahat, nakikita ko sila, 'tapos biglang, 'Oops!' tatanggalin ito na biglang hindi ko sila makakasama nang ilang weeks.

"Mahihirapan talaga ako. Iyun ang pini-prepare ko sa sarili ko,” dagdag niyang pahayag.

Nakakaramdam din siya ng kaba kapag nagsimula na siyang mag-taping dahil siyempre, hindi mo tiyak na baka mahawa ka ng sakit sa labas.

“Buti na lang, we were assured by GMA na kapag taping namin, isang location lang kami, and then ang nakakalungkot lang doon, medyo mababawasan ang mga tao namin.

“Skeletal na lang yung taping namin. Medyo nakakalungkot din kahit papaano dahil magbabawas kami ng staff.

“Ang pinag-uusapan pa nga ngayon is… di ba, kaming mga artista, meron kaming mga glam teams, mga P.A.? Parang tatanggalin yata.

“Hindi ko alam on how we’re gonna work on it. Kasi ako, yung role ko, mayaman. Paano ko magagawa kung sa sarili ko lang, di ba?

Continue reading below ↓

“So, iyun ang pag-uusapan pa ngayon,” sabi pa ni Kendra ng Prima Donnas.

JERRY OLEA

Sa lipon ng mga drama series ng GMA-7, namamayagpag sa ratings ang Prima Donnas.

Base sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong first two weeks ng Marso, bago ipinatupad ang Community Quarantine sa NCR, mas maraming beses na nanguna sa mga teleserye ng Kapuso Network ang Prima Donnas, kesa sa Descendants of the Sun o DOTS.

Take note na mas matipid ang production budget ng mga panghapong teledrama na gaya ng Prima Donnas, kumpara sa mga pam-primetime na kagaya ng DOTS nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Gaya ng nasabi ko before, hindi kailangang magmadali ang GMA-7 na magbalik-taping.

Mas mabuting isaalang-alang nila ang kaligtasan ng Kapuso artists and staff.

Panalo sa ratings ang GMA-7 kahit replay ang karamihan sa mga programa. Merong commercial load ang mga ito. Pinagkakakitaan.

Kaya OK lang na maghinay-hinay, at maghintay-hintay muna ang mga Kapuso na maisaayos nang husto ang sistema sa pagbabalik-trabaho.

Continue reading below ↓

Hindi na tayo magugulat kung shelved na muna ang The First Yaya nina Gabby Concepcion at Marian Rivera.

Alangan namang magpa-lock in sa taping si Marian at ipaubaya sa mga yaya ang pag-aalaga sa dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na parehong maliliit pa?

It’s not worth it!

Pahinga muna sa FPJ’s Ang Probinsyano ang senior citizen na si Susan Roces.

Mauunawaan natin sakaling i-request ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa inang senior citizen na si Coney Reyes na huwag magpa-lock in sa taping ng Love of My Life.

Tigbak na ang gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae.

Magkukumahog pa bang mag-taping agad-agad ang Bubble Gang?

Sinibak na rin ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Bakit magmamadaling mag-resume ng taping ang katapat nitong Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung pwede naman ang mga online pasiklab for the meantime para maibsan ang pananabik ng kanilang fans?

Continue reading below ↓

Mas mabuting palakasin muna ng GMA-7 ang online platforms nila, partikular sa Facebook at YouTube!

NOEL FERRER

Now I get it, na kahit mababa ang commercial load sa TV ngayon pero pinanonood pa rin ang reruns ng mga teleserye sa GMA, obvious na kita iyan for the network with very minimal cost!

If you see, mga news and public affairs programs lang ang halos bago, all the others are mostly online content.

Times are hard, the network will just have to use their money well.

Maganda namang malaman na magba-back-to-work na ang ilang artista, of course with all the health and security safeguards and protocols.

Ang tanong, pareho rin ba ang mga suweldo nila, realizing that advertising is not that big nowadays?

Aside from the separation anxiety sa mga mahal sa buhay ng ating mga artista, you think they are ready to take a pay cut para makiisa sa losses ng industriya at ng bansa?

Continue reading below ↓

What do you think? Maganda ring malalaman, with the low advertising rates.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isa si Aiko Melendez sa mga artistang magbabalik-trabaho na sa GMA-7, pero aminado ang aktres na may mga pag-aalala siya at separation anxiety na nararamdaman.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results