Pokwang nanawagan na i-mass report ang Facebook page na Bangon Bisayas

by PEP Troika
Jun 7, 2020
Pokwang, Bangon Bisayas post
Nanawagan ang Kapamilya comedienne na si Pokwang (kaliwa) na i-report ang Facebook page na Bangon Bisayas dahil sa maling paratang nito sa kanya at ilang kapwa niyang Kapamilya stars. Nag-post ang nasabing Facebook page ng isang photo (inset, kanan) na tumutukoy sa Kapamilya stars bilang mga "Artistang Komunista."
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram / Bangon Bisayas Facebook page

JERRY OLEA

Nawindang si Pokwang dahil tinagurian siyang komunista, maging ang ibang Kapamilya stars na ipinaglalaban ang ABS-CBN.

Sa Facebook post ni Pokwang nitong Hunyo 7, Linggo nang madaling-araw, ipinagdiinan niyang natural na suportahan nila ang kumpanyang nagpapakain sa kanila.

Alangan nga namang murahin pa nila ang ABS-CBN?

Naghuhumiyaw si Pokwang sa kanyang himutok kontra sa FB page na Bangon Bisayas:

“SUMUPORTA LANG, TERORISTA AGAD??? PWEDE NAMIN KAYO KASUHAN SA MALING PARATANG! Pls PAKI REPORT THIS FB PAGE KAKALOKA KAYO! MASS REPORT THIS FB PAGE BANGON BISAYAS!”

Continue reading below ↓

Noong Mayo 27, Miyerkules nang hapon pa ang FB post ng Bangon Bisayas, kung saan tinagurian bilang Artistang Makabayan sina Matteo Guidicelli, Dingdong Dantes, Rocco Nacino, Gerald Anderson, Ronnie Liang at Zahra Bianca Saldua.

Maliban kay Pokwang, tinawag na Artistang Komunista, sina Coco Martin, Kim Chiu, Angel Locsin, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Angelica Panganiban, at Maris Racal.

Ayon sa Bangon Bisayas, “May dalawang klase ng mga artista ngayong panahon ng pandemya. Sa palagay niyo, kanino tayo dapat humanga?

“Sa mga artista ba na putak nang putak, puro reklamo at pambabatikos sa gobyerno at nanghihikayat ng mga tao upang pagkaisahan ang gobyerno? O sa mga artistang mas piniling maging makabayan at nagsilbing mabuting halimbawa sa kanilang kapwa Pilipino?

“Alam naman nating masakit sa inyo ang pagsara ng inyong network, ngunit huwag niyong gamitin ang sitwasyon upang manghikayat ng mga tao upang labanan at sisisihin ang pamahalaan. Sisihin nio ang mga sakim na nasa likod ng mga anumalya sa loob ng inyong istasyon.

Continue reading below ↓

“Hindi yan laban ng mga Pilipino, dahil ang tunay nating laban ay ang pagsugpo ng pandemyang ito at hindi ang pagsara ng istasyon niyong may nilabag na batas!

“Kung wala namang magandang sasabihin, mas makabubuting manahimik na lamang at gumawa ng tama.

“Hindi nio ikinabubuting mamamayan ang pagkontra sa gobyerno at paglason sa isip ng mga Pilipino!

#KapamilyaKomunista #SuportaHindiProtesta #MalasakitHindiPasakit #MagkaisaHindiPagkaisahan #GalawangKomunista #KomunistaOportunista #HuwagHangaan”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Red tagging alert ang naturang post.

Labis itong nakakabahala. Bakit tinatawag na Artistang Komunista (ng grupong Bangon Bisayas) ang Kapamilya stars dahil lang sa kanilang paninindigan?

Hindi ba’t unfair na labelling na naman ito at pagkakalat mg fake news?

Kaugnay nito, hindi ba’t nalalagay na naman sa alanganin si Mocha nang tawagin niyang terorista ang mga nagsisipag-rally at naglalabas ng saloobin ukol sa gobyerno?

Hayyyy, lubos na nakakabahala nga ito!

GORGY RULA

Kailangan bang patulan ang bintang ng grupong Bangon Bisayas na iyan?

Hindi lahat ng mga paratang na walang basehan ay kailangang i-dignify.

Hindi nga natin tiyak kung ano ang kredibilidad ng grupong iyan.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nanawagan ang Kapamilya comedienne na si Pokwang (kaliwa) na i-report ang Facebook page na Bangon Bisayas dahil sa maling paratang nito sa kanya at ilang kapwa niyang Kapamilya stars. Nag-post ang nasabing Facebook page ng isang photo (inset, kanan) na tumutukoy sa Kapamilya stars bilang mga "Artistang Komunista."
PHOTO/S: @itspokwang27 on Instagram / Bangon Bisayas Facebook page
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results