Vivian Velez, nag-react sa tweet ni Catriona Gray tungkol sa Anti-Terrorism Bill

by PEP Troika
Jun 7, 2020
Catriona Gray, Vivian Velez
Sabi ni Vivian Velez (kanan) kay Catriona Gray: “Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe?" Nag-react si Vivian ng ganito dahil sa tweet ni Catriona tungkol sa Anti-Terrorism Bill.
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram / Vivia Velez Facebook

JERRY OLEA

Wagas ang tweets ni Catriona Gray kaugnay sa anti-terrorism nitong Hunyo 6, Sabado nang gabi.

Nanindigan si Miss Universe 2018 sa Twitter, “The anti-terrorism bill is essential to protect the country and its people, but we cannot pass a bill that is susceptible to potential abuse of power and human rights violations.

“Holding the stance of #JunkTerrorBill DOES NOT EQUATE to being pro-terrorism. Making the stand of #JunkTerrorBill does NOT equate to supporting violence or terrorists.

“Nor does it imply that we ignore or condone the damage, hurt and conflict that exists in the Philippines and affects so many of our countrymen because of terrorism.

“Rather, #JunkTerrorBill is a call to #ReviseTerrorBill (because it can be...and should be better) if the need is indeed urgent during this time.”

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Nag-react dito ang premyadong aktres na si Vivian Velez, na kasalukuyang director general ng Film Academy of the Philippines.

Patutsada ni Vivian kay Catriona sa Facebook nitong Hunyo 7, Linggo nang Umaga,

“Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe?

“The draft Anti-Terrorism Act of 2020 passed both the House of Representatives and the Senate, and PRRD is expected to sign the bill into law. Nothing to revise and no more debate.

“From the people of Mindanao, the anti terrorism bill is their silver lining. And I thank you...”

Continue reading below ↓

Ni-repost ni Vivian sa FB ang paliwanag ni Atty. Larry Gadon sa Anti-Terrorism Bill, maging ang open letter umano ng isang sundalo para sa lahat ng nais ibasura ang anti-terror bill na naunang i-post sa FB page ng Hugot Sundalo noong Hunyo 5, Biyernes.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sariling pananaw ko lang naman ito, pero mas umaayon ako sa pahayag ni Catriona.

Kaya binabasa ko pa rin at pinag-aaralan ang bill na ito, para alam natin kung saan tayo lulugar.

Kaya huwag siguro tayong basta manahimik na lang kung alam at napag-aralan na natin nang mabuti ang bill na ito.

Pananaw rin yun ni Vivian Velez na hindi na kailangang kuwestiyunin dahil nasa puwesto kasi siya ng gobyerno.

Huwag na lang seryosohin ang mga posibleng magdulot ng panganib sa ating kalusugan at katinuan.

NOEL FERRER

This is not just a face-off between "Miss Body Beautiful of so many decades ago" and "Missed Universe 2018"!!!

Hindi talaga nakakaganda ang isyung ito.

Hindi ko nga lubos maisip kung bakit priority bill ito ngayong may pandemya.

Sang-ayon ako kay Catriona sa punto niya.

At sana, mas marami pang Congressmen na nag-YES ang mag-reconsider at bumaligtad.

Parang ang daming ipapanawagan ng bayan sa kinauukulan, kaya magkakaisa kaya ang marami sa Mañanita ng Bayan na gaganapin daw sa Luneta sa Hunyo 19?

Continue reading below ↓

Talagang dinadaanan natin ito ulit ngayon?

Hindi ako makapaniwala.

Pero sadly, oo... balik tayo... gaya ng dati!!!

Kapit lang!!!

Kapit-bisig!!!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sabi ni Vivian Velez (kanan) kay Catriona Gray: “Confused? Saving face? Ano ba talaga, Missed Universe?" Nag-react si Vivian ng ganito dahil sa tweet ni Catriona tungkol sa Anti-Terrorism Bill.
PHOTO/S: @catriona_gray on Instagram / Vivia Velez Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results