Kim Chiu at Xian Lim, handa na ba sa pagbabalik sa ere ng Love Thy Woman?

by PEP Troika
Jun 8, 2020
Sa June 15 nakatakdang umere sa Kapamilya Channel ang fresh episodes ng Love Thy Woman na pinagbibidahan ng reel-and-real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Hindi matapus-tapos ang pagpapasalamat ni Kim Chiu.

Noong Hunyo 6, Sabado, ipinagpasalamat ni Kim sa Instagram at Facebook na nag-No. 1 trending topic ang live performance niya ng kantang "Bawal Lumabas" sa YouTube channel ng Wish 107.5.

No. 1 din ang kanta sa Pinoy MYX Countdown.

Hunyo 7, Linggo ng gabi, inanunsiyo ni Kim na sold-out na ang "Bawal Lumabas" merchandise na ibinenta niya para sa kanyang outreach project.

Continue reading below ↓

Pahayag Kim, “...never thought this shirt for a cause will be a success in less than 2 weeks.

"Malaki po ang matutulong nito sa mga pamilyang bawal pa ring lumabas and donation for mass testing!

"I will keep you posted on further updates... again maraming maraming salamat."

At ngayong Hunyo 8, Lunes ng hapon, nagpasalamat muli si Kim sa kanyang "classmates" dahil No. 1 ang "Bawal Lumabas" sa Top 10 Songs of the Week ng 90.7 Love Radio.

Continue reading below ↓

Para iyon sa buong linggo mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 7.

Siyangapala, naka-5.9M views na sa YouTube channel ng Wish 107.5 ang pag-awit ni Kim ng "Bawal Lumabas," na in-upload bandang 9:00 P.M. ng Biyernes noong Hunyo 5.

As of this writing, mayroong itong 195,000 likes at 551,000 dislikes. Lumampas na sa 210,000 ang comments dito.

NOEL FERRER

This is the time for Kim Chiu to shine!

Lahat ng nilabasan niyang online appearances ay inaabangan ng mga tao.

Mamayang gabi, guest din siya ni Ogie Alcasid sa Facebook show na “Mondays With Kuya O.”

Patunay ito na naka-move on na si Kim sa isyung kinasadlakan niya.

Samantalang ang Kongreso ay hindi pa rin nakaka-move on sa citizenship issue ni Eugenio "Gabby" Lopez III sa pagdinig na isinasagawa ukol sa ABS-CBN franchise renewal.

JERRY OLEA

Siyempre pa, thankful din si Kim sa suporta at pagmamahal ng kasintahan at leading man sa teleseryeng Love Thy Woman na si Xian Lim.

Continue reading below ↓

Ininterbyu ni Ruffa Gutierrez ang KimXi sa Episode 4 ng Love Thy Chika, na na-upload sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment nitong Hunyo 7, Linggo.

Umabot na iyon sa 24K views.

Ibinahagi nina Kim at Xian ang kaganapan sa kanilang LDR o LockDown Relationship, at sumalang sila sa Fast Talk Game.

Matapos ang tanong tungkol sa beer or vodka, sinabihan ni Ruffa si Xian na importante sa next question na maayos dapat ang internet nito... Sex or chocolates?

Napatili si Kim, “Oh my God! Nakakaloka naman iyan, Miss Ruffa!

"Mag-hula hoop na lang tayo! Ha! Ha! Ha!"

Pangiti-ngiti lang si Xian.

Hirit ni Ruffa, “Binabasa ko lang yung script! Hi! Hi! Hi!”

GORGY RULA

Bitin ang interview ni Ruffa sa magkasintahang Kim Chiu at Xiam Lim. Ewan ko kung sadyang iniwasan ang mga isyung kinasangkutan ni Kim.

Hindi man lang nabanggit ang tungkol sa "Bawal Lumabas" song ng Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

Iyon ang mas nakaka-LSS kesa sa isa pang single ni Kim na ‘Wag Kang Bumitaw.

Saka nasa GCQ na tayo ngayon, at puwede na siguro silang magkita.

Sa Hunyo 15, Lunes, saktong 2:30 P.M., mapapanood na ang Love Thy Woman sa Kapamilya Channel right after It’s Showtime. Bida rito sina Kim at Xian.

So far, wala pa kaming nasagap na impormasyon kung naghahanda na ba ng pagbabalik-taping ng cast members.

Wala pang binanggit sa akin si Christopher de Leon, na kilala rin sa palayaw na Boyet.

Hindi nga ako niya ako kung handa na ba siyang bumalik sa trabaho.

March 17 nang kinumpirma ni Boyet na positibo siya sa COVID-19.

Mahigit isang linggo siyang na-confine sa ospital bago siya gumaling at itinuloy ang self-quarantine sa bahay.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa June 15 nakatakdang umere sa Kapamilya Channel ang fresh episodes ng Love Thy Woman na pinagbibidahan ng reel-and-real-life sweethearts na sina Kim Chiu at Xian Lim.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results