Battle of Pinoy Boys Love series: Gameboys, mas nakakakilig kumpara sa Sakristan?

by PEP Troika
Jun 8, 2020
Tumitindi ang tapatan ng Pinoy Boys Love series na Gameboys (kaliwa) at Sakristan (kanan).

JERRY OLEA

Dumarami ang mga tagasubaybay ng mga Pinoy Boys’ Love series na Gameboys at Sakristan, habang umiinit ang kanilang kumpetisyon.

Ang Episode 1 ng Gameboys titled "Pass or Play" ay naka-549K views na mula nang in-upload sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company noong Mayo 22, Biyernes.

So far, may subtitles na ito sa mga wikang Arabic, Czech, English, French, German, Indonesian, Italian, Korean, Polish, Portuguese, Romanian, Russian, Spanish, Spanish (Latin America), Thai, Turkish, at Ukranian.

Ang Episode 1 ng Sakristan titled "Touch-Move" ay naka-618K views na mula nang in-upload noong Mayo 31, Linggo, sa YouTube channel ng VinCentiments.

Malakas ang impact ng ilang eksena ng tambalang ZaChristian nina Zach (Clifford Pusing) at Christian (Henry Villanueva).

Ang Episode 2 ng Gameboys titled "Game of Love" ay naka-378K views na mula nang in-upload noong Hunyo 3, Miyerkules.

Level-up ang pakilig ng CaiReel!

Mukhang bibigay na si Cairo (Elijah Canlas) sa panliligaw ni Gavreel (Kokoy de Santos), kaso, umeksena ang isang magandang babae na ang tawag kay Gavreel ay “Babe.”

Continue reading below ↓

Ang Episode 2 ng Sakristan titled "Bangkok" ay naka-290K views mula nang in-upload noong Hunyo 7, Linggo.

PAK na PAK ang pagpupugay ng episode na ito kay Lady Gaga.

High school students sina Zach at Christian sa Paquito A. Kalibre University (PAK University).

Tumatak sa akin ang linya ni Zach na, “Bakit kayong mga taga-simbahan, masyado kayong malisyoso?”

Inusisa ko si Direk Perci Intalan nitong Hunyo 7, Linggo, kung mapapanood ba ang Episode 3 ng Gameboys sa Hunyo 12, Biyernes.

“Sana talaga sa Friday, umabot kami. So far, mukhang kaya naman. Fingers crossed!” sabi ni Direk Perci (executive producer ng Gameboys) via Messenger.

Nagkaproblema ang writer-director na si Darryl Yap sa Episode 3 ng Sakristan entitled "Cuerdas," na nakatakdang ipalabas sa Hunyo 14, Linggo.

Shout out ni Direk Darryl sa Facebook nitong Hunyo 8, Lunes ng hapon, “so 2 of the priests I’m consulting with, wanted me to revise a scene for episode 3.

Continue reading below ↓

“I am yet to talk to the last one.

“yes. #SakristanEp3 is really intense.”

Ang sabi raw ng dalawang pari, offensive ang nasabing eksena.

GORGY RULA

Hindi ko alam kung saan dapat iparating itong reklamo ng dalawang paring consultant na na-offend sa isang eksena ng ikatlong episode ng Sakristan.

Sa mga manonood na siguro ito kung pag-uukulan pa ba natin ng pansin.

Kailangan pa bang gawing isyu ng dalawang pari itong napansin nila sa BL series na yun?

Mas mabuti siguro kung tulungan na lang tayong magdasal na sana, mabalik na sa normal ang pagsisimba natin na ipinagbabawal pa rin kahit nasa GCQ na.

Hindi impressive ang pangalawang episode ng Sakristan, at sana ay makabawi sila sa pangatlo.

Hindi nila nakuha ang ‘kilig factor’ ng Gameboys, lalo na’t magaling pa ang dalawang bidang sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

Sa totoo lang, mas curious pa akong subaybayan kung paano maitatawid ng mga nagbabalik na teleserye ng ABS-CBN ang takbo ng kuwento na mapapanood na sa Kapamilya Channel.

Continue reading below ↓

Excited din ako kung ano pa ang mga susunod na gagawin ng mga Dabarkads ng Eat Bulaga! sa pagbabalik-live nila, lalo na’t magla-live na rin ang It’s Showtime sa Hunyo 13, Sabado ng tanghali.

‘Yan ang mas kaabang-abang!

NOEL FERRER

So, meron nang kumpetisyon sa free TV, tapos nagbabanta ang kumpetisyon sa cable, tapos pati online?

Totoo bang sa ibang socmed posts ay nagpaparinig ang direktor ng Sakristan sa katapat nitong Gameboys? Kailangan bang may ganoon?

Oh well, kani-kanya nang desisyon netizens kung alin ang papanoorin.

Sa isyu ng relihiyon, magandang tumingin muna sila sa paligid nila bago punahin ang nasa media.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tumitindi ang tapatan ng Pinoy Boys Love series na Gameboys (kaliwa) at Sakristan (kanan).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results