Senator Bong Revilla, humihingi ng dasal para sa patuloy na paggaling ng amang si Ramon Revilla Sr.

by PEP Troika
Jun 9, 2020
Senator Bong Revilla on dad Ramon Revilla Sr.'s health condition: "He is doing better than when I first brought him to the hospital, but still on the long road to recovery."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

"Kapit ng Pagmamahal" ang title ng Facebook post ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. nitong Hunyo 9, Martes ng dapihapon.

Kaakibat ng title ang tatlong pulang puso at tatlong praying emojis.

Paglalarawan ni Senador Bong sa kalakip na litrato, “Hawak ko po ang kamay ng aking ama, at damang-dama ko ang pagmamahal at patuloy niyang paglaban.

“He is doing better than when I first brought him to the hospital, but still on the long road to recovery.

“He will undergo an angiogram procedure tomorrow dahil may irregular sa kanyang puso na baka cause ng iba pa niyang karamdaman.

“Muli po kaming humihiling ng inyong mga panalangin nang malamapasan niya ang karamdaman na ito tuluyan po siya na gumaling.

“His will to get through this and his strong desire to live, hand in hand with our prayers and the love of God keeps us positive and hopeful.

“Salamat po.”

Continue reading below ↓

Mayo 31, Linggo ng bandang 6 P.M. isinugod ni Senator Bong ang 93-anyos na amang si dating Senador Ramon Revilla Sr sa St. Dominic Medical Center.

Nahihirapan kasi itong huminga.

Kapagkuwan ay inilipat ito sa St. Luke's Medical Center-Global City. Matapos itong kabitan ng ventilator ay naging conscious at responsive na.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nauna na tayo rito sa PEP Troika na nakaalam sa sitwasyon ni Mang Ramon, at patuloy natin siyang ipinagdarasal. Nakikiisa tayo sa pinagdaraanan ng pamilya Revilla!

GORGY RULA

Noong huling nakausap ko si Senator Bong, nabanggit niyang hindi pa sila allowed na pumasok sa ICU.

At least, ngayon ay nakakalapit na sila at nahawakan pa niya ang kamay ng kanyang ama.

Nang isinugod niya sa hospital si Mang Ramon noong Mayo 31, Linggo, halata ko sa boses ni Senator Bong ang sobrang pag-aalala.

Ngayon ay medyo magaan na pakinggan dahil nag-i-improve ang kalagayan nito.

Pero patuloy pa rin sila sa pagdarasal, at nagpapasalamat siya sa maraming nagdarasal at halos araw-araw ay marami ang nangungumusta sa kalagayan ng kanilang ama.

Naniniwala siyang may bisa pa rin ang agimat ni Mang Ramon.

“Yung pananampalataya niya sa Diyos ang agimat na hawak niya,” pakli ni Senator Bong nang nakausap namin sa telepono noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla on dad Ramon Revilla Sr.'s health condition: "He is doing better than when I first brought him to the hospital, but still on the long road to recovery."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results