Bagong version ng Bawal Judgmental, nagsimula na sa Eat Bulaga

by PEP Troika
Jun 11, 2020
Upang masiguro ang kaligtasan ng hosts at contestants sa "Bawal Judgmental," nagpagawa ng giant shield ang Eat Bulaga.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7

JERRY OLEA

Live na muli ang "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! ngayong Hunyo 11, Huwebes ng hapon.

Ang host na si Vic Sotto ay nasa kanyang bahay sa Ayala Alabang, Muntinlupa City.

Ang home partner ng studio contestant na si Teri Onor, nasa bahay nito sa Lucena City, Quezon.

Ang mga pinagpipilian sa studio, hindi na tabi-tabi.

Continue reading below ↓

Bukod sa social distancing, may kani-kanyang plastic booth na pinapasukan.

Meron din silang hawak na kani-kanyang face mask.

Ang Dabarkads, magkakalayo rin kaya iba na ang dynamics ng interaction nila sa mga pinagpipilian.

Relatively magkalapit sina Alden Richards at Maine Mendoza, at nakakakilig ang pagsasayaw-sayaw nila!


Continue reading below ↓

Siyempre pa, na-incorporate na sa tanong sa mga pinagpipilian ang kaganapan sa ECQ.

Bongga sana na maging contestant sa "Bawal Judgmental" sina Christopher de Leon, Iza Calzado, at Sylvia Sanchez na COVID-19 survivors.

Kaso, Kapamilya ang mga ito.

GORGY RULA

Mukhang inayos at talagang kinarir ito nang husto ng production staff ng Eat Bulaga.

Nakikita namang safe, at sumusunod sila sa guidelines at safety protocols.

Pero iba talaga yung may audience at magkakalapit ang choices na pinaglalaruan nina Jose, Wally, at Paolo.


Continue reading below ↓

Hindi pa nila masasabi sa ngayon kung kailan na puwedeng mag-live sa studio sina Bossing Vic at Tito Joey dahil senior na kasi sila.

Ganundin sina Ryza Mae Dizon at Baste na minors naman.

Ang abangan natin, ang pinaghandaan nilang topic sa "Bawal Judgmental" sa Hunyo 13, Sabado.

Pasabog itong pantapat sa first day ng It’s Showtime sa Kapamilya Channel!

NOEL FERRER

Live ang Eat Bulaga! at aabangan natin ang pagbabalik ng It’s Showtime.

Kahit uneven ang audience, base kasi free TV airing versus cable, GOOD CONTENT pa rin ang kakapitan ng mga tao.

Titingnan natin kung saan pupunta ang advertisers, na sila mismo ay nagko-cost cutting din.

Tunay ngang nasa iba’t iba na ang arena ng competition.

Pati Facebook at OnLine media ay ibang players din!

Ang dami nang options ng mga tao. Saan kaya pupunta ang audience sa puntong ito?

RELATED STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Continue reading below ↓

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Upang masiguro ang kaligtasan ng hosts at contestants sa "Bawal Judgmental," nagpagawa ng giant shield ang Eat Bulaga.
PHOTO/S: Screen grab from GMA-7
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results