Iza Calzado, nag-donate ng dugo ngayong Araw ng Kalayaan

by PEP Troika
Jun 12, 2020
Iza Calzado: “Ahh, ang sarap sa pakiramdam na nagbigay ka ng bahagi ng dugo mo, ng buhay mo, ng energy mo sa isang tao na nangangailangan talaga nito. So, try niyo po!”
PHOTO/S: Courtesy of Iza Calzado

JERRY OLEA

Nag-donate si Iza Calzado ng isang bag ng dugo ngayong Hunyo 12, Biyernes, Araw ng Kalayaan, sa UP PGH, Manila.

Ano ang nag-udyok sa kanya para mag-donate?

“Noong nasa ospital ako at nagkaroon ako ng COVID-19, at nalaman ko na puwedeng makatulong ang plasma ng mga survivors, ahhh... para sa mga meron ding COVID-19 na in critical condition, alam ko na sa puso ko na gusto kong mag-donate,” tugon ni Iza, habang hawak ang bag ng dugo mula sa katawan niya.


Continue reading below ↓

Ano ang pakiramdam niya matapos siyang mag-donate ng dugo?

“Napakaraming tao ngayon ang nangangailangan ng dugo natin!” bulalas ng 37-anyos na aktres.

“Hindi lang po COVID-19 patients ang nangangailangan ng plasma.

"Marami pang ibang klase ng sakit ang pinagdaraanan ng ating mga kapwa Pilipino.

“Kaya sana po ay mag-donate kayo. Sana po, kung kayo ay tinatawag ng inyong puso at damdamin para makapagbigay ng dugo para sa iba, gawin n’yo po.

“Ako po ang makapagsasabi, kasi first time kong mag-donate, na ang sarap po ng feeling!

“Ahh, ang sarap sa pakiramdam na nagbigay ka ng bahagi ng dugo mo, ng buhay mo, ng energy mo sa isang tao na nangangailangan talaga nito.

“So, try niyo po!” nakangiting paghihikayat ni Iza.


Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ganoon din ang nasa puso ng mga iba pang celebrities na dinapuan ng coronavirus.

Isa sa mga pangako nila pagkalabas ng hospital ay magdo-donate sila ng kanilang plasma kapag puwede na.

Ang mag-asawang Art Atayde at Sylvia Sanchez ay nagparating na ng mensahe sa Cardinal Santos Medical Center na magdo-donate sila kapag puwede na.

Pero hindi pa sila ina-allow sa ngayon.

Sabi ni Sylvia, anytime ay tatawagin lang siya kapag puwede na siyang kuhanan ng dugo.

Ganoon din ang gustong iparating ni Christopher de Leon.

Pero kailangan niyang magpalakas pa at tiyaking healthy siya bilang paghahanda sa pagbabalik-trabaho niya sa taping ng teleseryeng Love Thy Woman.

Bukod sa frontliners ay dapat ding bigyang papuri ang kabayanihang ipinapakita ng COVID patients na nag-donate ng kanilang dugo.

Sa totoo lang, kahit napakasakit ang idinudulot nitong COVID-19, lumalabas ang kabutihan at kadakilaan ng mga tao.

NOEL FERRER

Nang tawagan ako ng talent kong si Izadora noong tanghalian, sinabi niyang hindi madali at talagang butil-butil na pawis ang naranasan niya sa pagdo-donate.

Continue reading below ↓

Noon pa sana ito, pero naantala dahil kinailangan niyang magpagaling nang lubos at pataasin ang kanyang hemoglobin count.

Napaka-significant ng araw ng pagdo-donate niya ng dugo dahil sa Araw ng Kalayaan.

Ang dasal niya, sana sa pamamagitan nito ay makaambag siya sa paglaya natin sa pandemyang ito.


Continue reading below ↓

At walang dudang dugong Pinoy ito (hindi mula sa China) dahil sa huli’t huli, walang ibang magtutulungan kundi tayong mga Pilipino rin lamang.

Salamat, Iza (at sa iba pang taga-industriya natin tulad ni Papa Boyet de Leon) na naghandog ng tulong nilang dugo para sa ating mga kababayan!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Iza Calzado: “Ahh, ang sarap sa pakiramdam na nagbigay ka ng bahagi ng dugo mo, ng buhay mo, ng energy mo sa isang tao na nangangailangan talaga nito. So, try niyo po!”
PHOTO/S: Courtesy of Iza Calzado
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results