Vice Ganda sa pagbabalik ng It's Showtime: "We are back! We are so back!"

by PEP Troika
Jun 13, 2020
Vice Ganda on return of It's Showtime: “We are back! We are so back! Na-miss ko ang studio’ng ito! Na-miss ko kayong lahat!”

JERRY OLEA

“Balik-Hunyo Normal” ang paandar ng ABS-CBN sa Kapamilya Channel nitong Hunyo 13, Sabado.

Pinanood namin ang pagbabalik ng noontime program na It’s Showtime sa cable channel na Jeepney TV.

Humataw ang Streetboys na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario na parehong naka-face mask.


Naka-face shield sina Ion Perez at Jackie Gonzaga sa pagsayaw ng "Bawal Lumabas: The Classroom Song," kasabay si Ryan Bang na nasa kanyang bahay.

Continue reading below ↓


Sama-sama rin sa pag-indak sina Karylle, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta na pawang naka-face shield.


Continue reading below ↓

At panghuli ang nag-iisang Vice Ganda na naka-face shield din.


Kapagkuwan ay sabay-sabay na sa pag-indak pero may social distancing sa studio ang walong hosts.

“We are back! We are so back! Na-miss ko ang studio’ng ito! Na-miss ko kayong lahat!” pambungad na hanash ni Vice.

Nagtanong si Vhong kung pwede silang mag-group hug. Siyempre, no touch ang yakapan nila.

Continue reading below ↓

Pinaghandaan ni Vice ang kanyang OOTD at ang kanyang hirit, “Sinong magsasabi na may pinagdadaanan tayo sa hitsura ko?”

Iyong “kurtina” sa sumbrero ni Vice ay nakasara noong una.


Isasara sana niya uli iyon nang magbago ang isip niya...

“Wag na! ‘Wag na! Bukas na nga tayo, isasara pa?!” tili ni Vice.

Continue reading below ↓

Bakas sa mukha ng It’s Showtime ang kaligayahan.

Sabi pa ni Vice, “Masayang-masaya tayo. Walang pagsidlan ang mga puso natin. Ang saya! Inaantay natin ‘to!”

Inaasam ni Vice na sana’y walang hadlang sa pagpapalabas ng It’s Showtime.

Trending ang pagbabalik ng It’s Showtime.

“We feel your love!” sabi ni Vice.

Ang studio contestants ay sumailalim sa quarantine at rapid testing.

Ang mga unang kalahok sa palarong "Pamilyanaryo" ay nominated ng kanilang barangay captain sa Caloocan City.

Naka-face shield din sila, at malayo sa hosts na sina Vice, Vhong, at Jhong.


Continue reading below ↓

May pampabuwenas agad na P10,000 sa kanila, plus P6,000 sa challenges na nagawa nila.

May “X” na nakuha ang contestants, kaya babu na sa P1M, pero may chance pang maka-P100K.

Sa T"anggap o Tanggi," nag-alok ng P30K si Vice.

Pag Tanggap ng P30K, tigil na ang laro.

Tanggi ang pinili ng babae. Aba, 0 ang lumabas.

Nag-alok ng P50K si Vice kung Tanggap o Tanggi. Tanggi pa rin.

P60K na sa Tanggap o Tanggi? Tanggi pa rin. P65K...

Tanggap o Tanggi? Tanggap na!!!

P81K ang total na napanalunan!

Kumusta kamo ang commercial load ng It’s Showtime?

Siksik at liglig ang in-house ads ng Kapamilya programs and promos.

GORGY RULA

Sa opening number ng It’s Showtime, nagsimula naman ang "Bawal Judgmental" ng Eat Bulaga.

Si Pia Arcangel ang naglaro at ang choices ay mga COVID-19 survivor.

Sa totoo lang, ang daming natutunan sa kuwento ng bawat survivor na nagbabagi ng kani-kanyang karanasan nang dinapuan sila ng nakakamatay na sakit.

Continue reading below ↓

Ang unang tanong pa naman ay may apat na less than two months pa lang na gumaling sa COVID-19.


May isang limang araw pa lang gumaling, pero ang nakakatuwa sa hosts na sina Jose Manalo, Paolo Ballesteros, Wally Bayola, Maine Mendoza, at Alden Richards, hindi mo nakitaang parang umiiwas sila kahit nagtanggal na sila ng face mask.

Continue reading below ↓

Nasa plastic booth ang choices, kaya safe na safe naman.

Pero kampanteng-kampante lalo na ang mga Dabarkads na sina Paolo at Jose na siyang lumalapit sa survivors.


Base sa mga kuwento ng bawat isa, nakakaramdam ka ng takot na feeling mo, posibleng mahawa ka rin.

Pero marami akong natutunan sa mga kuwento nila, at lalo mo pang sasaluduhan ang frontliners na nag-alaga sa kanila.

Continue reading below ↓

Karamihan pa sa choices ay frontliners din.

Itong "Bawal Judgmental" ay binuo na ang naturang noontime show. Kahit hindi na sila magpa-contest pa!

NOEL FERRER

Mamaya, aabangan ko ang show ng ating mahal na si Judy Ann Santos-Agoncillo na “Paano Kita Mapasasalamatan” at 6:45 P.M. na isang feel good, inspiring at heartwarming na programa.

Malaki pa rin ang disparity ng cable at free TV audience kaya iba pa rin ang ad rates niyan.

At least, di ba, may fresh entertainment shows na papanoorin.

Sa GMA-7 kaya na merong franchise, mas okay na replay na muna o magpe-fresh episodes na rin ba?

O mas malaki ba ang kita ng full load ads with no cost na replay episodes na lang?

Hanggang kailan kaya?

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on return of It's Showtime: “We are back! We are so back! Na-miss ko ang studio’ng ito! Na-miss ko kayong lahat!”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results