Dulang Wanted: Male Boarders, ginamit ang "Bawal Lumabas" song ni Kim Chiu

by PEP Troika
Jun 15, 2020
Lance Reblando, Ross Pesigan, Stephen Viñas, AJ Sison, (clockwise from left, in poster), umindayog sa "Bawal Lumabas" song sa online edition ng Wanted: Male Boarders.
PHOTO/S: Wanted: Male Boarders Facebook

JERRY OLEA

Cover version ng "Bawal Lumabas (The Classroom Song)" ang sinayawan nina Ross Pesigan, AJ Sison, at Stephen Viñas sa "vidjokol" edition ng dulang Wanted: Male Boarders.

Ito ay bahagi ng mga dula ng "The Virgin LabFest: Kapit," na itinanghal sa Vimeo noong 5:00 P.M. ng Hunyo 10, Miyerkules.

Ang 16th Virgin LabFest (VLF) ay theater productions ng Cultural Center of the Philippines (CCP), sa pakikipagtulungan ng The Writer’s Block at Tanghalang Pilipino.

Ang Wanted: Male Boarders ay isa sa tatlong “Revisited” plays ng very first online edition ng VLF. Ang dalawa pa ay ang Fangirl at Anak Ka Ng.

Nang itanghal ang Wanted: Male Boarders last year sa CCP Little Theater, ang kantang "Buwan" ni Juan Karlos “JK” Labajo ang background music, kung saan umindayog sa opening ang tatlong boarder sa Indang, Cavite.

Nandiyan naman ang "Corona Ba-Bye Na" ni Vice Ganda, pero mas swak bilang "quaranthem" ang awit ni Kim Chiu.

Continue reading below ↓

For Adults Only ang Wanted: Male Boarders, kung saan agaw-eksena pa rin si Lance Reblando bilang Melody.

May special participation dito si JC Santos. Idinirek ito ni George de Jesus III, mula sa panulat ni Rick Patriarca.

Itatanghal ito muli, 8:00 P.M. ng Hunyo 27, Sabado.

May sampung bagong dula sa "VLF 2020 Kapit: Lab in the Time of Covid (A Virtual LabFest Lockdown Edition)."

Kabilang dito ang Doggy, Titser Kit, Blackpink, Gin Bilog, at Mayang Bubot sa Tag-araw.

Gayundin ang Boyboy and Friends Channel, Paano Turuan Ang Babae Humawak ng Baril, Pilot Episode, Dapithapon, at Multiverse.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nakakabilib na in-approximate ng pamunuan ng Virgin LabFest at CCP na ituloy ang theater experience sa kabila ng ating lockdown.

Nakakapanibago lang talaga ang online experience. Ibang-iba pa rin ang live performance.

Sabi nga ng mga artista, bukod sa energy na nakukuha nila from the audience at co-actors, nakaka-miss ang tumatalsik na laway ng mga kasama nila sa eksena.

In any case, nadaanan ko ang lahat ng bagong dulang palabas na available na sa VIMEO, sa halagang PHP100 o PHP200 pesos lang lahat!

Maaring tingnan ang official site ng CCP o Virgin LabFest para sa complete guide ng mga palabas.

Natuwa ako sa Dapithapon, Titser’s Kit, Pilot Episode, at Multiverse.

Maliban sa taped performances, magkakaroon ng isa pang round ng live performances sa week ng June 23 to 28 (Martes hanggang Linggo).

Kaya suportahan po natin ang Virgin LabFest 2020. Kapit lang!

GORGY RULA

Totoo kayo! Nakakabilib itong ginawa ng taga-Virgin Labfest at CCP na nairaos nilang magbigay ng ganitong palabas online.

Continue reading below ↓

Curious lang ako kung iba ba ang talent fee ng artists dahil hindi naman sila nakapag-perform nang live?

Karamihan kasi sa mga atista ngayon na engaged sa mga digital shows, napakababa ng honorarium nila.

Ang ibang kilalang artista ay nakakatanggap lamang ng PHP3,000 thousand hanggang PHP5,000 bilang honorarium sa pag-appear nila sa ilang Facebook live chat at live performance online.

Ang iba ay wala talagang talent fee dahil fundraising project naman.

At isa pa, sana malaman na rin natin kung nakatanggap na rin ba ng ayuda ang stage performers mula sa mga donasyon sa iba’t ibang fundraising shows na napanood natin noong naka-ECQ pa tayo.

Mabuti pa ang ilang kilalang artista, medyo nakakaraket sa ilang endorsements sa social media.

Pero itong mga nasa entablado, pati na rin ang stand-up comedians sa mga sing-along bars na nagsara, wala na talaga.

Kaya sana, may maisip pang mga project na puwede silang magamit para kahit paano ay nagkakaroon pa rin ng konting kita, at napapanood pa rin silang nagpi-perform.

Continue reading below ↓

Sayang ang mga talent nila na hindi nagagamit at hindi nakapagbigay ng kasiyahan sa sambayanan.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lance Reblando, Ross Pesigan, Stephen Viñas, AJ Sison, (clockwise from left, in poster), umindayog sa "Bawal Lumabas" song sa online edition ng Wanted: Male Boarders.
PHOTO/S: Wanted: Male Boarders Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results