Dating ABS-CBN broadcaster, binira ang pagpapalabas ng Kapamilya Channel sa cable

by PEP Troika
Jun 15, 2020
Jay Sonza on ABS-CBN: "dating dambuhalang ibon ng brodkasting, kalapati na lang na ‘NAKIKIPALABAS’ sa mga local cable Channel."
PHOTO/S: It's Showtime Facebook

JERRY OLEA

Hunyo 4, Huwebes ng gabi, ibinalita sa TV Patrol na babalik ang ilang programa ng ABS-CBN simula Hunyo 13 sa Kapamilya Channel.

Nang gabing iyon din ay sinabihan ako ng isang insider na nakikipag-negotiate ang ABS-CBN sa Cignal TV para ipalabas ang mga programa ng Kapamilya Channel — sa pangunguna ng FPJ’s Ang Probinsyano, It’s Showtime, ASAP Natin ‘To, Love Thy Woman, A Soldier’s Heart, at Magandang Buhay.

Tweet ng Cignal TV nitong Hunyo 15, Lunes ng umaga: “We are still in discussions with ABS CBN, we will keep you posted. Stay tuned on our website or social media accounts for updates.”

Napanood natin ang It’s Showtime sa Jeepney Channel (TV Plus) noong Sabado.

Kaso, iyong ASAP Natin ‘To at iba pang mga programa ay wala sa Jeepney Channel noong Linggo.

Nag-trending man ang pagbabalik ng ASAP Natin ‘To, nalungkot ako na wala ito sa TV Plus na kilala rin bilang mahiwagang black box.

Continue reading below ↓

Facebook post ng dating ABS-CBN broadcaster na si Jay Sonza noong Hunyo 13, Sabado, “Patuloy sa panlalansi at panlilinlang ang abs cbn network sa pagsasabing babalik na sila sa ere ngayon.

“They are merely content provider of their own illegal cable and telecoms business. They will now offer it free to local cable providers to entice them and later charge these providers for subscription...

“Ang katotohanan - Hindi sila umeere (not on the air) sa himpapawid o sa TV na may antenna. Sila ay lalabas sa kanilang sariling illegal skycable channel 2 o KBO-TV plus na binansagang nilang kapamilya CABLE channel (may bayad/bumili ka TV plus o kbo/pakabit ka ng skycable o skydirect).

“Hindi po sa FREE TV (libre/walang Bayad) na Channel 2 VHF dahil wala na sa kanila ang nasabing himpilan at kumpiskado na ng NTC o gobyerno.

“Pabayaan na natin silang lokohin ang sarili nila. After 3.months susuko rin iyan dahil tiyak hindi sasapat ang kikitain nila sa gagaatusin nila.”

Continue reading below ↓

Shout out ni Jay sa FB nitong Hunyo 15, Lunes, “kapamilya network. dating dambuhalang ibon ng brodkasting, kalapati na lang na ‘NAKIKIPALABAS’ sa mga local cable Channel.”

Naniniwala ba kayo na hanggang tatlong buwan lang ang “pagbabalik” ng ABS-CBN programs via Kapamilya Channel?

O umaasam kayo na sa lalong madaling panahon ay mare-renew ang franchise ng ABS-CBN Network?

GORGY RULA

Ang daming nagmamagaling, ang daming hanash!

Ang mahalaga lang dito ay may napapanood na bago ang taumbayan.

Sinisikap ng ABS-CBN na meron pa rin silang maipalabas kahit saang venue.

At least, may trabahO at may ginagawa ang ilang Kapamilya stars.

Kaya hinihintay na rin at marami ang nangungulit kung kailan naman magsisimula ang mga programa ng Kapuso shows.

May ilan akong napagtanungan, malapit na raw bumalik ang All-Out Sundays.

Kinulit ko rin ang ilang Kapuso stars, naghihintay lang daw sila ng pasabi kung kailan na sila magre-rehearse.

Gustung-gusto na rin nilang bumalik, pero naintindihan nila na tinitiyak lang ng Kapuso bosses na safe na ang lahat at masunod ang guidelines at safety protocols.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

At least, may work na ang ibang Kapamilya stars and staff, at nauna na silang nag-safeguard sa mga health protocols.

Can we expect GMA (who ironically has the franchise, ha) to follow suit soon?

Baka mas malaki ang kita by airing replays, in fairness!

Pero ang tanong ng talents: paano ang cash advance kung walang work?

JERRY OLEA

"FieSTARS" ang bagong pasiklab ng It’s Showtime, kung saan Hair-mana Mayor si Vice Ganda.

Lubhang makulay ang set, fiestang-fiesta! SIyempre pa, naka-face shield ang hosts at contestants sa studio.

“Maraming salamat sa mga tumutok sa ating pagbabalik noong nakaraang Sabado,” masayang bulalas ni Vice Ganda.

“Mga Kapamilya, madlang people, number 1 trending topic tayo sa buong Pilipinas at worldwide! Libu-libong mga tao ang tumutok din sa atin online... “

Sobrang dami! Maraming-maraming salamat!”

Brgy. Ugong ng Valenzuela City at Brgy. Tartaro ng San Miguel, Bulacan ang magkatunggali sa "Super FieSTARS: Ang Barangay Paligsayahan" this week.

Continue reading below ↓

Beauty-hing Mutya ang salpukan kung Lunes.

Haha-happy Fiesta kung Martes.

Fliptapatan kung Miyerkules.

Community Quaran-King kung Huwebes.

Kakaibanggaan kung Biyernes.

Palong-palong Palaro naman kung Sabado.

Ang barangay na may pinakamaraming fun-alo points ang kikilalaning Fiestar of the Week.

Sa unang commercial gap, panay in-house ang mga patalastas sa It’s Showtime.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jay Sonza on ABS-CBN: "dating dambuhalang ibon ng brodkasting, kalapati na lang na ‘NAKIKIPALABAS’ sa mga local cable Channel."
PHOTO/S: It's Showtime Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results