Nora Aunor, namigay ng food packs sa stranded OFWs

by PEP Troika
Jun 16, 2020
500 food packs ang ipinadala ng Superstar na si Nora Aunor sa mga stranded OFWs na pansamantalang tumutuloy sa Villamor Air Base. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ang mga OFWs.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook

GORGY RULA

Tahimik lang ang original Superstar na si Nora Aunor.

Pero lagi pala siyang namimigay ng tulong sa mga talagang nangangailangan ngayong panahon ng pandemya.

Ayaw na niyang idetalye ang mga barangay na napadalhan niya ng food packs.

May ilang staff ng Bilangin ang Bituin sa Langit na binigyan din niya ng financial assistance.

Naawa si Nora dahil ilang buwan nang hindi pa rin nakakabalik sa taping ang kanilang afternoon drama series, at marami sa mga staff ang wala nang kinikita.

Pero tahimik lang ang aktres at ayaw itong pag-usapan.

Nitong Hunyo 15, Lunes, ay naghanda si Nora ng food packs na pang-lunch.

Ipinadala niya ito sa mga OFWs na stranded sa NAIA dahil sa ilang beses nang nakansela ang kanilang flight pauwi ng Mindanao.

Awang-awa si Nora nang napanood niya ito sa news, kaya naghanda siya ng mga pagkain para ipadala sa kanila.

Naghanda siya ng 500 food packs na ipinadala sa mga stranded OFWs na pansamantalang tumutuloy sa Villamor Elementary School, at ang ilan daw ay nasa golf course ng Villamor Air Base.

Continue reading below ↓


Umabot pa raw sila sa may Baclaran church na pinadalhan din ng pagkain.

May 200 supot din daw ng bigas na ipinadala ang Superstar sa mga kababayan niyang hindi nakauwi ng Bicol.

Hindi na sumama ang 67-year-old actress sa pamamahagi ng food packs dahil sumusunod siya sa utos na huwag munang lumabas ang mga senior citizens.

Continue reading below ↓

Sa tulong ng ilang kaibigan at staff, naipamahagi nila ang food packs para mapakain ang mga OFWs.

Nang nalamang ito ng ilang fans ni Nora, nagpahabol pa sila ng pagkain para ipadala roon.

Isang mayamang fan at kaibigan din ni Ate Guy ang nagpahabol ng tatlong libong boiled eggs at tinapay na ipinadala sa Villamor Elementary School at sa Baclaran Church.

Natutuwa ang Superstar dahil pagdating sa ganitong gawain ay nakikiisa ang kanyang loyal fans.

NOEL FERRER

Hindi tayo magsasawang magpasalamat at magbigay ng papuri’t paghanga sa mga taong katulad ng ating mahal na Superstar Nora Aunor, pati na ang mga tagahanga at tagasuporta niya, sa lahat ng mga kababayang naapektuhan ng pandemya.

Hindi pa tapos ang laban. GCQ pa rin tayo.

Day 94 na ng ating quarantined lives, at ang dami-dami pang ganap sa buhay ng mga Pilipino na nakapanlulumo, ngunit ang bayanihang ganito ang nagpapataas ng ating morale at pag-asa!

Continue reading below ↓

Kaya pa ba? Pinoy tayo, kakayanin natin ito!

JERRY OLEA

Bongga ka, Superstar!

Totoo ang tsismis, likas na mapagbigay si Ate Guy!

Super-salamat tayo sa super-ayuda ni Nora! Mabuhay!

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
500 food packs ang ipinadala ng Superstar na si Nora Aunor sa mga stranded OFWs na pansamantalang tumutuloy sa Villamor Air Base. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi sa kani-kanilang mga probinsiya ang mga OFWs.
PHOTO/S: Noel Orsal / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results