"Marupork" na bading, nalabanan ang tukso ng laman ngayong may pandemic

by PEP Troika
Jun 16, 2020
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Porke ba mataba, mayaman agad?

Biru-biruan na ang paglapad ng katawan ng isang tao ay “sign of prosperity.”

Of course, hindi iyon totoo sa lahat ng kaso.

Pero ang isang matabang bading na namamayagpag sa ating lipunan ngayong panahon ng pandemya, sadyang yayamanin.

E, kasi naman, likas ang kanyang dunong.

Hindi “mamaru” as in nagmamarunong.

Mas ginagamit niya ang kanyang utak kesa sa kanyang puso.

Nilabanan niya ang tukso ng laman sa panahon ng COVID-19.

Pinagbintangan siyang “marupork”—pinaghalong marupok at pork.

Ayon sa isang boogie wonderland, bago idineklara ang community quarantine sa NCR, madalas magpa-deliver ng karneng hilaw ang "marupork" na bading sa paborito niyang hotel na may casino.

“Basketball players na magaling mag-dribble at mag-3 points ang bet ni mama!” palatak ng boogie wonderland.

‘Tsurang nasa Dreamland ng Netflix series na Hollywood ang pinaratangang "marupork" na bading.

Pero vindicated si mama!

Sarado ang hotel casino, nakapagtiis siya.

Continue reading below ↓

Batid niya na may panahon para sa lahat.

Ngayon ay panahon ng paghihinay-hinay, pero pasasaan ba’t darating ang panahon para maghimay-himay.

Naturingan man siyang "marupork" na bading, sa kanya pa rin ang huling hagakgak.

NOEL FERRER

Korek ka diyan, Tito Jerry!

Kaya huwag niyang gawing punchline ang isang personalidad na ngayo’y kilala na bilang "Pop-Out Queen" dahil kahit hindi pa umaamin ay biglang nakitaan ng nagtsutsuktsakan na mga mhin sa video nang mag-selfie ito.

Baka magkasagutan sila at magkabukingan ng mga itinatatagong sikreto ng maimpluwensiyang tao.

Ay naku, masayang balitaktakan iyan kung nagkataon!

GORGY RULA

May marupork, may mariposa, may marupokpok... wala siyang pakialam.

Ang mahalaga, masaya siya. Keber ba!

Tingin ko naman, wala siyang itinatago.

Hindi nga lang niya ipinangalandakan dahil sa kanyang katayuan sa lipunan.

Iyon lang, dapat mag-ingat siya sa bogaloo na ang hilig magbigay ng kuwento sa mga kaibigang reporters.

Ang style pa ng ilang bogaloo, mahilig mag-alok ng mga kilalang guwapo at kilalang celebrities.

Continue reading below ↓

Kapag kumagat si bading, maghahanap ng ilang guwapong pumapatol at yun ang dinadala.

Ang drama na lang nila, hindi puwede si guwapong celebrity na kesyo may taping pala, o ayaw sa presyo.

Itong dala niyang guwapo, kesyo mura lang pero kartada diyes!

Wala nang magawa si bading kundi tanggapin na lang dahil guwapo naman.

Pero nagamit na ang pangalan ng ilang male celebs kahit hindi sila pumapatol sa ganung raket.

Kaya mag-ingat ding makipag-deal sa nga bogaloo na di kilala.

Mas mapagkakatiwalaan yung tahimik lang pero bongga ang paninda.

MORE PEP TROIKA STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results