Mayor Vico Sotto, ayaw ng surprise party ngayong 31st birthday niya

by PEP Troika
Jun 17, 2020
Ngayong araw, June 17, ang 31st birthday ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Pero sa halip na regalo para sa kanyang sarili, grocery foodpack na ipapamamahagi sa mga nangangailangan ang hiling niya.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

JERRY OLEA

Umaga pa lang ng Hunyo 17, Miyerkules, libu-libo na ang bumabati kay Pasig City Mayor Vico Sotto sa kanyang ika-31 kaarawan.

Ang message ni Mayor Vico sa Facebook nitong 9:04 A.M., “Maraming salamat po sa lahat ng bumati at sa mga babati pa lang!

“Sa mga nagtatanong kung ano ang gusto kong regalo, bumili na lang po kayo ng grocery foodpack at ipamigay sa nangangailangan (pwede nyo i-drop off sa RED o sa mayor's office; kung ano ang mas convenient)

“Pakiusap na wala munang celebration o surprise party.

"Hindi naman ako mahilig sa party at higit pa rito, bawal pa ang mga mass gathering.. buhay na buhay pa si Covid mga kaibigan!

“Papunta na po akong opis ngayon. Kung may binabalak kayo, itigil niyo na yan!”

Mabuhay ka, Mayor Vico!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Maligayang bati sa Pasig Mayor, na ngayon pa lang ay sinasabing puwede nang i-groom bilang mahusay na Presidente ng ating bansa sa hinaharap!

Salamat sa malikhain, holistic, at forward-looking na mga programa para sa iyong constitutents Sana, all.

GORGY RULA

Noong huli naming nakatsikahan si Bossing Vic Sotto, halatang nami-miss na niya ang kanyang mga anak.

Gusto man niyang makita at makasama sa lunch o dinner si Mayor Vico, alam ni Bossing na mahirap dahil abala pa ang anak sa Pasig.

Maraming kailangang gawin si Mayor Vico para sa mga Pasigueño, lalo’t andiyan pa rin ang COVID-19.

Pero sobrang proud si Vic sa lahat na ginagawa ng anak.

Ang isa pang nakakatuwa kay Mayor Vico, noong binati niya sa FB live ng Eat Bulaga! ang daddy nang magdiwang ito ng kaarawan noong nakaraang April, ang una niyang hinanap ay si Baby Talitha.

Nakikita mong miss na rin ni Mayor Vico ang baby sister niya.

Continue reading below ↓

Ang isa pang narinig ko, ayaw payagan ni Mayor Vico ang mommy niyang si Coney Reyes, na senior citizen na, na mag-taping nang naka-lock in ng ilang linggo kung sakaling bumalik ang taping ng Love of My Life.

Hindi pa naman nagbabalik-taping ang mga drama series ng GMA-7, nagpasabi na raw si Coney na hindi siya puwedeng ma-lock in nang matagal sa taping.

Ayaw raw siyang payagan ni Mayor Vico.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ngayong araw, June 17, ang 31st birthday ni Pasig City Mayor Vico Sotto. Pero sa halip na regalo para sa kanyang sarili, grocery foodpack na ipapamamahagi sa mga nangangailangan ang hiling niya.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results