Tony Labrusca at JC Alcantara, latest Pinoy Boys Love series love team

by PEP Troika
Jun 17, 2020
Tony Labrusca (left) and JC Alcantara (right) will be paired for the Pinoy Boys' Love series Hello, Strangers.
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

AlcanTon ang bida sa unang Boys’ Love (BL) series ng Black Sheep, ang Hello, Stranger.

Ang AlcanTon ay blending ng JC Alcantara at Tony Labrusca na magka-tandem sa nasabing digital series, sa direksiyon ni Petersen Vargas.

Post ni JC nitong Hunyo 16, Martes ng gabi, sa Facebook, “Yess! Thank you Lord. Sobrang happy at blessed ako na maging part ako nitong show nato!

“Dati pangarap ko lang na mapasama ako sa projects ng Star Cinema and Blacksheep everytime na may blockscreening sila yun lagi nasasabi ko, ayun na nga God is Good talaga natupad din isa sa mga pangarap ko!

“Maraming salamat @black_sheepph family sa tiwalang binigay nyo sakin, gagalingan ko para dito at ibibigay ko lahat ng best ko para dito! Maraming salamat.

"Sana po ay magustuhan nyo itong surprise na ito!”

Continue reading below ↓

Kailan ba mapapanood itong Hello, Stranger?

“Coming to you real soon!” pangako ng Kapamilya na si Mico del Rosario sa FB nitong Martes.

Mauna pa kaya ito sa Boys’ Love series ng KoLex (Kokoy de Santos at Alex Diaz) na Oh, Mando! directed by Eduardo “Edong” Roy Jr.?

Naka-four shooting days na ang Oh, Mando! nang matigil dahil sa community quarantine sa NCR.

“Inaayos na po namin ang dates ng resume ng shoot,” sabi ni Direk Edong nang maka-chat namin nitong Hunyo 17, Miyerkules ng tanghali, via Messenger.

Kahit nakaapat na araw na ng shooting ang Oh, Mando! ay hindi pa nakukunan ang karamihan ng mga eksena sa first epidode nito, kaya hindi pa ito puwedeng ipalabas sa iWant TV.

Continue reading below ↓

Samantala, ang Episode 4 ng Gameboys ay matutunghayan na sa Hunyo 19, Biyernes, sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

Magkikita na ba sa personal ang CaiReel (Cairo + Gavreel) na parehong bagong paligo?

May kissing scene na kaya sina Elijah Canlas at Kokoy de Santos?! O mananaig muna sa kanila ang social distancing?!

Continue reading below ↓

Ang Episode 4 naman ng Sakristan titled "Thick and White" ay mapapanood sa Hunyo 21, Linggo, sa YouTube channel ng VinCentiments.

Official couple na ang ZaChristian (Zach + Christian).

Ang mga litrato nila na naka-modern barong (likha ni James O’Briant) ay tila pahiwatig ng kanilang pag-iisang dibdib.

Nakakakilig din ang litrato nina Clifford Pusing at Henry Villanueva na magkatabi at topless sa kalaliman ng gabi.


Continue reading below ↓

Sabi ni Direk Darryl Yap, kagaya ng Episode 3 ay intense ang Episode 4 ng Sakristan. Kapana-panabik!

NOEL FERRER

All of these are happening during the Pride Month celebration.

Bakit kaya yumabong ang mga ganitong panoorin?

To be fair, bakit ang mga lesbian stories ay hindi naman napagtutuunan ng ganito karami?

Bakit parang suki na si Tony Labrusca sa mga ganitong tema?

Sobrang effective yata siya sa ganitong kuwento. Bentang-benta!

GORGY RULA

In-announce na ba nilang gay ang role ni Tony Labrusca sa Hello, Stranger?

Sa totoo lang, ang ibang aktor na hindi nakaligtas sa isyung kabadingan ay umiiwas sa ganitong role para tuluyan nang malayo sa ganung isyu.

At least, hindi sensitive si Tony sa ganoong intriga kung napatunayan naman niyang mali ito at tsismis lang.

Sunud-sunod na BL Series na naman itong mapanood natin ngayon, hanggang sa magkasawaan na naman.

Sana mag-isip naman ng iba pa.

JERRY OLEA

Continue reading below ↓

Sa Hunyo 28 ang ika-51 anibersaryo ng Stonewall riots sa Greenwich Village ng Manhattan, New York City.

Iyon ang mitsa ng gay liberation movement at makabagong pakikibaka para sa LGBT rights sa Amerika.

Kaya nga tuwing Hunyo, ipinagdiriwang ang Gay Pride.

Swak dito ang mga Pinoy BL series, kung saan frontrunners ang Gameboys at Sakristan.

Ang Episode 1 ng Gameboys titled "Pass or Play" ay naka-694K views na mula nang in-upload noong Mayo 22 sa YT.

Ang Episode 2 ng Gameboys titled "Game of Love" ay naka-546K views na mula nang in-upload noong Hunyo 3.

Ang Episode 3 ng Gameboys titled "Strangers Online" ay naka-439K views na mula nang in-upload noong Hunyo 12.

92.4K ang subscribers ng YouTube channel na The IdeaFirst Company, kung saan streaming ang Gameboys.

Ang Episode 1 ng Sakristan titled "Touch-Move" ay naka-747K views na mula nang mag-premiere noong Mayo 31.

Ang Episode 2 ng Sakristan titled "Bangkok" ay naka-520K views na mula nang in-upload noong Hunyo 7.

Continue reading below ↓

Ang Episode 3 ng Sakristan titled "Cuerdas" ay naka-280K views na mula nang ipalabas noong Hunyo 14.

1.45M ang subscribers ng YouTube channel na VinCentiments, kung saan ipinapalabas ang Sakristan.

Ibang istorya kamo, Tito Gorgy?

May binubuong bagong konsepto si Direk Darryl Yap — pag-iibigan ng magpinsan.

Mag-cousintahan, gaya nina Rod (Christopher de Leon) at Nanette (Vilma Santos) sa pelikulang Tag-ulan sa Tag-araw (1975) na idinirek ni Celso Ad. Castillo.

Ang title... The Cousins. With emphasis on SIN.

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tony Labrusca (left) and JC Alcantara (right) will be paired for the Pinoy Boys' Love series Hello, Strangers.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results