Angel Locsin, mananatiling real-life Darna anuman ang hubog ng kanyang katawan

by PEP Troika
Jun 19, 2020
Sa kabila ng pang-aalipusta ng bashers sa katawan ngayon ni Angel Locsin, pinatunayan ng aktres na mas malaki ang puso niya sa mga nangangailangan.
PHOTO/S: Maubanin Ako Facebook

JERRY OLEA

Ang Pinakamatabang Darna!

Sumaisip iyan ng maraming netizens na nakakita sa mga litrato ni Angel Locsin na kumalat sa social media nitong Hunyo 19, Biyernes, ika-159 birth anniversary ng ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose P. Rizal.

“Napakaganda po niya!” sabi ng 41-anyos na Maubanin artist na si Tristan Bamba nang maka-chat ko nitong Biyernes ng tanghali via Messenger.

Nabulabog ang mga taga-Mauban, Quezon noong Hunyo 16, Martes ng umaga, sa pagdating doon ni Angel Locsin.

Para ito sa taping ng makabuluhang programa ni Angel na Iba ‘Yan na palabas tuwing Linggo sa Kapamilya Channel.

Well-documented ng Facebook page na “Maubanin Ako” ang pag-uuli (paglilibot) ni Angel sa nasabing bayan.

Na-repost sa nasabing FB page ang sketch ni Tristan kay Angel.

Continue reading below ↓

“Sa mga sakunang nangyari sa ating bansa, siya ay nariyan at gandang tumulong sa ating mga kababayan,” lahad ni Tristan.

“Nitong Martes, nagulat ang mga Maubanin sa pagdating niya sa aming bayan upang magbigay ng tulong.

“Na-inspire ako upang iguhit siya nang mabilis.

“Tunay siyang Darna. Superhero maging sa tunay na buhay.”

Inaalipusta ng iba ang katawan ni Angel...

“Para sa akin, sexy pa rin po siya. Kasi, balance naman po ang katawan niya sa kanyang height,” tugon ni Tristan.

“Mananatili po siyang Darna na sakto sa pagkatao.

“Salamat sa pagbisita, Darna! Mahal ka ng mga Maubanin!”


Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Nasa punto tayo sa buhay natin na may acceptance sa anumang meron tayo—basta wala kang dinadaya at tinatapakang tao.

Kaya sino tayo para humirit pa ng kung anu-anong batikos kay Angel Locsin?

Mataba man siya, may angking ganda at buti naman siya.

Bukod sa pisikal na anyo, mahalaga sa akin na mataba ang puso ni Angel, na ating itinuturing pa ring modern-day hero.

Hindi sa make believe na komiks, pelikula o telebisyon... kundi sa tunay na buhay.

That's what matters now!

HOT STORIES

JERRY OLEA

“Jusmiyo hindi na tuloy ako nakapagsaing dahil dyaan kay Darna Hahaha”

Shout-out iyan ng admin ng FB page na Maubanin Ako noong Martes ng tanghali.

Martes ng hapon, na-post ni Jovelyn Sangcap sa Facebook ang mga litrato ni Angel na naghanda ng pagkain para sa isang pamilya sa Mauban.

“Napakadown to earth mo darna

"Sobrang nakakahiya na makipag usap sayo lalo na nung tinanong mo pangalan namin

Continue reading below ↓

"Pati future husband mo ang bait lalo narin po yung mga staff mo.

"Sana next time mahug naman kita with picture At sana mainterview nyo rin kami ” post ni Jovelyn.

Kasama ni Angel sa Mauban ang fiancé na si Neil Arce.

Dahil sa social distancing, bawal yakapin si Angel.

Continue reading below ↓

Miyerkules ng umaga, nag-courtesy call si Angel sa munisipyo ng Mauban.

Miyerkules ng hapon, namataan siya sa pantalan.

“Tamang gaur gaur laang sa pantalan si Darna mamimiwas yatang dilis hehehe,” post ng Maubanin Ako.

Continue reading below ↓

Huwebes ng umaga, nakunan ang mga litrato ni Angel na halatang-halata ang paglapad niya.

“May Angel sa Gat Uban,” sabi ng Maubanin Ako sa FB post nito.

Ang mga litratong iyon ang pinagpistahan sa Twitter at Facebook, kaya trending topics ngayong Biyernes ang “Darna” at “Angel Locsin.”

GORGY RULA

May ilan ding nag-post ng FHM sexy pictorial ni Angel at itinabi sa kasalukuyan niyang kuha.

Continue reading below ↓

Pareho lang naman daw na sexy yun.

Basta, siya pa rin daw ang pinakamagandang Darna, at ang laki raw ng katawan ni Angel ay nangangahulugan lamang na malaki ang puso niya sa mga taong nangangailangan.

Samantala, nasilip ko sa Kapamilya Channel ang trailer ng Iba 'Yan ni Angel, napakahaba nito.

Ipinakita ang mga teleseryeng pinagbidahan niya, pero ngayon ay nagtatalakay na siya ng mga inspiring na kuwento ng mga taong tumulong sa mga taong nangangailangan sa panahon ng pandemya.

Bumagay sa Kapamilya actress ang programang ito.

Maayos naman ang exposure ng programang ito, na napu-promote sa social media.

Pero hindi ito accessible sa televiewers dahil nasa cable channel ito, kaya siguro hindi pa ito napapasukan ng commercials.

RELATED STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng pang-aalipusta ng bashers sa katawan ngayon ni Angel Locsin, pinatunayan ng aktres na mas malaki ang puso niya sa mga nangangailangan.
PHOTO/S: Maubanin Ako Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results