Gameboys, mala-AlDub ang split-screen kiss; Sakristan, may steamy bathroom scene?

by PEP Troika
Jun 19, 2020
Gameboys (left, virtual kiss), mala-AlDub ang pakilig ng tambalang CaiReel; Sakristan (right, topless guys), magpapalabas ng love scene?
PHOTO/S: The IdeaFirstCompany Youtube / Daryl Yap Facebook

JERRY OLEA

Love and sex ang buod ng Episode 4 ng Boys Love series na Sakristan, na matutunghayan umpisa Hunyo 21, Linggo, sa YouTube channel ng VinCentiments.

Ayon sa direktor ng Sakristan na si Darryl Yap, ang unang episode nito titled "Touch-Move" ay tungkol sa love and faith. Pinagtagpo ng tadhana ang pasaway na si Zach (Clifford Pusing) at sakristan na si Christian (Henry Villanueva).

Ang second episode na pinamagatang "Bangkok" ay tungkol sa love and friendship. Nagsusungit man si Christian, unti-unting nagkamabutihan sila ni Zach.

Ang third episode na "Cuerdas" ay nagpahiwatig ng love and courage. SWAK (Sealed With A Kiss) ang pagsuong nila sa delikadong pag-ibig.

At sa fourth episode na "Thick and White," ipalalasap sa atin ng Za-Christian ang love and sex.

Continue reading below ↓

Maselan at mainit ang usaping ito dahil 16-anyos pa lang si Clifford. Okey lang kay Henry dahil 20-anyos na ito.

Inurirat namin ang ama ni Clifford na si Michael Pusing kaugnay ng mapangahas na tema ng fourth episode ng BL series.

“Lagi ko pong sinisiguradong aware po si Cliff,” sabi ni Daddy Michael nang maka-chat namin nitong Hunyo 19, Biyernes ng hapon.

“Ang story is about love... ke lalake or babae or parehong lalake, e, parehas pong nangyayari iyan.

“Open-minded po ako sa mga ganyang relationship, kasi, it happens naman po in real life.

“Well-guided po si Cliff. He knows na role lang po iyun na dapat niyang gampanan as an artist and an actor.”

Samantala, trending sa Twitter ang fourth episode ng isa pang BL na series na Gameboys nitong Hunyo 19, Biyernes ng gabi.

Mapapanood ito sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company.

GORGY RULA

Nakuha ng Gameboys ang mala-AlDub na pakilig sa kanilang fourth episode titled “One Who Is Victorious.”

Continue reading below ↓

May pa-heart sina Gavreel (Kokoy de Santos) at Cairo (Elijah Canlas) sa kanilang online chat.

Dagdag pang pa-cute ang pagnakaw ng virtual kiss ni Gavreel kay Cairo sa magkahiwalay na frame.

Ang cliffhanger, may bagong kalaro si Cairo: ang pogilicious na si Terrence, alias GavreelsOnlyLove.

Mas may come-on talaga sa BL series kung cute at magaling umarte ang mga bida!

Continue reading below ↓

Diyan magkakatalo pag lumabas ang iba pang bagong Pinoy BL series.

NOEL FERRER

Bukod sa paborito nating Gameboys dahil sa pulidong execution at mahusay na script, cliffhangers, at acting, ang dami na palang mga BL series na lalabas pa!

Ibig sabihin, dapat higitan pa nila ang standard na na-set ng Gameboys hindi lang sa viewership kundi sa production at critical buzz mismo.

Aba! Ang ku-cute ng CaiReel fan arts na naka-repost sa Facebook page ng The IdeaFirst Company.

In the end, katulad ng lagi kong sinasabi, ang panalo rito ay ang audience mismo! Pagalingan, pagandan, pa-fresh-an at pa-daring-an ang labanan!!!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Good-bye, AlcanTon... Hello, XavMi!

Sina Xavier (Tony Labrusca) at Mico (JC Alcantara) ang mga pangunahing tauhan sa BL series na Hello, Stranger, sa direksiyon ni Petersen Vargas.

Katunog o homophone ng ng “Save Me” ang XavMi na blending ng mga pangalan nina Xavier at Mico.


“There's this boy. And then there's another boy. And then, somewhere in there, love. If we could only tell this story the same way we tell other love stories. So here we are,” post ni Direk Petersen noong Hunyo 16, Martes ng gabi, sa kanyang Facebook account.

Continue reading below ↓

Maghe-hello ang BL series ng AlcanTon, este, XavMi sa Hunyo 24, Miyerkules, sa Facebook page at Youtube channel ng Black Sheep.

Hindi pa namin batid kung kailan ipapalabas ang BL series na My Day mula sa Oxin Films.

Pinagbibidahan ito ng mga baguhang sina Miko Gallardo (Bidaman finalist) at Aki Torres, sa direksyon ni Xion Lim.


Continue reading below ↓

Opo, Xion Lim ang pangalan ng direktor nito, hindi Xian Lim na ka-love team ni Kim Chiu at direktor ng Cinemalaya 2019 entry na Tabon.

As of this writing, naka-65.8K views na ang 53-second official teaser ng My Day, na in-upload noong Hunyo 9 sa YT channel ng Oxin Films.

Tatlong BL series ang ikinakasa ng Asterisk Digital Entertainment — My Extra Ordinary, A Kiss To Remember, at Boys Next Door.

Walong episodes ang My Extra Ordinary na istorya nina Shake (Darwin Yu) at Ken (Enzo Santiago)... ShaKen!

“Shake is very lonely and doesn't remember anything from his past until one day he meets a strange boy, Ken,” lahad ni Michael Louie Almacen nitong Friday night via Messenger.

“This will premiere in July on the all-new One TV, Colours, YouTube (AsterisK Digital channel), and an international streaming app.”


Continue reading below ↓

Tampok naman sa 12-episode BL series na A Kiss To Remember ang 23-year-old theater actor na si Z Mejia at ang 20-anyos na Cebuanong si Christian Estrada.

Sa Boys Next Door, magsasanib-puwersa ang mga bida ng My Extra Ordinary at A Kiss To Remember.

HOT STORIES

(Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika)

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gameboys (left, virtual kiss), mala-AlDub ang pakilig ng tambalang CaiReel; Sakristan (right, topless guys), magpapalabas ng love scene?
PHOTO/S: The IdeaFirstCompany Youtube / Daryl Yap Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results