Limang Pinoy Boys Love series, kasado na

by PEP Troika
Jun 20, 2020
Hello, Stranger (left) ng BlackSheep, na tampok sina Tony Labrusca at JC Alcantara. #MyDay (right) ng Oxin Films, na bida naman ang dating Bidaman finalist na si Miko Gallardo at Aki Torres.
PHOTO/S: Hello, Stranger / #MyDay posters

JERRY OLEA:

Good-bye, AlcanTon. Hello, XavMi!

Sina Xavier (Tony Labrusca) at Mico (JC Alcantara) ang mga pangunahing tauhan sa upcoming Boys Love series na Hello, Stranger. Si Petersen Vargas ang director nito.

Katunog o homophone ng “Save Me” ang XavMi na blending ng mga pangalan nina Xavier at Mico.

“There's this boy. And then there's another boy. And then, somewhere in there, love. If we could only tell this story the same way we tell other love stories. So here we are,” post ni Direk Petersen noong Hunyo 16, Martes ng gabi, sa kanyang Facebook account.

Si Direk Petersen rin ang director ng 2016 coming-of-age film na 2 Cool 2 Be Forgotten.

Maghe-hello ang BL series ng AlcanTon, este, XavMi, sa Hunyo 24, Miyerkules, sa Facebook page at YouTube channel ng Black Sheep, na subsidiary ng ABS-CBN Films.

Sunud-sunod ang iba pang aabangang Pinoy BL series.

#MYDAY BY OXIN FILMS

Hindi pa namin batid kung kailan ipapalabas ang BL series na #MyDay mula sa Oxin Films.

Continue reading below ↓

Directed by Xion Lim, ang #MyDay ay pinagbibidahan ng mga baguhang sina Miko Gallardo at Aki Torres.

Si Miko ay dating finalist ng Bidaman contest sa It's Showtime ng ABS-CBN.

Opo, Xion Lim ang pangalan ng direktor nito, hindi Xian Lim na ka-love team ni Kim Chiu at direktor ng Cinemalaya 2019 entry na Tabon.

Continue reading below ↓

As of this writing, naka-65,800 views na ang 53-second official teaser ng #MyDay, na in-upload noong Hunyo 9 sa YouTube channel ng Oxin Films.

THREE BL SERIES BY ASTERISK DIGITAL

Tatlong BL series ang ikinakasa ng Asterisk Digital Entertainment—ang My Extra Ordinary, A Kiss To Remember, at Boys Next Door.

Continue reading below ↓

Walong episodes ang My Extra Ordinary na istorya nina Shake (Darwin Yu) at Ken (Enzo Santiago)...ShaKen!

“Shake is very lonely and doesn't remember anything from his past until one day he meets a strange boy, Ken,” lahad ng PR person na si Michael Louie Almacen via Facebook messenger, nitong Biyernes ng gabi, June 19.

Dagdag niya, “This will premiere in July on the all-new One TV, Colours, YouTube (AsterisK Digital channel) and an international streaming app.”

Continue reading below ↓

Tampok naman sa 12-episode BL series na A Kiss To Remember ang 23 year-old theater actor na si Z Mejia at ang 20-year-old Cebuano na si Christian Estrada

.

Sa Boys Next Door, magsasanib-puwersa ang mga bida ng My Extra Ordinary at A Kiss To Remember.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hello, Stranger (left) ng BlackSheep, na tampok sina Tony Labrusca at JC Alcantara. #MyDay (right) ng Oxin Films, na bida naman ang dating Bidaman finalist na si Miko Gallardo at Aki Torres.
PHOTO/S: Hello, Stranger / #MyDay posters
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results